Chapter Twenty-One

708 32 3
                                    

Chapter 21

ZAMIRA

Naalala ko ang pagmu-mukha ni Ashley kanina, selos na selos siya samantalang wala pa naman akong ginagawa.

Lumayo ako noon para masolo niya si Diether, para magawan niya ng paraan kung paano mahuhulog ang loob nito sa kaniya. Pero ano bang ginawa niya? Wala naman ata.

Tapos ngayon sasabihan niya ako ng masasamang salita sa harap ng maraming tao, pinahiya niya ako samantalang wala naman akong ginawang masama sa kaniya bagkus ay inalala ko pa nga ang kung anong mararamdaman niya noon.

“I'm asking you, Zam. What happened earlier?” si Diether, nasa ibabaw ko ito at nakatungo sa'kin para tingnan ako sa mata. “Kapag hindi ka sumagot, I'm going to take you.” makahulugang pananakot niya.

Inirapan ko siya, at gamit ang dalawang palad ko ay itinulak ko siya paalis sa ibabaw ko. “Tigilan mo 'ko, manyakis.” bumangon ako at umupo sa gilid ng kama ko, hinila ko rin ang towel ko para ipangtakip sa balikat ko pababa sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang paggalaw niya, lumipat siya sa kabilang gilid ko at doon naupo, katabi niya ngayon ang headboard ng kama ko.

“Bakit ba tinatanong mo pa? Anong pakielam mo?” pagsusungit ko. “Doon ka sa Ashley mo, nababaliw na kahahanap sa'yo.” wala sa sariling naisambulat ko, pero huli na para bawiin 'yon lalo na ng mapansin ko ang pagbabago ng awra niya.

“She did that to you?” tanong niya, nang hindi ko siya sinagot ay hinila niya ako sa braso para iharap sa kaniya. “What else did she do?” ngayon ay sigurado na ang tono ng boses niya.

“Hindi na 'yon mahalaga. Umuwi ka na at magpapahinga na 'ko, pagod ako kaya please lang.” inagaw ko sa kaniya ang braso ko at tumayo, ngunit tumayo din siya at hinarang ako sa tangka kong pagpunta sa pinto.

“I'm sorry for what she did.” hinging tawad niya na ikinaasar ko. Bakit siya hihingi ng tawad sa ginawa ni Ashley? Siya ba ang nagsaboy sa'kin ng inumin? Siya ba ang nagpahiya sa'kin? Hindi naman ah!

“Umalis ka na. Doon ka sa kaniya para hindi na ako nadadamay sa gulo niyo.” matigas na sabi ko, ngunit ang lahat ng 'yon ay wala sa loob ko.

Alam ko sa sarili ko na masasaktan ako kapag sinunod niya 'yon.

“Kalalabas niya lang sa mental. Ashley suffer in depression–”

“Hindi ko naman tinatanong.” pagputol ko sa kaniya, mas naiinis ako dahil tila ipinagtatanggol niya ngayon ang babaeng 'yon. Sabagay, matagal silang nagsama. “Kahit saang lupalop pa nanggaling 'yan, wala akong pakielam. Ang gusto ko lang ay huwag niya akong guluhin!” iritado ko siyang nilampasan, nagtungo ako sa banyo para mabilis na maligo.

Hindi man aminin ni Diether ay halata naman sa kilos at mukha niya na may pakielam siya kay Ashley, unlike noon na halos ipasunog na niya ito lubayan lang siya. Alam kong masama ang iniisip ko, pero naiinis ako dahil hindi na katulad ng dati ang trato niya kay Ashley.

Kung gusto niya ang babaeng 'yon, edi magsama sila. Huwag na siyang magpakita sa'kin at umastang patay na patay sa'kin. Akala niya ba siya lang ang umaasa? Ako din. At mas mahirap yun sa part ko dahil gustuhin ko man na muli siyang pagkatiwalaan ay hindi ko magawa, natatakot ako, natatakot ako na baka gawin niya lang ulit ang ginawa niya dati at maiwan akong nag-iisa.

Sa loob ng maraming taon ay sinubukan kong kalimutan siya, sinubukan kong pilitin ang sarili na magkagusto sa iba, pero hindi ko magawa. Nakokonsensya ako, na baka tulad ko na nasaktan noon ay makasakit lang din ng iba.

Eat My Banana [Book 2]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon