Chapter Fourteen

943 61 9
                                    

Chapter 14

ZAMIRA

Nothing pero kung umasta siya ay parang kay laki ng galit niya sa mundo. Nariyan yung kapag hindi ako nakatingin sa kaniya ay kunot na kunot ang noo niya 'kong titingnan, nakikita ko siya sa peripheral vision ko, at kapag lilingunin ko naman ito ay siyang pag-iwas niya ng tingin habang mahinang bumubulong.

At isa pa, bakit nasa bahay ko parin ang lintik na 'yan?

Hindi siya umuwi kagabi at doon sa sofa ko natulog, ngayong umaga naman ay nasa kusina ko siya at naglalaro sa cellphone niya habang ako'y nagluluto ng umagahan ko.

Sinabi ko kagabi na umuwi siya, pero hindi siya nakinig at ini-snob lang ako.

“Mamaya pag-alis ko, umalis ka na rin. Umuwi ka sa bahay mo.” sabi ko rito habang kumakain, hindi ko sinabing kumain siya pero dahil makapal ang mukha niya'y nagkusa na siyang kumuha ng pinggan at pagkain na kakainin niya.

Hindi naman sa itinataboy ko siya, pangit lang kasi tingnan para sa'kin na narito siya gayong wala naman kaming relasyon. Ano nalang ang sasabihin ng mga makakakita sa'min? At hindi porke gwapo ang isang 'yan at malakas ang dating ay hahayaan ko nalang, s'yempre doon ako sa tama.

Kumibot lang ang mapula nitong labi at hindi ako sinagot.

Bawat subo ko ay siyang pagtingin ko sa kaniya, uminom ako ng tubig at tumikhim ng may maisip na itanong. “Kamusta ka na nga pala?” sa ilang linggo na nakikita ko siya ay ngayon ko lang siya kinamusta.

Kibit-balikat lang ang isinagot niya sa'kin.

Nagbaba ako ng paningin, “Wala ka bang ibang nagugustuhan o dini-date man lang?”

“Wala.” tipid ngunit mabilis na sagot niya.

Pagak akong natawa at napapalakpak, “Hah!” nai-hiyaw ko sanhi para mapatitig siya sa'kin na puno ng pagtataka ang reaksyon. Napakamot ako sa batok, “I mean, ang hina mo naman.”

Nakita ko ang pag-ismid niya, “I'm faithful to you, bakit ako maghahanap ng iba?” aniya.

Humaba ang nguso ko, “Sus. Pwede ba 'yun?”

Kunot-noo niya lang akong tiningnan at hindi na naman sinagot, pinagpatuloy niya ang pagkain.

“May problema ka sa'kin?” hindi ko na napigilang tanong, naa-awkward-an na kasi ako sa lagay namin. “Sabihin mo lang.” dagdag ko pa, may parte kasi sa'kin na hindi mapakali sa ginagawa niyang pananahimik, o baka hindi lang ako sanay na ginagan'yan niya ako.

“Just..” panimula niya, ibinaba niya ang hawak na kutsara at bahagyang inilayo sa kaniya ang pinggan. “Just stop pretending that you care about me if the truth is, you really don't. Umaasa lang ako.” malungkot ang mga matang sambit niya bago tumayo at iwan ako.

Napatitig nalang ako sa kawalan. “Sino bang may sabi na nag-aalala ako sa kaniya?” mahinang bulong ko sa sarili at naiiling na nagpatuloy nalang sa pagkain.




...




Nag-aalala na ako... pero ngayon lang.

Paano ba naman kasi'y pag-uwi ko sa bahay ay narito parin siya, bagong ligo at mukhang pinakielaman ang damitan ko. Suot kasi nito ang white t-shirt ko, maluwag iyon sa'kin at umaabot hanggang sa balakang ko, pero dahil malaki ang katawan niya'y naging hapit iyon at nag-mukha siyang baklang a-awra.

At ang pang-ibaba niya? Maong shorts ko na hindi naka-butones at naka-zipper. Umawang ang bibig ko ng makitang may panloob pa ito sa maong na shorts kong iyon, parang..

“Panty ko ba 'yang suot mo?” tanong ko at halos maghisterika na.

Blangko ang mukhang tiningnan niya lang ako.

“Bakit pati panty ko!” nag-iinit ang mga pisnging hinampas ko ito ng bag ko.

“It's my choice.” aniya at tinalikuran ako.

Halos umusok ako sa galit, dabog na sinundan ko siya. “Bakit ba hindi ka sa bahay mo mag-lagi? Bakit nandito ka? Trespasser ka, alam mo ba 'yon? P'wede rin kitang i-demanda!”

“Then, do it. I won't mind spending my life in a jail, my life is pointless now.” matabang na anito.

Napapadyak ako, “Bwisit. Mukha kang baklang macho dancer!”

“You're early today.” pag-iiba niya ng usapan, saktong pag-upo niya sa mahabang sofa ko ay siyang pag-angat niya ng isang baso ng juice mula sa lamesita.

“Wala ka na do'n. At huwag mong sabihin na kinalkal mo ang damitan ko?” hinagis ko sa one seater sofa ang bag ko at agad na pumunta sa kwarto ko, tiningnan ko agad ang damitan ko at nakitang maayos parin namang nakasalanaan ang mga damit ko, hindi tulad ng inaasahan ko na magulo.

Nagpalit narin ako ng pambahay bago siya muling nilabas.

“Umuwi ka na mamaya.” puno ng kaseryosohan na sabi ko rito.

Nang mag-iwas siya ng tingin ay nag-init ang ulo ko, heto na naman siya sa hindi pakikinig sa akin.

Mabilis ko siyang nilapitan, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pilit siyang pinatingin sa'kin. “Ano ba? Makinig ka nga! Ang sabi ko umuwi ka na––” naputol ang sinasabi ko ng hapitin niya ako sa baiwang at yakapin ng mahigpit.

“No.” mariing aniya, “Kahit mag-mukha akong ewan sa mga damit mo, I will never go home. This is my way of protesting against your answer, Zam.”

Sa sinabi niya ay bigla kong naalala ang protesta part one niya, noong nag-resign ako bilang nanny ni Dexter, lagi siyang nakatambay noon sa labas ng pinagta-trabahuhan ko.

“Siraulo ka.” usal ko at kumawala sa kaniya. “Kung iniisip mo na cool 'tong mga pinaggagawa mo, p'wes nagkakamali ka. Ide-demanda kita!” singhal ko at inis na tumayo ilang hakbang mula sa kaniya.

Tipid na tinanguan lang ako nito.

“Argh!” para namang mananalo ako sa kaniya sa demandahan! “Kung bakit kasi dito sa bahay ko ikaw magp-protesta! Doon ka nalang sa labas kung gusto mo, magpatayo ka pa ng billboard, letse!”

“Good idea. I'll do that.” nakahawak sa baba at tatango-tangong aniya.

Tumiim ang panga ko, “Peste ka.”

“Peste ng buhay mo.” ngisi niya sabay kindat.

Dali-dali kong pinulot ang suot kong tsinelas na pambahay, “Ah gano'n, halika at hayaan mong durugin kitang peste ka.” gigil ko siyang nilapitan at pinagpapalo ng tsinelas, tumatawang sinalag niya ang mga iyon.

“Hey, hey,” awat niya sa'kin, hinawakan niya ang mga braso ko at malaki ang ngiti akong pinakalma. “May pick-up line ako.”

Kinunutan ko lang siya ng noo.

“Ok, here it is. Bacon ka ba?” ngiti niya. Alam niyang hindi ko siya sasagutin kaya agad niya na rin iyong dinugtungan, “Kasi type kita.”

Matagal kaming nagkatitigan, malaki siyang nakangiti kung saan kitang-kita ang mapuputi't pantay-pantay niyang mga ngipin, habang ako'y kunot parin ang noo at iniisip kung anong kinalaman ng bacon sa 'kasi type kita'.

Siguro type niya ang bacon?

“Kinikilig ka, I know. No need to show it.” naiiling na aniya, “Last one. Oil ka ba?” muli ay anito, pinipigilan niya rin ang mangiti.

Tumaas ang isang kilay ko bilang pagsagot ng 'bakit'.

“Kasi, mahal na mahal kita.” dugtong niya na may kasamang kindat.

Nagtangis ang mga ngipin ko, mabilis kong pinakawala ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya at muli siyang pinagpapalo gamit ang tsinelas ko.

“Hayup ka sa bangis, kahit science hindi masasagot 'yang logic mo.”



© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 2]✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz