Book 2: Prologue

2.9K 62 12
                                    

"Goodluck to your operation," maliit ang ngiting ani Elliot. Aksidente ko lang itong nakita noon dito sa US, ayon sa kanya ay dito talaga siya nakatira at pumupunta lang sa pilipinas para bisitahin ang grandparents niya.

Ilang linggo rin kaming nagkasama at nagka-kuwentuhan, naging palagay ako sa kaniya at tingin ko naman ay ganoon din siya sa'kin. Kasi kung hindi ay malamang na hindi niya ikukwento sa'kin ang pagkahilig niya sa kotse at ilang personal na impormasyon narin patungkol sa kanya.

Marahan akong tumango. "Salamat."

Ngayon ay operasyon ko na at siya ang nariyan para umalalay sa'kin, wala ang Ama ko dahil nasa isang business meeting ito. Ang balita ko kasi ay palugi na ang negosyo ni gurang, negosyo niya na ang ama ko ang umaasikaso. Psh.

Nakakainis lang isipin na mas inuna niya pa iyon kaysa sa'kin na anak niya na sasailalim sa isang operasyon.

Si Yuraine naman ay naiwan sa Pinas dahil bagong panganak lang ito, isa pa'y kasalukuyan itong sinasamahan ng magaling na si Hienritt kaya palagay naman ang loob ko na walang mangyayaring masama sa kapatid at pamangkin ko.

Pumihit na 'ko patalikod at hahakbang na sana ng hilahin ni Elliot ang braso ko at ikulong ako sa matitigas niyang braso. Sobrang bilis ng mga pangyayari na tipong hindi agad ako nakapag-react.

"I'll pray for you. Please, live." bulong niya sa ulo ko at naramdaman ko doon ang magaan niyang paghalik bago humiwalay sa'kin.

Tigagal ako hindi dahil sa kinilig ako sa ginawa niya, kundi dahil sa hindi inaasahan ay naalala ko siya. Madalas niya kasi iyong ginagawa sa'kin lalo na kapag nagpapaalam siya.

Pilit akong ngumiti. Sa totoo lang ay wala na akong pakielam kung magtagumpay o hindi ang operasyon ko, hindi ko alam pero parang paghinga nalang ang misyon ko dito sa mundong ibabaw.

Parang nakakasawa na, nagsasawa na ata akong mabuhay.

Bawat oras ay naiisip ko siya, walang araw na hindi siya pumasok sa isip ko.

Kumusta na kaya siya?

Nakapag-move-on na kaya siya agad sa loob ng dalawang buwan?

Siguro, oo. Malamang na masaya na siya ngayon sa isiping magkakaroon na siya ng pamilya, alam ko naman. Mabilis lang akong kalimutan.

Sana ganoon din ako, mabilis makalimot. Kasi ansakit e, hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit ang tanga ko. Kung bakit pinaraya ko siya para sa kasiyahan ng iba gayong siya ang kasiyahan ko.

Nakakapagod magmukmok, nag-aaksaya lang ako ng luha at panahon. Kahit anong gawin ko ay iikot at iikot ang mundo, hindi iyan titigil para damayan ako sa pag-iyak dahil nagpaka-tanga ako.

Kaya sana kung magtatagumpay man ang operasyon ko, kung mapapalitan na ang puso ko..

Sana mapalitan na rin yung nararamdaman ko. Sana iba nalang ang itibok ng bagong puso na ipapalit sa ungas at butas na puso kong ito. Hindi marunong pumili eh.



© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 2]✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن