Chapter Twenty-Five

674 29 5
                                    

Chapter 25

ASHLEY

“Mr. President is in the middle of meeting and don't want to be disturbed, I'm sorry but you have to leave now.”

Damn that woman, what she said is still echoing in my head. Alam ko naman na iniiwasan lang ako ni Diether, and that's because of what I did the last time to her bitch. Ang sampid na iyon ay may lakas rin pala ng loob na magsumbong.

Heh. Just watch her back.

“Mam, sino ba ang ipapatumba niyo?” said by Ramon, he's tall and has a big tummy. Mayroon din siyang tattoo at mahabang pilat sa braso. Sa pagkaka-alam ko ay ex-convict ang isang 'to.

I shifted my eyes from him to the picture I'm holding, ngumisi ako at iniabot iyon sa kaniya. “That woman.”

Napatango siya, “Eh paano itong lalaki na katabi niya? Itumba ko na rin?”

My eyes widen, “NO!” hiyaw ko, that is Diether. “You will do nothing to him, huwag na huwag mo siyang gagalawin.”

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay habang mahinang tumatawa, “Orayt mam, relax ka lang.”

Bumuga ako ng hangin at inilabas ang pauna kong bayad, “Here. Kapag tapos ka na saka ko ibibigay ang buong bayad.”

Tinanggap niya iyon at agad na binilang, “Okey, mam. Asahan niyong hindi lilipas ang dalawang araw at mawawala na ito sa landas niyo.”

Napangisi ako, “Good. Nasa likod ng litrato ang address at pangalan niya, tawagan mo ang numero ko kapag natapos mo na ang trabaho mo.”

Nang tumango siya ay agad na akong tumalikod at naglakad paalis, ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay magpahinga at kunin ang atensyon ni Diether.

A day or two, Zamira will be dead.


...


ZAMIRA

Hindi ako mapakali.

'Di ko alam kung assuming lang ba ako o totoong may tila sumusunod sa akin at pinapanood ako mula sa malayo, kahapon ng tanghali ko pa ito napapansin mula noong mag-lunch ako kasama si Elliot.

Nakakaramdam lang ako ng kapanatagan tuwing nasa office ako o napapalibutan ng mga kasamahan ko sa trabaho.

“Are you alright?”

Ilang beses akong kumurap ng mapagtantong nakatulala na pala ako kawalan, nasa harapan ko si Elliot at mukhang ready na para umuwi.

Pilit akong ngumiti, “Oo, okay lang.” gustuhin ko man na magsumbong sa kaniya ay kinokontra naman iyon ng isip ko na baka nga mali lang ako ng akala.

Pero ano rin bang malay ko na baka crush lang ako ng sa tingin ko'y ini-stalk ako?

O baka paparazi na? Dahil ba nakita akong kasama ni Diether na isa sa mga sikat na businessman?

Siguro ay paranoid lang ako o kulang sa tulog dahil ilang gabi na nga akong puyat.

“You're going OT?” nakataas ang isang kilay na muling tanong ni Elliot, pansin niyang hindi parin naka-ayos ang mga gamit ko.

“Ah, oo–– I mean hindi, ang ibig kong sabihin ay mauna ka nalang, Sir. Tapusin ko lang 'to then uuwi na 'ko.” sagot ko.

Nagtatakang tiningnan lang ako nito.

Eat My Banana [Book 2]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon