Chapter 28 - Love Someone

7K 256 273
                                    

Deanna Wong.

I'm so happy.

Nasabi ko na rin kay Jema ang nasa puso ko. Confessing to her is worth the risk. Buti na lang nagkaroon ako ng lakas ng loob kanina.

I found out what she felt about me in the process. I think, the feeling is mutual. Up to now ay kinikilig pa rin ako.

But wait, may balak pala syang umalis ng hindi ko alam. Sukat ba namang gusto nyang magpunta ng Canada.

Iiwan nya na pala ako dito sa Pilipinas. Aba, hindi pepwede yun. Paano na ako?

Dapat lang na gumawa ako ng paraan para mapigilan sya di ba? Or sabihin sa kanya na pag isipan nyang mabuti ang mga plano nya sa buhay.

"Isa lang ang request ko sana sayo kung pwede." I said.

"Ano 'yun?" Jema asked.

"Huwag ka ng umalis please, huwag mo akong iwanan." samo ko sa kanya.

Sana nga ay hindi na talaga sya pumunta ng Canada. I will do everything para mag stay si Jessica.

Natahimik naman sya. Tagal bago sumagot.

"Okay, ganito na lang. I'll make the decision kapag nakabalik ka na sa Mindanao. Is that alright with you?" she asked.

"What? Bakit kapag wala na ako saka ka magdedesisyon? Parang ang unfair nun, baby." I replied sabay tingin sa kanya.

Mukhang kinilig naman sya pagkarinig sa tawag ko sa kanya. Napangiti ng wala sa oras e.

"Eh kase naman. Aalis ka din, maiiwan akong mag isa dito. Ano naman ang gagawin ko?" sabi nya.

"You can work pa rin naman yata sa dati mong company. Or apply locally. My parents know a lot of people that can help you." I suggested.

Madali syang makakahanap ng bagong trabaho dahil in demand ang mga physical therapists sa bansa. Karamihan kasi sa kanila ay nag aabroad na kaya may shortage dito sa atin.

Nabanggit ni Peter sa akin dati, na pahihintuin nya na si Jessica pag kinasal na sila. Kayang kaya nya daw itong buhayin at payag naman daw si Jessica sa plano nya.

Kahit na passion daw talaga ni Jema ang tumulong sa mga pasyente na nangangailangan ng service nya. She is willing to give up her job for Peter.

It only shows that she is going to do everything for the person she love. Maswerte nga ang taong mamahalin nya at makakasama sa buhay.

But right now, she is still in the process of recovering and starting her life again. Maigi nga na may pinagkakaabalahan sya.

Makakatulong kung babalik sya sa trabaho nya na gustong gusto nya para tuluyan nya ng makalimutan ang mga nangyari sa kanya lately.

Siempre gusto kong kasama nya ako in every step of her life.

"Thanks, but no. Don't do that, Deans. I can get a job naman siguro without asking for any help." sagot nya.

Oh oh, hindi ko alam na ganyan pala ang prinsipyo nya. Nasaling ko yata ang pride nya ng hindi sinasadya.

Marami pa nga akong hindi alam sa kanya. Mga likes and dislikes nya, yung kanyang mga saloobin sa mga bagay bagay din.  Ang kanyang prinsipyo. Ito ang mga importanteng bagay na dapat kong malaman para magkasundo kami.

Slowly, you will eventually get there, Wong.

"I'm sorry, baby. Don't get me wrong ha. I just want to help." sabi ko. 

"Don't say sorry. Wala ka namang kasalanan. Alam ko rin na walang masama sa sinabi mo pero ako na ang bahala. Para mapalagay ang loob mo, I'll think about it then I'll decide before you go back to work." masayang sagot nya.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt