Chapter 40 - Fix You

6.3K 269 90
                                    

Jessica Galanza.

Agad kaming umalis ni boss K ng hospital to pick up my things from her house and from the clinic. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw na ito.

Ang daming ganap.

Nagkita uli kami ni Deanna.

Hindi pa nga ako nakaka get over sa pagkikita namin tapos eto at bitbit ko na ang mga gamit ko at lilipat na naman ng bahay. At hindi lang ito basta kaninong bahay. It's the household of Wong family lang naman.

Grabe. Titira kami ni Deanna sa iisang bubong. Omg.

Okay, hindi naman ako masyadong excited. Kinakabahan lang naman ako sa totoo lang. Kaba na may halong excitement na rin.

Baka kasi magalit sya, hindi ako pansinin or worst, baka sya naman ang lumipat ng tirahan. Huwag naman sanang umabot sa ganun.

Si boss K na rin ang naghatid sa akin kila Deanna kahit sinabi kong magta taxi na lang ako. I politely declined her offer at first but she won't take no as an answer. Wala naman daw syang gagawin kaya sinamahan nya na ako.

Pagkadating namin sa bahay nila Tita Judin, hindi muna kami lumabas ng sasakyan. Nakatingin lang kami sa bahay nila, sobrang laki naman nito.

Ganitong design ang pangarap na bahay ni Peter noong buhay pa sya. He wanted to make his own house, design and build it at doon nga kami titira. That was his promise to me after we set our wedding.

"Are you ready?" boss K asked.

Kasalukuyan pa kaming nasa loob ng sasakyan. Naglakbay na pala ang isip ko kaya siya na ang bumasag ng katahimikan.

"Yes, yes haha." sagot ko sabay bukas ng pintuan.

Sumunod din sya sa akin. She helped me get my things at the trunk which consists of 2 medium suitcases. I also have a handbag with me.

Parang bakasyon ang pupuntahan mo Jessica ah.

"Thank you boss K." sabi ko.

"You're welcome. Mami miss kita Jema. Kung hindi lang talaga nakakahiya kay Dr. Ong eh hindi kita pakakawalan." sabi nya.

"Aba, pwede pa naman sigurong magbago ng isip boss K, habang nandito pa tayo sa labas." sagot ko.

"Loko haha. We can't do that, masisira tayo sa mga kliyente." she said.

"Joke lang. Alam ko naman na selyado at napirmahan na ang kontrata. We will honor it, boss kahit anong mangyari." biro ko.

"Hindi bale, sa galing mong yan, sigurado ako na I will see you back soon sa clinic. Mag iingat ka dito. Call me anytime ha." she replied sabay pasok na ng kotse nya.

Ngumiti na lang ako sa kanya at kumaway habang papalayo na sya. Naglakad na ako papunta sa gate ng bahay. Huminga muna ako ng malalim bago nag doorbell.

This is it, wala ng atrasan ito.

Wala pang isang segundo ay may nagbukas na ng pintuan. Si ate Josie. Napangiti ako sa kanya.

"Ma'am Jema! Welcome po, pasok kayo." sabi nya sabay kuha na sa mga maleta ko.

"Hello ate. Kumusta na po kayo?" tanong ko.

Namiss ko rin ito. Matagal ko rin syang nakasama at nakakwentuhan sa dating bahay nila Tita.

"Mabuti naman po. Kayo din kumusta? Ang ganda ninyo pa rin, walang kupas." sabi nya.

"I'm okay thanks. Binola nyo pa ako. Anyway, nasaan po sila?" I asked as we reached the foyer of the house.

"Nasa kani kanilang kuarto po yata sila at nagpapahinga muna." she replied.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now