Chapter 5 - Ironic

5.8K 238 46
                                    

Jema Galanza.

Whole morning akong may client kaya hindi ko na nagawang itext pa si Peter.  Nag reply naman sya kanina sa message ko, nag good morning then wala ng kasunod.

Kumusta na kaya yun? Kumain na kaya? Baka nasa airport na sila to pick his Ate Deanna.  Busy na naman siguro kaya hindi na nag message sa akin. 

Dati rati, when he was still courting me and when we were new in our relationship, puno lagi ang inbox ko ng mga messages nya. Lately, I  have noticed that parang may nagbago.

Nagsesend pa rin naman pero hindi na kagaya ng dati na he will bombard me with messages until I wake up and until I fall sleep.

Nonetheless, I still send him loads of messages unless I'm working and doing something.  I remind him at all times not to skip his meals, not to forget his water etc. and of course I always tell him to take care and that I love him.

It's not a big deal on my part naman as long as he doesn't forget to text me in the morning, during the day and before going to bed.  Lalake si Peter kaya naiintindihan ko.

Minsan tinatamad na siguro or pagod galing sa trabaho. I just can't help asking questions.

Does the level or energy of love change habang tumatagal kayo? Sabi ng iba, oo. Kasi people constantly change daw so love constantly change too.

But isn't love tends  to grow between two people who are in love? Bakit naman magbabago? Hay, ang gulo.

I know that it's normal naman that love will change over time. Healthy pa rin ito sa isang relasyon kasi love goes through stages di ba. 

Sa una puro kilig talaga ang nararamdaman natin sa isa't isa while knowing each other pa. Tapos nagiging seryoso na ang usapan at medyo nawawala na yung kilig pero yung pagmamahal ay nandoon pa rin.

Siguro nga we are at a point of our relationship na sobrang sure at kampante na kami sa isa't isa. Ikakasal na nga kami di ba.

Basta ako, I really hope and pray that my feelings for him and Peter's love to me will last forever. 

I do believe in forever.

At si Peter na iyon para sa akin. Fingers crossed.

Ano ba yan, kung saan saan na naglakbay ang isipan ko.

I will just call him later during my break time. Sanay na ako kay Peter na hindi man lang nagpaparamdam sa akin kung nasaan na sya.

However, it doesn't mean na hindi ko ito namimiss, yung pagsasabi nya sa akin where he is so I don't have to worry. Ayaw ko lang mag demand sa kanya, gusto ko kusa, baka kasi mainis lang sya or tatawanan ako. 

Sasabihin na naman nya na hindi naman sya nawawala, bakit ko sya hahanapin. Tama naman sya, di ba?

Besides, it's not good in a relationship if one is so demanding. Baka masakal naman agad sya eh hindi pa nga kami kasal. Kaya easy lang ako dapat.

"Jema, nakatingin ka na naman sa malayo. Ganyan ba talaga pag malapit ng ikasal?" sabi ni Myla na nasa likod ko na pala.

Huh, I am staring na naman pala sa kawalan.

Kasalukuyan akong nag aayos ng mga gamit dito sa clinic.  Napansin ko na tumigil na pala ako sa aking ginagawa at naka tulala lang ang peg.

Nakakahiya tuloy kay Myla.  She is one of my colleagues here, sabay kaming na-hire dito. Sobrang close kami and I consider her as one of the few na talagang matatawag kong true friend. Magkasing edad lang kami.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz