Chapter Four

1.3K 49 8
                                    

Chapter 4

ZAMIRA

“What on earth are you doing?” pabulong na sigaw ni Elliot ng makita ang ginawa ko, “Get out, Zam.” ani pa nito at pinilit akong ilabas sa ilalim ng lamesa. Ang mahabang sapin na tela ng lamesa ay hawak niya paangat.

Napaisip ako kung bakit nga ba ako nagtago, kung tutuusin nga ay wala naman akong kasalanan sa kaniya. Kakamot-kamot sa sintidong lumabas ako sa ilalim ng lamesa, may ilan na pinapanood kami pero karamihan ay mga walang pakielam dahil ang buong atensyon nila ay nasa malaking tao na ngayon ay pinalilibutan na ng maraming tao na kapwa negosyante.

“I don't think we can make it tonight,” bagsak ang balikat na usal ni Elliot sa tabi ko, pinapanood niya rin ang mga tao sa harap namin.

Tumango ako. Kung gano'n ay si Diether pala talaga ang pinakang pakay niya sa pagpunta rito.

Ang mga mata ko ay hindi mapatid sa pagtitig sa lalaking nakaupo na ngayon sa isang lamesa at halatang buryo na nakikipag-usap sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Ang laki ng pinagbago niya, ang angas na rin ng dating niya. Mas lalong lumakas ang dating niya dahil sa balbas nito na hindi naman ganoon kahaba pero bumagay sa itsura niya.

“This is boring,” komento ni Elliot, nilingon niya ako. “Let's go home?”

Pilit akong ngumiti, “Kararating lang natin..”

Marahas itong napabuga ng hangin, “Ok, we'll go find another big man here.” anito at iginala ang paningin sa paligid. “That one, Mr. Brown.” naniningkit ang mga mata na inginuso nito ang isang maputi't payat na lalaki. Mr. Brown daw pero maputi?

Tumango ako at hawak ang maliit na bag ko ay sumunod ako sa suwabeng paglalakad niya, nakapamulsa pa siya habang papalapit sa payat na si Mr. Brown.

Saglit ko pang tinapunan ng tingin ang puwesto ng kanina'y pinapanood namin, tulad kanina ay busy parin sila sa sarili nilang mundo.

Nailing nalang ako, ngayon ko napagtanto na malayo na talaga ang mundo namin sa isa't-isa.

Nang makarating sa table ng nag-iisang si Mr. Brown ay nakinig lang ako sa usapan nila, pilit kong inaalis sa isipan ang nagbalik na nakaraan. Ipinokus ko ang buong atensyon ko sa kung anong meron na ako ngayon.

Ang alam ko'y maliit lang ang hinahawakang negosyo nitong si Brown, pero ang mga investment naman niya ay kaliwa't-kanan. At si Elliot bilang siya ay alam kong papatusin niya ito kahit anong liit pa ng negosyo nitong si Payat.

Humaba pa ang usapan nila hanggang sa huli ay makapag-close ng deal itong si Elliot kay Browny, tulad ng inaasahan ay nakauto na naman siya.

Ang dapat na party ay ginawa niyang oportunidad para makapang-uto pa ng marami pang tao para mag-invest sa negosyo niya.

“We have four new investors in total.” malaki ang ngiting anunsyo niya ng matapos ang gathering, naglalakad na kami ngayon papunta sa parking lot.

“True, sir.” inaantok na sagot ko, may maisagot lang at hindi magmukhang baliw na kausap ang sarili itong si Elliot.

“I am great, right?” pagmamalaki nito, tumango nalang ako. Great mang-uto.

Nang marating ang sasakyan niya'y pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger side, akma na akong papasok sa loob ng mamataan ang isang lalaki. Naglalakad itong mag-isa habang tutok ang mga mata sa hawak na cellphone, nang siguro ay naramdaman na tila may nakatingin sa kanya ay nagtaas siya ng tingin, saglit na nagtama ang mga mata namin bago ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan ni Elliot.

Tinted ang salamin nito pero kita ko siya mula dito sa loob, natigilan siya at matagal na napatitig sa sasakyan kung saan lulan ako.

“I'm tired, ugh.” sambit ni Elliot ng tuluyan ng makaupo sa driver's seat. Hindi niya nakita si Diether, kasi kung nakita niya ito ay malamang na lalapit pa siya rito.

Nag-iwas na ako ng tingin, kinuha ko ang nakita kong bottled water sa dashboard at iniabot iyon kay Elliot na agad naman nitong tinanggap at ininom.



***


DIETHER

Am I just hallucinating or I just did see Zamira?

Kunot ang noo at nakasunod parin ang mga mata ko sa kaaalis lang na sasakyan, is that her?

Naputol lang ang pagtitig ko rito ng tuluyan na itong makalabas ng parking lot. Pagak akong natawa, there's no way I can see her here. Maybe I really am hallucinating.

Isinilid ko sa bulsa ko ang cellphone ko kasunod ng paghugot ko ng susi ng sasakyan ko, nang tuluyan ng makalapit sa nakaparada kong sasakyan ay agad na akong sumakay roon at nagmaneho pauwi.

“Dad,” salubong sa'kin ni Dexter.

My forehead creased, “Why are you still awake? Malalim na ang gabi, little B.” iginiya ko ito paakyat sa hagdan.

Hawak ang cellphone habang may kinakalikot roon ay tiningala niya ako, “I made an account, my classmates keeps on insisting that I have to make one. Is this a bad thing?”

Nang marating ang pangalawang palapag ng bahay ay tumigil ako at hinarap siya, “That is definitely a bad thing, son. They are influencing you to join a cult. Alam ko iyan.”

His mouth form into an 'o' shape, “Oh.”

“Yes, son. So as soon as possible, delete that–– what is that again?”

“Instagram account..”

“Yes, that.” humalukipkip ako at nakisilip sa hawak nitong gadget.

“I am going to delete it.” mahinang usal nito, tumango ako. “Though, my name here is very cute.”

“What's your name in that cult account?” pumantay ako rito at saglit na tinapunan ng tingin ang gusot nitong mukha.

“My name here is Dexter Zamira, an awesome combination.” maliit ang ngising nilingon ako nito, sinundan niya pa iyon ng maliliit na bungisngis.

“Delete it, now.” tumayo na ako. “And oh, I'm going to enroll you into a new and more decent school. Your classmates are no good for you.” isinilid ko ang isa kong kamay sa bulsa ko.

“I'm going to delete it.”

“Yeah, which is right.” tinalikuran ko na siya.

“I really am going to delete it.”

“Good, do that.” tango ko.

“Give me back my phone.”

Tumigil ako at kunot noo siyang nilingon, “What?”

“You snatched my phone, Dad.” busangot nito.

Napatingin ako sa kamay ko na hawak na pala ang cellphone niya, “Oh, I didn't notice.”

“Liar.”

Nagkibit-balikat ako, “Go to your room and sleep.”

“How about giving back my phone?” lumapit ito sa'kin at pilit na inabot ang bagay na hawak ko.

Umiling ako, “You are grounded, no phones 'til tomorrow.”


© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 2]✓Where stories live. Discover now