Chapter 47 - Buwan

7.1K 293 201
                                    

Jessica Galanza.

"Jema!!!"

Huh!? May tumatawag ba sa akin? Parang narinig ko ang aking pangalan, Jema daw. Kaboses pa nga ni Deanna ito.

Walastik, kung ano ano na ang pumapasok sa isipan ko dahil lang kay Deanna. She has been on my mind the whole time since I left their house kaya feeling ko tinatawag nya na ako.

Hayyy.

Napailing na lang ako, imposible naman na mangyari ito. Paano naman magagawi si Deanna dito e nasa bahay nila iyon? Baka nga tulog pa o kaya nagla lunch na.

Napatingin na lang ako sa mga bus na nakahilera sa harapan. Ang bagal ng usad ng pila ha. Kanina pa ako nakatayo dito, ngalay na ang mga binti ko.

"Jessica!!" dinig ko naman ngayon at mas malakas pa ang sigaw.

Teka, boses na ni Deanna ito. Hindi ako maaaring magkamali this time.

Naks, kabisado mo na ang boses nya Jessica?

"Sino ba yang Jema o Jessica na kanina pa tinatawag? Bingi yata. Ang ganda at pogi pa naman ng naghahanap sa kanya oh." dinig kong sabi ng isang babae sa likod ko.

"Cute pa kamo. Tignan mo ang mga mata at kilay, tapos yung mga lips, ulam na, so yummy." sagot ng kausap nya.

Doon na ako lumingon, as in agad agad. Totoo pala yung narinig ko na Jema kanina tapos Jessica na ngayon. Malamang ako ang hinahanap nga. Pangalan ko ito huh.

Kaso sa dami ng tao ay wala akong mamukhaan kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang tumatawag. Buti pa itong dalawa sa tabi ko at nakita na nila yung tao na pogi, maganda at yummy daw, duh!

Napunta ang mga mata ko sa isang tao na kumakaway pa at sa akin nakatingin. I can't believe my eyes when I saw Deanna among the crowds. She is standing alone around the corner looking intently at me.

Muntik na akong mapasigaw. Yung tipong eksena sa mga movie kung saan ay hinabol habol ng bida ang papaalis na kasintahan nito, bago mag flight. Magtatatakbo ang kasintahan nya palapit tapos yayakapin at kakargahin sya ng bida sabay palakpakan ng mga tao sa airport, wahhh.

But this is not a movie, this is real and sa totoong buhay ay galit pa ako kay Deanna.

Grabe naman yung galit Jessica.

Alright, inis o asar pa ako sa kanya. Kaya binawi ko agad ang ngiti sa aking labi at agad na umirap. Siya naman ay ngumiti sa akin ng pagkatamis tamis. Tapos ay unti unti na syang lumalapit sa akin.

What the heck!! Pano nya ako natunton dito sa istasyon ng bus? Ang alam ko mga tatlong oras na ang nakalilipas simula nung umalis ako sa bahay nila. Sobrang bilis nya ha.

Ah wait, dumaan nga pala muna ako sa simbahan kanina bago tumuloy dito sa sakayan. Tuliro pa kasi ako at gusto kong ilabas ang mga nasa dibdib ko. The best place to go talaga ay sa simbahan.

I was emotional nung taimtim akong nagdadasal. Lahat ng nasa isip at puso ko ay isinawalat ko sa Kanya. Hiniling ko na sana ay gabayan Niya ako ng tamang pag iisip para makapagpasya ng tama. Ramdam ko na kailangan ko ng gabay nya para hindi na ako magkamaling muli.

Lumuwag at gumanda ng husto ang pakiramdam ko pagkatapos kong makapagdasal at makipag usap sa Kanya.

It's a different kind of feeling, the calmness and peacefulness that I experienced after talking, praying and surrendering all my worries and troubles to Him.

Then in just a span of hours, Deanna is here in front of me.

Is this the sign that I was looking for?

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now