Chapter Three

1.3K 47 8
                                    

A/N: Wrong spelling, grammatical errors ahead.

***

Chapter 3

DIETHER

“Vivienne, coffee please.” usal ko habang tutok sa papeles na binabasa ko, kararating lang ng sekretarya ko. She isn't late, maaga lang talaga ako.

“Yes, sir. On it.” she replied, narinig ko ang lumalagutok nitong takong na miya't-miya ang paghalik sa sahig ng opisina ko, saglit ko itong tinapunan ng tingin bago napipikang napahilot sa sintido.

Sumandal ako sa swivel chair ko at awtomatikong napunta sa isang bagay ang mga mata ko, a picture frame. Nakapaloob rito ang larawan namin ni Zamira, the photo is taken by me. Ito yung time na ibinili ko siya ng cellphone.

Napabuga ako ng hangin at ibinato sa ibang direksyon ang paningin ko, ilang taon ko ng pinipigilan ang sarili na ipahanap siya. Gusto kong malaman ang kalagayan niya, but no, I am no good to her. Masyado ko na siyang nasaktan, and distancing myself from her is the very best decision.

Though that decision is killing me.

“Here, sir.”

Naagaw ni Vivienne ang atensyon ko ng ilapag nito sa harapan ko ang isang tasa ng kape.

“Secretary, do you have a boyfriend or husband?” I asked her randomly.

Halata ang gulat sa mukha nito, marahil ay nagtataka siya kung bakit ko iyon itinatanong. It's not like I'm interested to court her.

“W-wala, sir.” sagot nito, tumayo siya sa gilid ng table ko.

Ako naman ay napahawak sa baba ko, I looked at her directly to her eyes. “How 'bout exes?”

“Meron, sir. Isa lang.” seryosong anito, napaayos ako ng upo.

“Sorry for asking, but, do you still have feelings for your ex?”

Tipid itong ngumiti bago tumango, “Anger, sir.”

My mouth fell, “Seriously?” I blink, tumango ito.

May tiyansa kayang galit parin sa'kin hanggang ngayon si Zamira?

Nakaupo na si Vivienne sa upuan niya'y nag-iisip parin ako, ang papeles na kanina'y binabasa ay hindi ko na nabigyan ng pansin.

I extended my arm, inabot ko ang litrato at pinakatitigan ang magandang mukha niya. What if she already have a family?

I can't still move on, subukan ko man ay wala ring nangyayari. Bawat panaginip ko ay mukha niya ang nakikita ko, kahit ang saglit na pagtulala ko ay mukha niya parin ang pumapasok sa isip ko.

Napahilamos ako.

Damn. I've never thought that I can be this inlove in my entire living. It's crazy, but I guess first love really, never dies.

Iniikot ko ang swivel chair na inuupuan ko at hinarap ang glass wall, mula rito ay tanaw ko ang abalang siyudad.

Pumikit ako habang yakap sa braso ang litrato namin, nang muli akong magmulat ng mata ay bumuo ako ng pasya.

Sa loob ng taong ito, kung hindi ko parin siya makikita ay magpapakasal na ako sa iba. Kahit hindi ko mahal ay pakakasalan ko, aanakan ko.

It's been four years, siguro naman ay magiging sapat na dahil madadagdagan pa iyon ng isa pang taon. Five years in total.

Kung hindi ako magkaka-anak ay wala akong mapag-iiwanan ng lahat ng meron ako.

I bit my lip. Tungkol sa anak namin ni Ashley, she's five months pregnant ng malaglag ang bata. When Zamira left me, hindi ko alam ang gagawin ko. I have no direction in life, isinisi ko ang lahat kay Ashley, and to myself as well. Kahit alam kong dinadala niya ang anak namin ay hindi ko siya pinupuntahan, I gave everything she needs in her labor. Pero kahit isang beses ay hindi ko nagawang bisitahin siya, until one day, isang nurse ang tumawag sa'kin. Telling me everything what happened, that we lost the baby.

After what happened, nawala sa tamang pag-iisip si Ash, she keeps on drowning in her own thoughts that we still have the baby.

Our baby named Asher.

“Sir, about the party.”

Namalayan ko nalang na nasa gilid ko na pala si Vivienne, she's holding her Ipad while looking at me full of curiosity.

“What... about that?” mahinang usal ko.

“Sir, I can't go to the party.”

Tumaas ang isang kilay ko bago siya hinarap, “And why is that?”

Humigpit ang pagkakapit niya sa Ipad. “Sir,”

“Hm?” muli akong humarap sa table ko, ibinalik ko ang picture frame sa dati nitong puwesto at kinuha ang papeles na kanina ay binabasa ko.

“Sir, kailangan ko pong umuwi sa probinsya namin. My father is sick.” mababa ang tono ng boses na anito.

I smirked, nilingon ko ito. “Secretary, you longer have no family in case you forgot. You don't know your father, and your mother is a prostitute who is now, dead.” ibinalik ko ang paningin sa papel na hawak at nagpatuloy sa pagsasalita. “You also don't know if you have siblings, so tell me, what's your real reason? Lying in my face won't help, anyway.”

“H-how––”

“I won't accept you here without a deep background check.”


***

ZAMIRA

Nang makapasok sa loob ng venue kung saan ginaganap ngayon ang gathering ay sumalubong sa'kin ang magarbong ayos ng paligid. Sa tabi ko ay pokerface na nakatayo si Elliot, nakahawak ako sa braso nito.

Kakaunti palang ang mga pres na nakikita ko, ang ilan din ay nagdaratingan palang. Maaga kami ng sampung minuto, ang sabi kasi ni Elliot ay mas maganda iyon para hindi kami maipit sa pres na maglalapitan. Tama naman siya dahil matiwasay nga kaming nakapasok sa venue ng hindi naha-haggard.

“I told you.” usal ni Elliot, parang sira ang isang 'to. Pilit niyang ginagawang masungit ang sarili dahil pogi points daw iyon. “Now, all we have to do is to wait for the LCC president. I'm sure siya ang hinihintay ng maraming reporter d'yan sa labas.”

Tumango ako habang hinahanap ang lamesa na kadalasan ay pinapatungan ng maraming pagkain, hindi ko kasi ito makita.

“You know, Zam. I learned last friday that the LCC's owner is also the owner of the biggest hotel company here in our country. My point here is kung kukunin niya tayong supplier ng mga appliances and such, mas lalo tayong sisikat. Can you imagine that?”

Tumango ako, “True, sir.” ani ko.

“That's why we really have to impress the president tonight.” sabi pa nito.

Minuto pa ang lumipas at narinig namin ang sunod-sunod na pag-click ng mga camera sa labas, umingay rin ang mga reporter at ilang tao na kasama namin dito sa loob.

“I think, it's already the president.” sambit ni Elliot sa tabi ko, natuon ang atensyon ko sa malaking pinto na pinapasukan ng mga bisita.

Segundo at pumasok roon ang isang tao na naging sanhi ng biglaang pagkatuliro ko.

Anong ginagawa niyan dito?

Pagkuwan ay naalala kong businessman nga pala ito noon pa man. Kung gano'n ay ano pang ginagawa ko rito?

Huli ko pa itong tinapunan ng tingin.

Si Diether.

Bago ako tarantang nagtago sa ilalim ng lamesa.

© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 2]✓Where stories live. Discover now