Chapter Eighteen

917 40 3
                                    

Chapter 18

ZAMIRA

“Perya?” naguguluhang tanong ko at inalis ang paningin sa peryahan. Kunot noong tiningala ko siya.

Malaki ang ngiting tumango naman ito, “Yes. Recommended by my friend.” sagot niya sanhi para matawa ako. Hindi naman sa ayaw ko dito, nagulat lang ako na sa dami ng lugar na pumasok sa isip ko na maaaring pagdalhan niya sa akin ay ito pang hindi ko inaasahan. Saka isa pa, kung ako lang din ay sanay ako sa ganitong lugar, ewan ko lang sa kaniya.

“Sigurado ka dito, huh?” tanong ko pa.

Ang malaki niyang ngiti ay nauwi sa pilit, “Yes?” sagot niya na nahimigan ko pa na patanong, napatango nalang ako at nauna na sa kaniyang maglakad papasok sa dagat ng mga tao.

Una kong natipuhang puntahan ay ang isang magic show, na alam ko namang may daya. Pero itong si Diether, napapasigaw sa tuwa at hangang-hanga sa mga taong nasa entablado. Lalo na sa part na kunwari ay pinapalutang ng magician ang katawan ng isang babae, gulat na gulat siya at grabe pa kung pumalakpak.

Mukhang sa trabaho at iba pang seryosong bagay talaga siya nag-focus at hindi sa mga ganitong katuwaan.

Sunod naming pinuntahan ay ang isang grupo ng mga mananayaw, bored akong nanonood habang ang kasama ko naman ay panay ang pagkuha ng litrato at video sa mga nagsasayaw. Hinahagip niya rin ako sa video minsan pero agad ko lang din siyang sinisiko sa tagiliran.

Nang makita ang bilihan ng mga cotton candy ay agad niya akong hinila papunta roon, nagandahan ata sa iba't-ibang kulay ng mga cotton candy doon kay natakam.

“What do you call this fluffy thing?” bulong niya sa 'kin matapos dumukot ng pera sa bulsa.

“Bulak. Sabihin mo, pabili ng bulak.” sagot ko.

Napatango siya at agad na humarap kay manong na nangingiting pinapanood lang kami.

“Sir, pabili ng bulak yung kulay blue.” ngiti ni Diether sa nagtitinda na siyang napakamot nalang sa ulo. Narinig niya kasi ang pangmamali ko kay Diether.

Nang matapos siyang bumili ay agad niya na rin iyong kinain, samantala yung akin naman ay nasa plastic parin at hindi ko pa ginagalaw.

“Oh fuck, what's that?” ngumunguyang tanong niya habang nakatingin sa isang show na pinamagatang 'Ang Sirena'. Peke naman ang mga sirena d'yan, mukha lang totoo dahil magaling umakting ang mga nagpapanggap na sirena, kita talaga sa mukha nila ang takot, siguro dinukot na tao lang mga iyon at inutusang magpanggap na gan'yan kaya kita talaga na takot sila.

“Wala 'yan, kalokohan lang.” sagot ko sa kaniya, pero huli na dahil si gago nakadungaw na sa kumpol ng mga tao na naroon.

Napabuga nalang ako ng hangin dahil nagpu-pumicture na naman ito doon.

Sa malapit na tindahan nalang ako tumambay, pinapanood ko si Diether na hangang-hanga na naman. Malamang dahil ngayon lang siya nakapunta sa ganitong lugar.

“Manang, pabili nga ng coke.” silip ko sa loob ng tindahan, nagc-cellphone doon ang matandang may-ari.

“Ha?” tanong nito at ibinaba ang cellphone.

“Pabili ho ng soft drinks, yung coke kako.” pag-uulit ko.

“Ah soft drinks,” anito at saglit na naghanap sa binuksang refrigerator. “Ay, coke nalang ang nandito. Iyon nalang?” lingon sa 'kin ng matanda.

Eat My Banana [Book 2]✓Where stories live. Discover now