Chapter Twenty-Six

677 37 2
                                    

Chapter 26

ZAMIRA

Nakakatawang tingnan na ako pa mismo ang nagdala sa sarili ko sa hospital, ako na na-baril at malala na ang lagay, nakuha pang magmaneho papunta sa pagamutan.

Ano pa nga ba kasi ang aasahan ko? Kung maghihintay lang ako ng tulong eh baka naubusan na 'ko ng dugo at namuti na ang mata kahihintay sa wala.

Ang mga kapit-bahay ko? Mga bingi, bwisit.

“Oh my fucking self—” marahas na nagbukas ang pintuan ng private room na kinalalagyan ko, tapos na ang operasyon ko at nakuha na ang bala sa likod ko— ayon sa nurse na kasama ko ngayon na halos mapatalon sa gulat ng magbukas ang pinto. Kagigising ko lang din at napagtanto ko ngang alas-otso na ng umaga.

Si Diether na mukhang bangag ang pumasok sa pinto, kasunod ang mga 'di kilalang tao na kapwa niya mga naka-office attire pa. Maski nga si Viviene ay natanaw ko rin.

“Zam, oh god.” mabilis na lumapit sa gilid ko si Diether at kinuha ang isa kong kamay.

Hindi ko naman ito tinawagan kaya paano niya nalaman na nandito ako?

Naguguluhan kong nilingon ang nurse na nahuli kong nangingiting nakatingin kay Diether.

“Mr. Diether Davidson po 'di ba?” malamyos ang boses na tanong ng nurse, “Kayo po ang nasa speed dial ni Ma'am kaya kayo po ang aming tinawagan..” dagdag pa nito.

Ibinalik ko ang paningin kay Diether, “Ayos lang ako..” paos ang boses na sambit ko.

“I'm so sorry if I came here late, a flight from Japan is really hassle.” hinging tawad niya na hindi niya naman dapat ginagawa, malay niya ba na babarilin ako sa bahay ko?

Kaya rin pala ganito ang itsura niya ay dahil kagagaling niya lang sa flight, malamang na may jetlag pa 'to.

Tipid akong ngumiti. “Malamang na hindi ka nakatulog sa biyahe, matulog ka muna..” sambit ko at hinaplos ang pisngi niya, umawang ang labi nito. “Kumain ka na rin, namamayat ka..” dagdag ko pa.

Ilang beses itong kumurap bago binalingan ang nurse na pinapanood nalang kami, “I-Is this the side effect of anesthesia?”

Napamulagat ang nurse sa biglaang pagka-usap sa kaniya nito, “A-ah, maybe po.” mabilis niyang naisagot.

“Wow.” manghang usal ni Diether.

“Gusto mo tabi tayo dito sa kama ko?” alok ko at sinubukang umisod, naka-tagilid kasi ako.

Lumaki ang ngiti niya. “Sure. I hope the side effect keep you like these forever.” aniya at akma ng aalisin ang suot niyang sapatos ng sumingit ang nurse at ang sekretarya niya.

“Sorry, Sir. But the bed is for the patient only.” Nurse.

“Mr. President, the papers is waiting for your sign.” Secretary.

Ang nurse ang una niyang binalingan, “Really?”

“Yes, Sir. Beside, it's for the patient's safety.” bigla ay naging masungit ang mukha nito.

“Oh..” usal ni Diether at nagbalik ng tingin sa 'kin, matagal niya akong tinitigan bago bagsak ang mga balikat na nilingon ang sekretarya niya. “Leave the papers in my office and cancel all my schedule for this week.”

Tumango ang sekretarya niya bago ako balingan, “Get well soon.” aniya at bahagyang tumungo, tipid lang akong ngumiti.

Nang maka-alis ang lahat kasama ang nurse ay sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan namin ni Diether, nanatiling hawak niya ang isa sa palad ko habang ako naman ay titig na titig sa mukha niya.

Eat My Banana [Book 2]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon