Chapter 35 - You Are The Reason

5.5K 264 209
                                    

Deanna Wong.

Pagkapasok ko, umuusad na ang pila ng mga pasahero. The staff told us to put our bags sa X-ray machine and our gadgets sa box na nandoon. The usual procedure pag nasa airport ka.

Napansin ko ang babae na nakausap ko kanina sa labas. Napunta sa mga bags nya ang tingin ko.

Hmmm, parang same kami ng backpack ah. Magkaiba lang ang kulay. Is she a soldier too?

I discreetly observed what she's doing, kung pano sya gumalaw pati ang tindig nya. She appears to be in the army also. I might be wrong, baka ganun lang talaga ang get up nya. Pero iba din ang tingin nya sa akin kanina, parang curious din sya.

When she tried to lift her bag, bigla syang tumigil at may inayos sa shirt nya at doon ko napansin ang leeg nya. She's wearing a necklace and she is trying to put the pendant inside her shirt yata. Wait, is that her dog tags?

Owww, confirmed ang hinala ko. She is indeed a soldier. Parehas kami ng dog tags na issued ng gobyerno.

Officially, every soldier is given a pair of dog tags for record keeping and maintenance. Nandito sa tags ang information namin. Tags are meant to identify soldiers who are killed and whose body has been damaged beyond recognition. Mas madali nga namang makilala.

Kaya naman dalawa ito dahil in case there is an unfortunate event, kung namatay o nasugatan ng malubha ang isang sundalo, kinukuha ng troop mates nila ang isang tag at dadalhin nila sa kampo for record purposes. Maiiwan naman ang isa sa mismong katawan ng sundalo.

Napahawak ako sa aking leeg. I felt my two dog tags plus the one that Jessica gave me. I slowly touched the necklace na binigay niya sa akin. Naalala ko ang pag iwan niya at hindi pagpapakita man lang bago ako umalis. May kirot sa puso akong naramdaman. Malungkot akong gumalaw dahil malapit na ako sa pila.

As I starts walking, ramdam ko na parang may mga matang nakatingin sa akin. I can sense it. Matalas ang aking pakiramdam. Tumingin ako sa likod ko, wala naman akong kakilala sa mga tao dito. Nagawi ang mga mata ko sa labas pero hindi ko masyadong maaninaw ang mga tao dahil sa reflection ng salamin plus yung ilaw pa.

Hmmmn. Guni guni ko lang siguro nga.

Nagpatuloy na lang ako sa pagpila. That woman is next na kaya kinuha nya na ang kanyang bag. Mabilis ko itong kinuha sa kanya.

"Let me." I said.

Nabigla naman sya sa ginawa ko pero ngumiti na rin sya when she saw me.

"Thank you." she replied.

Lumabas tuloy ang mapuputi nyang ngipin. May dimple pala sya. She looks like Demi Moore doon sa movie na A Few Good Men. Ganun kasi ang gupit nya. Kahit na super iksi ng buhok ay labas pa rin ang ganda nya.

Behave ka naman dyan Wong.

When it was my turn, kinuha ko na ang phone ko. Since I didn't see any messages, I turned it off bago ko inilagay sa box.

The woman was at the side matapos akong ma-inspect ng guard. Is she waiting for me?  I was about to go near her but I suddenly remembered Jessica.

What am I doing?

Para kong nakikita ang mukha nya ngayon. She will not be happy kung lalapit na lang ako sa ibang babae na hindi ko pa naman kilala.

Magseselos kaya sya?  Kung ako ang nasa kalagayan nya, ano ang mararamdaman ko?

Damn. Siempre magseselos ako kahit na alam kong wala namang masama sa pag uusap ng dalawang tao. Initial reaction yun e, pag makikita mo ang mahal mo na may kausap na iba.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon