Chapter 14 - Moments

5.3K 237 108
                                    

Deanna Wong.

She looks familiar. Nakita ko na ang babaeng ito.  Nag isip ako at kinusot pa ang mga mata para mas matitigan itong mabuti.

Tama, sya na nga.  I'm absolutely one hundred percent sure that it was the woman I saw during Peter's wake and funeral.

Maganda sya. Chinita. Maputi. Payat. Parang Kim Chiu ang beauty nya.

Siya 'yong dapat na pupuntahan ko at kakausapin ko noon sa burol ni Peter pero hindi natuloy dahil dumating si Jema. 

Halos mangiyak iyak pa nga sya di ba? Kaya ako na curious lalo sa kanya.

Then nakita ko uli sya noong nasa simbahan kami.  I caught her looking at me then she disappeared from my view.

Parang si........, but no. That's not her. May konting hawig lang sila pero sigurado akong hindi sya ito.

Wala na sya di ba?

I took a closer look sa picture. Who are you ?

Kaya ka ba nagtatago every time you have my attention was because you are connected to Peter? Ano ang relasyon nila?

I checked the back of the picture.  Walang nakalagay na note or anything sa photo nila.

Close pala sila ng kapatid ko. How close? Kung pagbabasehan mo ang picture nilang dalawa, wala namang masama dito. 

If you will ask my opinion sa picture nila, okay lang naman ito. Natural lang ang kilos nila sa akin, hindi ko bibigyan ito ng malisya.

They could be friends and are super close lang talaga. Madaming ganyan di ba? Malalambing sa mga kaibigan kahit na lalake pa ito. They treat each other na parang magkapatid. Kaya nakayakap sila pag nagpa picture.

Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit naka print ito at bakit nasa box? People nowadays are very seldom or don't print pictures anymore.

Puro digitally saved na ang mga ito. Nasa gallery ng phone or nasa iCloud. Unless na napaka importante at memorable ng picture na ito kaya naka print.

So anong meron sa picture at ganun na lang kung mag react si Jema? May nakita sya na hindi ko nakita.

She knows something that I don't.

I want to ask her nga sana kaso ayaw naman nya akong kausapin. Bigla na lang nag walk out sa akin.

Tatayo na sana ako at lalabas ng kuarto ni Peter ng makita ko yung box na puno ng mga pictures. Ibinalik ko ang picture na hawak ko dito.

I decided to take it to my own room. Doon ko na lang ito bubusisiin.

I had a quick shower at nahiga na sa aking kama. Matutulog na muna ako dahil ngayon ko naramdaman ang pagod sa byahe namin ni Jema.

Kumusta na kaya sya? Nakauwi na kaya sa kanila? Kinuha ko ang aking phone.

Shall I call her? Baka mainit pa ang ulo.

Hmm, text ko kaya ito? Baka hindi naman nya basahin.

Ay ang positive mo naman Deanna Wong. Do it.

Baka tulog na din yun, maabala ko pa sya. I put my phone down at pumikit saglit.

Pero mukha naman nya ang nakita ko. Hay, Jessica Galanza. I can't get you out of my mind.

Hinila ko ang kumot at tumagilid sabay yakap sa unan. Pero hindi ko rin itinuloy ang pagyakap dito. Inilagay ko na lang sa ulo ko.

Ang unan. Natawa ako sa unan.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now