Chapter Nineteen

744 37 1
                                    

Chapter 19

ZAMIRA

Ano kayang iniisip ni Diether ngayon? Nagalit kaya siya sa mga sinabi ko kagabi? Umasa ba siya na totoo ang mga sinabi ko? Nasaktan ko ba ang damdamin niya?

Hays. Napuyat ako kakaisip sa bagay na ito kagabi tapos hanggang ngayong umaga ito parin ang iniisip ko, sobra akong napapaisip sa kung ano ang naramdaman ni Diether sa mga sinabi ko kagabi.

“Ay kabayo!” hiyaw ko sa gulat, paano ba naman ay ang nakasimangot na mukha agad ng Boss ko ang nabungaran ko ng pumasok ako sa office niya. Hindi lang iyon at sa uri rin ng tingin niya sa'kin ay parang ipapa-bitay niya na ako. “Sir. Ang aga niyo po ngayon ah..” hamig ko sa sarili at pilit na tumawa.

“Hah.” bahaw na pagtawa nito, tumaas ang isang sulok ng bibig niya ngunit masama naman ang tingin sa akin.

Bigla tuloy akong napaisip kung may nagawa ba akong kasalanan.

“Ahm. Bakit po?” tanong ko at tuwid na tumayo sa tabi ng pinto, tinatanong ko kung may nagawa ba akong mali para maging ganiyan ang uri ng pagtingin niya sa'kin.

Humalukipkip lang siya at sumandal sa gilid ng mesa niya, wala siyang balak na magsalita para sabihin sa'kin ang nagawa kong mali.

Nag-isip ako. Binalikan ko ang pangyayari mula noong isang araw, maayos naman ang mga naging trabaho ko, lahat ng meeting niya ay nai-schedule ko at ang iba naman ay nai-resched ko din. Ang mga dapat papirmahan sa kaniya ay pirma nalang niya ang kailangan at maayos naman iyong nakasalansan sa ibabaw ng mesa niya.

Ang bilang ng mga ballpen at lapis sa table niya ay kita ko namang sakto, malinis rin ang buong office niya at higit sa lahat ay wala akong ginagawa sa mga sasakyan niya.

Ang pangalan niya sa ibabaw ng table niya ay hindi rin baliktad, wala rin itong kahit anong dumi o gasgas. Wala na akong ibang maisip na dahilan para ika-ganito niya.

“Ano––” agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

“How could you.” nanliliit ang mga matang sabi niya.

“Ha?” kunot noong tanong ko.

“I've waited for you last night. Dalawang oras akong naghintay sa'yo sa shop, you didn't even text me if you're still going or not.”

Doon umawang ang bibig ko. Naalala ko ng nakalimutan ko siya kagabi, bwiset. Sasamahan ko nga pala siya sa pagbili ng kung anong burloloy.

Agad akong nag-isip, pagk'wan ay ipinaskil ko ang malungkot kong ngiti. “Sorry, Sir. Dinalaw ko kasi yung dati kong kaibigan sa hospital, na-baril po eh. Isang porsyento nalang ang chance na mabuhay siya kaya hindi rin ako nakaalis para bantayan siya..” suminghot pa ako at pinahid ang nagluluha kong mga mata.

Agad siyang napaayos ng tayo, titig na titig siya sa mukha ko ngayon. “Y-you should at least inform me. Dapat tinawagan mo 'ko.” nakaawang ang mapulang labi na aniya.

Tinuyo ko ang luha sa mga mata ko at marahang umiling, “Na-snatch po ang cellphone ko kagabi.”

“Oh, okay.” tumikhim siya at naupo na sa swivel chair niya, ako naman ay pigil ang mapatawa dahil mabilis siyang naniwala sa sinabi ko, naupo na rin ako sa upuan ko. “How's your friend now?”

Saglit ko siyang nilingon, “Maayos naman pong na-operahan, ang kaso ay hindi parin siya nagigising.”

“I'll take a visit later.” aniya sanhi para ika-laki ng mga mata ko, agad rin akong umisip ng isasagot.

Eat My Banana [Book 2]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon