Chapter 34 - Too Good At Goodbyes

5.1K 243 86
                                    

Deanna Wong.

Jessica left me, without saying goodbye.

Ayoko ng may kasama pag naiinis ako. Ayoko ng may kausap kung galit ako. Gusto kong mapag isa muna sa ngayon.

Suko ka na agad, Wong?

Hindi ko tuloy maiwasan itanong ito sa sarili ko.

Did Jessica even love me?

Ganun lang kadali sa kanya na umalis at iwanan ako. She reeled me in then kicked me out? Shit. Ang sakit nun pero I'm not giving up. If she's testing me right now, I won't let her win.

Kahit gusto kong bumaba ng taxi at puntahan sya sa condo nya ngayon ay hindi ko pwedeng gawin. May trabaho akong dapat gampanan at hindi ko ito kailanman tatalikuran.

I will be back soon to claim what is mine.

Ang daling sabihin pero ganun din kaya kadali gawin?

Malapit na ako sa airport so I picked up my phone again and dialed Jessica's number. Same result pa rin, cannot be reached.

Where are you, Jessica?

Napasuntok ako sa upuan na nasa harap ko. Napatingin bigla ang driver sa akin thru the rear-view mirror. Saglit na nagtama ang paningin namin, hindi sya nagsalita bagkus ay nagpatuloy lang uli sa pagmamaneho. Buti naman at hindi tsismoso ang isang ito.

Napabuntung hininga ako. Malalim na nag iisip kung ano ang mga pwedeng dahilan at iniwan ako ng basta basta ni Jessica.

Parang kanina lang, ang saya saya namin. Nagkasundo pa kami na maghihintay sya sa baba habang nasa taas ako. Kausap nya si Mom so I didn't expect any problems that will arise between us. Tapos ngayon ay biglang nawala, tsk.

Dumating lang si Michelle nag disappear na sya.

Si Michelle!!! Parang may biglang nag click sa isipan ko.

Oo nga, bakit hindi ko agad naisip na si Michelle ang dahilan ng pagkawala nya. Napaka tanga ko naman, shocks. Obvious na obvious siya kanina habang sumasagot sa tanong ko kung nasaan na si Jessica, she's hiding something. Pero si Mom naman ay same lang halos sa sinabi ni Michelle.

My Mom won't do anything to create rifts between the family and Jessica. She loves her. Baka kung sabihin mo na si Dad ang gagawa nito, pwede pang maniwala ako.

Anong naganap sa kanilang tatlo while I was upstairs? I need to find out but how?!

Napasuntok uli ako pero ngayon ay sa kaliwang palad ko na tumama. Baka kasi masira ko na ang upuan dito.

"Okay lang po kayo boss?" biglang tanong ng driver.

Ahh, akala ko hindi pakialamero ang isang ito. I looked at him sa rear-view mirror. Mukha naman syang concerned lang. Medyo mabagal na ang takbo namin, may traffic na dito sa lugar kung saan papasok na ng airport.

"Ummm, hindi eh. Iniwan akong bigla ng aking girlfriend ng walang dahilan." sagot ko.

Wala namang mawawala kung ikekwento ko sa kanya ang problema ko. Baka makabawas kahit papano sa bigat ng nararamdaman ko.

"Pwede ba ang ganun? Paano nyo nasabi ng walang dahilan?" he asked.

"Alam ko dahil wala naman akong ginawa. Pinaghintay ko lang sya ng saglit para kunin ang mga gamit ko. Paglabas ko ng room ko aba umalis na sya. Ni hindi ko matawagan man lang kasi nag off na sya ng phone. Maayos naman ang last na usapan namin." kwento ko.

"Aba, boss. Mas lalong may malaking dahilan ang gf ninyo kung ganyan ang nangyari nga. May nakita sya na hindi kanais nais o may nalaman sya na hindi maganda at hindi pabor sa inyong relasyon." anito.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now