Chapter Sixteen

936 46 3
                                    

Chapter 16

ZAMIRA

“Ms. Zam, ayos ka lang ba?”

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Kaye, agad kong isinara ang pinto at mabilisang ini-lock ang seradura no'n.

“You're with someone else?” naka-arko ang isa sa makapal na kilay na binalingan ni Diether ang nakasarang pintuan bago ako muling lingunin. Mas lumaki ang ngiti nito sa labi. “Introduce me to your friend.” dagdag niya at tumayo habang ipinupulupot sa ibaba niya ang puting tuwalya ko.

Sinamaan ko siya ng tingin bago sagutin si Kaye, “Ayos lang ako, nagulat lang.” sabi ko rito.

“Hm, ok. Balik na 'ko sa salas?”

“Sige, be. Palabas na rin ako.” sagot ko, tumaas ang dalawang kilay ni Diether habang pinapakinggan ang usapan namin.

Nang masiguro kong wala na ito'y kinunutan ko ng noo ang hinayupak na nasa harapan ko, “Ano na naman 'yan? Pakiramdam mo ba talaga pamamahay mo 'to para maggugumanyan ka?” asar ngunit mababa ang tonong sabi ko.

Pumamewang ito sanhi para saglit kong mapasadahan ang malaki nitong katawan, “Eyes up here,” ngisi niya kaya mabilis akong nagbalik ng tingin sa mukha nya, “You locked your drawers, saan sa tingin mo ako kukuha ng maisusuot?”

Pagak akong natawa, “Aba, hindi ko na problema yon!”

“It is now.” aniya at humalukipkip, tila sinasabi niya na problema ko na nga iyon ngayon dahil magpapalakad-lakad siya ng hubo't-hubad dito sa pamamahay ko.

“Umuwi ka na kasi!” gigil na sabi ko, kulang nalang ay maglupasay ako sa inis kada pipilitin ko siyang umuwi na sa bahay niya. “Wala kang mapapala sa'kin kahit anong gawin mo.”

Tipid lang nitong kinagat ang pang-ibabang labi at itinapon ang tingin sa kung saan, pinakikita niya na hindi siya interesado sa mga sinasabi ko.

Pagod akong napabuga ng hangin, pagk'wan ay lumapit ako sa study table ko na kalapit lang ng kama ko at hinanap nalang ang files.

“We should date.” rinig kong sabi ni Diether sa bandang likuran ko, hindi ko namalayang naroon na pala ito at pinapanood ako sa ginagawa ko.

Hindi ako sumagot at hinayaan lang siya, nang tuluyan ko ng mahanap ang hinahanap ko'y pumihit ako paharap sa kaniya para lang siya'y lampasan.

Ang balak ko ay hindi ko nalang siya iimikin hanggang sa magkusa nalang siyang umalis.

“Oh crap, are you mad?”

Akma ko palang na aabutin ang seradura ng pinto ay agad na siyang humarang sa daan ko, sinubukan ko siyang hawiin ng walang kahit anong sinasabi ngunit hindi ito natinag.

“You're mad. Galit ka na sa'kin?” pilit niya akong pinapaharap sa kaniya sa pamamagitan ng paghuli sa mga mata ko ngunit paulit-ulit ko lang din na iniiwas ang paningin ko. “Ok, fine. I'm going home now!” pagsuko niya at pumihit paharap sa pinto para ito'y buksan, nang maalala kong nasa labas si Kaye ay mabilis ang kilos na pinigilan ko siya, hindi sinasadyang nahila ko ang towel na nakapulupot sa baiwang niya kaya mabilis iyong nalaglag sa sahig, bumalandra sa harapan ko ang bilugan at matambok nitong pang-upo.

“Oh diyos ko!” tili ko at nasapo ang nakaawang kong bibig.

“It's your fault.” patag ang boses na sambit ni Diether, hindi rin siya kumilos para pulutin ang tuwalya bagkus ay muli lang itong humalukipkip habang nakaharap sa pintuan. “Now, put the towel back in my waist.”

Wala itong hiya, hindi man lang siya mailang na nakabalandra ngayon sa harapan ko ang tumbong niya!

“A-ano? B-bakit ko naman gagawin 'yon.” utal na pagtutol ko at bahagyang napaatras. “B-bahala ka d'yan!” dagdag ko pa at napapalunok na hindi maalis ang pagkakatitig ko sa pang-upo niya.

“No, no. You do it yourself coz it's your fault, ikaw ang humila niyan paalis sa'kin,” sabi niya, nang magtaas ako ng paningin sa kaniya ay nakita kong naiiling pa ito. “Or else, you really want me fully naked here.” dagdag niya at saglit akong nilingon.

“G-gago ka ah, baka gusto mong sipain ko itlog mo d'yan!” nag-iinit ang pisnging singhal ko, gamit ang paa ko'y inabot ko ang tuwalya sa baba at inilapit sa'kin, pinulot ko iyon at iniabot kay Diether. “Oh, kukunin ko na rin yung susi ng mga drawer ko para makapagdamit ka na..” pampalubag loob na sabi ko rito, ngunit hindi niya tinanggap 'yon o maski tingnan man lang.

“You, put it back.” aniya.

Talagang sinusubukan niya 'ko!

“Kapag ito hindi mo pa tinanggap, hinding-hindi na talaga kakausapin. Maski pagtingin sa'yo ay hindi ko na gagawin, snob ka na sa'kin habang-buhay.” pananakot ko, effective naman dahil segundo lang at nasa kamay niya na iyon at siya na rin ang nag-aayos niyon sa baiwang niya. “Ngayon, lalabas ako. Dito ka lang dahil kapag nakita ka ng ka-trabaho ko sa gan'yang ayos mo at nandito ka pa sa bahay ko, katapusan ko na. Kaya huwag na huwag kang lalabas, maliwanag ba?”

Nang pumihit siya paharap sa'kin ay busangot na busangot ang mukha niya, pero nagawa niya paring tumango. Nilampasan niya ako at prenteng muling naupo sa paanan ng kama ko, pinaglaruan niya ulit ang bote ng lotion ko sa pamamagitan ng pagbubukas-sara ng takip nito.

Napairap nalang ako sa hangin at tuluyan ng lumabas, sa tabi ng pintuan ko ay may picture frame, sa pako na sinasabitan no'n ko inilagay ang susi ng mga drawer ko. Kinuha ko iyon at bahagyang sumilip sa pinto, “Heto ang mga susi.” pagkuha ko sa pansin niya bago ihagis sa kaniya ang susi, nang masalo niya iyon ay isinara ko na ang pinto at binalikan si Kaye sa salas.

“Ang ganda talaga ng bahay mo, Ms. Zam.” matamis ang ngiting salubong sa'kin ni Kaye, mukhang ginala niya ang buong paligid.

Nahihiyang napakamot ako pisngi, “Thanks.” iniabot ko sa kaniya ang folder na hawak ko, “Eto na, puwede mo na rin itong iuwi since tapos ko ng basahin lahat.”

Mabilis niya iyong tinanggap, “Maraming salamat, sorry talaga sa abala.”

Tumango ako, “Ok lang. Halika na, ihahatid na kita sa apartment mo.”

Sampung minuto lang ang nagugol ko sa paghahatid kay Kaye sa apartment niya, malapit lang kasi iyon at wala pang traffic sa daan. Pagbalik ko sa bahay ay ipinark ko na ng ayos ang sasakyan ko at binalikan si Diether na nasa kwarto ko parin, may saplot na ito.

Sandong itim na as usual ay hapit na naman sa kaniya at maong shorts ko na hindi nakabutones at zipper ang suot niya, sa loob ay malamang panty ko na naman.

My god, hindi ko akalaing aabot siya sa ganitong punto ng dahil lang sa pagpo-protesta niya. Ang ibig kong sabihin ay, hindi ba siya nandidiri sa nagiging itsura niya? Ang laki ng katawan niya tapos ang susuotin niya ay mga hapit na damit, ang malala pa ay pati panty ko pinatos niya.

Daig niya pa si hulk sa tuwing nagpapalit ng anyo ang taong green na iyon.

“Uwi na.” sabi ko rito.

Nagtaas siya ng paningin sa'kin, ang mga mata niya ay puno ng kalungkutan na alam kong ginagamit niya para kaawaan ko siya.

“Hindi 'yan gagana sa'kin. Uwi na, bago pa kita patakbuhin ng hubo dito sa buong subdivision.” masungit na malaki ko pang binuksan ang awang ng pintuan.

Agad itong sumimangot at tumayo mula sa kama, “This is not the end, magkikita parin tayo. I shall return, lady.” naniningkit ang mga matang sabi niya sa mukha ko.

“Uwi, letche.” singhal ko lang.

Pinakatitigan niya pa muna ako bago mabilis na halikan sa labi, ngingisi-ngisi tuloy na nanakbo palabas ng kwarto si gago.

“I will ask you for a date tomorrow, good night sweetheart!” sigaw niya ng nasa pintuan na siya palabas.

Pinakyuhan ko nga.



© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 2]✓Where stories live. Discover now