Chapter 53 - Lover

6.7K 235 67
                                    

Deanna Wong.

"We have to do something about Pierce. Ano daw ba ang plan ni Michelle? Is she staying here for good?" I asked.

"Wala nga syang sinasabi pa. Ayokong pangunahan na tanungin at baka masamain nya. Kadarating lang nila tapos tatanungin ko kung kelan uuwi, hindi tama. Let's wait for her to tell us." sagot ni Mom.

Kasalukuyan kaming nasa sala at nag uusap kasama si Dad.

"Well, nasa sa inyo yan Mom. Ang akin lang ay baka masanay kayo na nandito ang apo ninyo. What if all of a sudden she leave again, pano kayo ni Dad?" tanong ko.

Three days na kasi since umalis si Michelle at dito nga nya sa bahay iniwan si Pierce. I was just wondering because she didn't make calls man lang to check on her son. Bigla na lang nawala at hindi nagsabi kung saang lupalop pumunta. Although Pierce is big enough to be left with us, 6-7 months na yata sya, hindi pa rin okay sa akin ang ginawa ng Nanay nya.

Natitiis nya ang bata na hindi makita sa loob ng tatlong araw. What kind of a mother do that? Unless importante ang lakad nya or may emergency talaga sya, and she needs to be somewhere else. Matatanggap ko pa ito.

Feeling single pa kasi kung umasta si Michelle. I just felt that she doesn't care that much sa baby nya. It looks like malayo ang loob nya sa bata. Pero kutob ko lang naman, baka naman nagkakamali ako.

I'll still give her the benefit of the doubt.

Siguro kung ako ang magkakaroon ng anak, malamang lagi ako sa tabi nito if my work permits. Never kong matitiis na hindi ito makita ng three days.

Napangiti ako ng lihim sa pag i-imagine kung sakaling kami na ni Jema ang may baby. Ang cute siguro, mana sa akin.

Ay ang yabang talaga ni Lieutenant.

"Deanna?!" pukaw ni Dad sa akin.

"Oppps, hehe. Sorry po Dad, what you're saying again?" tanong ko dahil lumipad na pala ang utak ko.

"Sabi ko tama ka, baka masanay kaming dito si Pierce nakatira. That's why we need to know what's her plan nga. Actually, I already told her that we want to sit down and have this talk about Pierce. Medyo negative kasi ang reaction nya when I mentioned about an issue." Dad replied.

"Ano po iyon?" interesadong tanong ko.

"When she said that Pierce is carrying Wong as his surname, I told Michelle that I want a copy of the birth certificate. However, mukhang hindi nya ito nagustuhan kasi ang dami nya ng tanong like why do I need it or what's the fuss about it, etc." sagot ni Dad.

"Really? That's interesting and strange at the same time." I said.

"So I slightly mentioned regarding the insurance of Peter and his properties including his money in the bank. Because he died single, automatically, all his wealth and properties will go to me and your Mom." Dad explained.

"Oh oh. You don't have to discuss that to me Dad." medyo nahihiyang sabi ko.

Parang ang awkward kasi. Wala naman akong alam dyan sa pera ni Peter. Ang alam ko lang, mas mayaman sya sa akin. Private contractor na rin kasi sya at ang dami nyang hawak na projects sa kumpanya na pinapasukan nya bago sya mamatay.

"Deanna, you need to know this too. Ikaw na lang ang natirang legal heir ng family na ito. So kung may madadagdag man, like Pierce, I want proof and legal documents para maiayos ito ng maaga." he said.

"Yeah, I know that Dad. Ayaw ko lang pag usapan dahil parang mawawala na kayo kung magsalita kayo, haha." I said as I try to lighten the mood.

"Things like this should not be put to the side. I know it's a taboo issue but we have to, para prepare tayong lahat kasi hindi natin alam ang mangyayari. Look what happened to Peter, nawala sya sa isang iglap at nabigla na lang tayong lahat. Death is a reality anak and we cannot stop it. All we can do is prepare for it." he added.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz