Chapter 13 - Comethru

4.8K 213 66
                                    

Jema Galanza.

"Argh!!!  Shut up!!!" inis na sabi ko.

But my alarm just keeps going off and I think my phone too.  May problema ba ang mga gadgets ko ngayong araw at parang nagwewelga sila? 

Ang iingay ha.

Baka New Year na, lol.

I slowly open my eyes, madilim pa naman ah.  Pero may maliit na sinag ng araw akong nakita sa may bintana.

May araw na pala. Sakit sa mata.

Kasi tanghaling tapat na Jessica.

I closed my eyes again sabay kuha ng unan para takpan ang aking mga tenga dahil tumunog na naman ang alarm ko.

Bakit ba ako nag aalarm?  Wala naman akong pupuntahan. Wala naman na akong trabaho.

Kinapa ko na lang ang alarm clock para i-off ito.  Hay salamat, tumahimik din sa paligid.  Unti unti na akong napaidlip uli ng bigla na namang magulantang. 

Damn. My phone!!!

I think I will have a heart attack soon, mygad. Buti pa nga para matapos na ang lahat ng problema ko. Tutal wala naman na akong dahilan para mabuhay pa sa mundong ito.

Think of your parents Jessica.

My phone is ringing for the nth time. Sino ba itong istorbo at ang aga aga maka sira ng araw.  Nagsisisi tuloy ako bakit ba hindi ko ito nai-silent. 

I should have turned it off last night or better yet, thrown it away.

Napilitan tuloy akong bumangon at umupo sa kama. Tumigil naman bigla sa pag ring ang phone ko. 

Napahawak ako sa aking mukha.  I have a bad headache and I really feel shitty. Even if I can't see myself, my hair is definitely a mess.

I need a strong, black coffee. Now na.

Tanghali na pero nakahilata pa rin ako sa kama. I've been like this for the last two, three weeks?  Who cares how many days. I'm not counting.

I looked around in my room. I saw the empty bottles of beers on the floor. Alam ko six pack yung binili ko kahapon.

Waahhhh, ako ba ang uminom lahat nito?

Then I remember the reason why I'm acting like this. The root cause of my heartbreak and meltdown.

Dahil ito sa nadiskubre namin ni Deanna sa loob ng bedroom ni Peter.  Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nabunyag ang hindi dapat mabunyag. Ano nga ba ang natuklasan ko doon?

A lot.

Hindi ko maubos maisip hanggang ngayon na ang lalakeng pakakasalan ko sana ay hindi ko pa pala lubos na kilala.

Tang ina.

Dapat kasi pagkalibing sa kanya ay kinuha ko na agad ang mga gamit ko doon. Akalain mo, ipinagpaliban ko pa ito ng halos dalawang linggo.

Hindi na sana nakapag road trip sa Batangas.

Hindi na sana kami napunta sa Bali.

Wala sanang bonding moments kuno with his sister.

May alam kaya ang ate nya sa mga lihim ni Peter?

Natatawa na naiiyak akooooo.  Ang sakit sobra.

"Fuck you, Peter!!!" sigaw ko.

Ganito na lang lagi ang eksena tuwing nagigising ako. Mumurahin ko sya hanggang sa mawalan ako ng boses.

Sana buhay pa sya, sana nandito sya sa harap ko para marinig nya mismo ang mga sasabihin ko. Para makita nya kung gaano kasakit sa akin ang mga ginawa nya.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now