Chapter Five

1K 52 3
                                    

Chapter 5

ZAMIRA

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para magpaalipin ng ganito sa Elliot-kulangot na 'yon.

“Mamu, saan po tayo pupunta?” tingala sa'kin ni Frigid.

“Secret muna, beh.” sagot ko sa kanya kahit ang totoo'y hindi ko talaga alam kung saan 'tong address na ibinigay ni Elliot, sa huli ay napilitan tuloy akong mag-taxi.

“Hmp. Snobish ka, Mamu.” aniya at sinubukang umirap, pero ang tiyanak ay nanirik lang ang mga mata. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito at tumingin nalang sa bawat kalsadang nadadaanan nitong cab.

Kaninang umaga kasi ay binulabog ako ni Elliot sa bahay dala itong dalawang bata, may ibinigay rin siyang address kung saan dadalhin ko itong dalawa, doon daw muna sila titira at ako ang kasama. Kainis lang dahil kumuha pa siya ng pansamantalang kapalit ko bilang sekretarya niya.

Buong biyahe ay tahimik lang si Azula, hindi tulad nitong si Frigid na miya't-miya kung sundutin ang tagiliran ko para lang kausapin siya. Lumaki siyang madaldal which is hindi na nakakapagtaka dahil kaming dalawa ni Elliot ang nagpalaki sa kanya, nakuha niya ang ilan sa ugali ko habang itsura naman sa Tatay niya.

Nang tumigil ang sasakyan ay nilingon ako ng driver, “Mam, nandito na po tayo. Sa loob po yung pinakang exact address. Ipapasok ko na rin po ba?” tanong nito.

Ngumiti ako, “Puwede rin, manong.”

“Manong, ipasok mo pooo.” pakikisali ni Frigid, mahina kong kinurot ang tagiliran nito. Si manong naman ay napapakamot nalang na nagpatuloy sa pagmamaneho, isang subdivision ang pinasukan namin. Hinarang kami ng guard pero agad din na pinapasok ng sabihin kong si Elliot ang nagpapunta sa'min roon.

“Salamat ho.” pasasalamat ko sa driver matapos iabot ang bayad, sa labas palang ng malaking gate ay sinalubong na kami ng isang katulong.

“Ibinilin na ho kayo sa'min ni Sir,” aniya at sumenyas sa dalawang gwardiya para bitbitin ang mga dala naming maleta.

“Ah ganun po ba..” usal ko at inilabas ang cellphone ko, tinawagan ko si Elliot.

“Hm?” sagot nito sa kabilang linya.

“Nandito na kami.” sabi ko at tumalikod sa gate.

“Good.”

“Bakit ba kailangan mo pang ilayo yung dalawa?” takang tanong ko.

Narinig ko ang malalim nitong paghinga, “Actually, si Frigid lang dapat.”

Nangunot ang noo ko. “Huh?”

“She want to see my daughter, Zam.” seryosong sabi niya, natigilan ako. “I met her last night, she said she want to see my daughter. I won't let her.” matigas ang boses na dagdag niya.

Napabuga ako ng hangin. Kung gano'n ay Nanay ni Frigid ang tinutukoy niya.

“Ok, dito lang kami.”

“Yes, please. Take care of her, I'm counting on you.” yun lang bago ko putulin ang linya. Napasintido nalang ako, ang sakit nila sa ulo. Pero naiintindihan ko naman si Elliot.

Isinilid ko na pabalik sa bulsa ko ang cellphone ko, sakto namang may marahas na tumigil na sasakyan palampas dito sa bahay kung saan ako nakatayo ngayon, kulang nalang ay mapudpod ang gulong ng sasakyang ito sa kalasada dahil sa tindi ng pagpreno.

Eat My Banana [Book 2]✓Where stories live. Discover now