Chapter Six

1K 54 4
                                    

Chapter 6

DIETHER

“Sir––”

“No. I said, cancel it. All my meetings, etcetera. I don't care.” kunot noong pinutol ko na agad ang linya.

“Sir, ready na po ang sasakyan.” sigaw ni Mang Robert sa labas, ito ang nautusan kong sumira sa gagamitin kong sasakyan.

Malaki ang ngiting lumabas ako bitbit ang susi ko, ngayon ay hindi ako papasok sa trabaho. I even cancel all my doings for today, ang goal ko lang sa ngayon ay ang makausap ulit si Zam. She's back, I saw her yesterday and even talk to her for a bit of time.

And that is not enough. Kung pwede nga'y buong buhay na kami mag-usap habang tinititigan ko ang buong mukha niya.

Ang daming nagbago sa kaniya, her appearance, her way of talking, even the way she look at me. She looked at me yesterday like I am a complete stranger, maybe she really lost her memory.

“Mang Robert, are you sure this will do only for a minute?” tanong ko sa matanda habang nakahalukipkip na tinitingnan ang sasakyang ipinasira ko. “This should last only for a minute, walang sobra at wala ring kulang.”

“Yes, sir. Nasira ko na po ang engine niyan kaya sigurado pong hindi na 'yan tatagal, konting kalabit lang po at titirik na kayo sa daan.” puno ng pagmamalaking sagot niya.

I grin, “Very... Good.”





...


ZAMIRA


“Ma'am,” nilingon ko si Manang ng taranta itong pumasok sa kusina, umaga ngayon at pinapakain ko itong mga bata. Mamaya rin ay maghahanda pa ako dahil ililipat ko ng school 'tong si Azula.

“Po?” takang tanong ko, nangingiti kasi ito.

Inipit nito ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Eh kasi po may tao sa labas, nasiraan ng sasakyan.”

“Ok?” mas lalong nangunot ang noo ko. Ano namang kinalaman ko roon?

Kumamot ito sa pisngi, “Gwapo po eh, tapos naghahanap ng pang-ayos ng sasakyan. Itinatanong rin po kayo, kilala kayo Ma'am!” tili niya, mistulang sinisilihan ang puwit.

Saglit akong napaisip, wala naman akong ibang kilala na taga rito o malapit rito maliban sa isa. Sigurado akong siya iyon, linsya naman talaga at mukhang hindi pa ako titigilan.

“Ipagpatuloy niyo 'yang pagkain niyo, saglit lang ako sa labas. Ubusin niyo 'yan ha.” pinaningkitan ko silang dalawa bago naunang lumabas ng kusina, mabilis ko rin munang tiningnan ang sarili ko sa repleksyon ng salamin saka ako lumabas ng bahay.

Sabi ko na eh.

“Hi, goodmorning.” si Diether, tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Anong kailangan mo, Manong?” imbis ay sagot ko, pinagdiinan ko rin ang pagtawag ko sa kanya ng 'Manong'.

Malaki itong ngumiti sanhi para maglabasan ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin, “Well, my car,” turo niya sa napakakinis niyang sasakyan, mukha itong bagong bili. “My car is broken..” dagdag niya, nakangiti parin.

Gusto kong sabihing 'lolo mo, alam ko 'yang ganiyang galawan mo', pero kung sasabihin ko iyon ay mabubuko niya ako, malalaman niyang nagsisinungaling lang ako at hindi naman talaga nawala ang alaala ko.

Ngumiti ako, ngiting puno ng sarkasmo. “Pasensya ka Manong, pero hindi ako mekaniko. Hindi rin paayusan ng sirang sasakyan itong bahay namin ng asawa ko.”

Sumimangot siya, “Oh too bad for me.” bored niyang sabi bago lumapit sa puwesto ko. “I wonder if you really lost your memory.” naniningkit ang mga matang aniya.

Lumunok ako.

“I mean are you sure you can't remember this face?” seryosong sabi niya habang pinapanood ang reaksyon ko. “So sad, hindi mo maalala kung paano ka naghabol sa'kin. You even propose to me, ang sabi mo ikaw na ang mag-aaya ng kasal since ang gwapo ko para lumuhod.” kibit-balikat niya.

Gusto ko siyang sapukin!

Walang ganoong nangyari dati, ang lahat ng sinasabi niya ay ginawa niya kasi patay na patay siya sa'kin!

Kahit anong sigaw ng utak ko ay pinanatili ko ang blangko kong ekspresyon, hindi ako nagpa-apekto sa mga sinasabi niya dahil alam kong sinusubukan niya lang ako.

“You mean to say, ex-fiance kita?” kunwari ay nagulat ako. Sunod-sunod siyang tumango at humalukipkip sa harapan ko.

“You told me that you love me more than anything, ang sabi mo pa nga mamamatay ka kapag napahiwalay ako sa'yo.”

“Sinabi ko 'yon!?” namimilog ang mga matang tanong ko, tumawa siya.

“Yes.” Sinungaling ang bwisit na 'to. “Do you want to know more about our past? I mean, your past?”

Nakagat ko ang labi ko, kung tatanggi ako ay malamang na maghihinala siya. Kahit sino naman kasing nawawalan ng memorya ay macu-curious sa nakaraan nila.

“Ah, nasa loob kasi ang asawa't mga anak ko––”

“It's ok. I'm sure your husband won't mind,” ngisi niya pagtapos ay naglipat ng tingin sa bandang likuran ko.

“H-ho?” naringgan ko ang boses ni Jogjog, yung hardinero dito.

“You won't mind, right?” tanong pa ni Diether rito. Teka, inakala niya bang si Jogjog ang tinutukoy kong asawa ko!?

“A-ah, oho, sir.” sagot ni Jogjog, halatang hindi alam ang sinasabi ni Diether.

“See? Let's go in––”

“Teka, hindi talaga pwede sa loob. Saka isa pa, hindi siya ang asawa ko. Hardinero namin 'yan, 'yung asawa ko ay nasa loob at hinihintay ako. Mahal na mahal ako no'n at talaga namang magseselos siya kapag nakita niya akong may kausap na ibang lalaki. Sa susunod na taon nalang, ok? Bye, umalis ka na.” pilit ang ngiting pinagduldulan ko sa kanyang umalis na siya.

“But my car is broken. I don't give a damn about your husband, nauna parin ako sa kanya.” gusot ang mukhang pinigil niya ang mga kamay ko. “And what do you mean by next year?” pagmamatigas niya.

Kainis. Ang tigas talaga ng ulo niya!

“Ha-ha, sinabi ko ba 'yun? Basta kapag may time nalang ha? Bye, magtaxi ka nalang.” pinilit kong  bawiin ang mga palad kong hawak niya pero sadyang ayaw niya iyong bitawan, bagkus ay hinigpitan niya pa ang pagkakahawak doon.

“Listen, Zam.” pinilit niya akong tumingin sa mga mata niya. “Listen, I still love you.”

Napasinghap ako at natigil sa pagpiglas.

“I'm still inlove with you. After all these years, it's still you.”

Natulala ako, possible ba 'yun? Pero may asawa't anak na siya! Hindi ako naniniwala.

Mariin akong pumikit bago humugot ng malalim na paghinga, “May pamilya na ako, at siguro naman ay gano'n ka din..”

“Wrong.”

“A-ano?”

“I said, you're wrong.” maliit itong ngumiti. “I don't have a family, Zam.”

Naguguluhang napatitig ako sa mukha niya. Hindi niya ba pinakasalan si Ashley? Pinabayaan niya ba ang mag-ina niya?

“I'm already fucked-up since you left me, so I don't have one.”


© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 2]✓Where stories live. Discover now