Chapter 17 - 10,000 Hours

5.6K 232 104
                                    

Deanna Wong.

Pagdating namin sa farm nila Jema ay sinalubong na kami ng caretaker nila doon. Hindi na ako pinababa sa sasakyan muna ni Tita.

I looked around habang naghihintay sa kanya.  Maraming puno ng lansones akong nakita. Parang ang sarap mamitas nito. Sigurado akong matatamis ang mga ito.

Naikwento na kasi sa akin ni Peter na mayroong ngang lansones farm sila Jema.  At napuntahan na nga nya ito. May niyugan pa nga daw sila. Nasa looban pa siguro ito.

Talagang maganda ang negosyo ng parents ni Jema. I want something like this pag nag retire na ako. 

Gusto ko sa probinsya na lang manirahan at mag farming na lang. That's why I want to purchase a piece of land.  Malayo pa siguro ito mangyari kaya hanggang sa panaginip muna. Pinag iipunan ko pa.

Ang sarap kasi pag ganito ang paligid mo, tahimik.  Walang polusyon, malayo sa gulo. Oo medyo may kalayuan nga sa kabihasnan pero okay lang dahil pwede ka namang lumuwas ng city if you need to.

"Nasa kabila sila Jema, iikot mo ang sasakyan at pupuntahan natin sila." sabi ni Tita Fe pagbalik nya.

"Okay po." sagot ko.

I started driving again and then we entered another gated area. Nakita ko na fishponds pala ang nasa lugar na ito.

Pagbaba namin ay nakita na kami ni Tito Jesse kaya lumapit na sya.

"Mahal, bakit napasugod yata kayo dito? May emergency ba?" tanong nya agad.

"Wala naman pero kanina pa ako tumatawag sa inyo ni Jema kaso ring lang ng ring ang mga cellphones ninyo." sabi ni Tita.

"Ahh naiwan ko ang cellphone ko sa bahay." kamot ulong sagot ni Tito.

"Aba, para saan ba ang cellphone ha Jesse?  Para sa bahay ba ito?  Binilhan ka pa ng latest model ng cp ng anak mo tapos di ka rin pala makontak kung gusto ko, hay naku." dada ni Tita.

Natatawa lang ako habang nakikinig sa kanila.  May pinagmanahan si Jessica sa style ng panenermon hahaha.  Kay Tita nya nakuha.

"O Mahal naman, huwag mo akong ipinapahiya sa harap ni Deanna.  Hello iha." he said to me.

"Hello din po. Good morning po." nahihiyang sagot ko.

"Ay sorry hehe. Nakalimutan ko na may kasama pala tayo. Ayun na nga, nagpunta si Deanna sa bahay eh kaso wala kayo. Kailangan nya daw kasing makausap ang anak natin kaya sumunod na kami sa inyo." Tita said.

"Okay ka lang ba? Biglaan yata ang punta mo? Kumusta sila balae? May problema ba at napasugod ka dito sa amin?  Alam ba ni Jema na pupunta ka?" sunod sunod na tanong ni Tito.

"Wooo, hinay hinay lang po Tito. Mahina ang kalaban. Okay naman sila Mom and Dad. May itatanong lang po ako kay Jema. Sa bahay nyo na nga lang sana ako maghihintay kaso nayakag na ako dito ni Tita." sabi ko.

"Para makapamasyal ka na din dito sa amin kaya kita niyaya. At hindi nga natin sila makontak kaya mas maigi na puntahan na sila." sagot ni Tita.

"Ganun ba?  Eksakto dahil nanghuhuli ng tilapia ang anak mo. Nag request sa akin na gusto daw ng isda at hipon kaya napunta kami dito kila pare." sabi ni Tito.

"Nagdala na rin ako ng mga gamit pala Mahal, para dito na tayo mananghalian. Matutuwa yun si Jema at matagal na rin nating hindi ito nagagawa. Picnic muna tayo sa farm." Tita said.

Napangiti si Tito.  Mukhang nagkaroon ng instant bonding time ang Galanza family dahil sa pagdating ko.

"Sigurado yan Mahal. Nasa tubig na nga kanina pa at pilit manghuli ng tilapia. Hindi ko na napigilan lumusong kaya hinayaan ko na. Minsan minsan lang naman." Tito replied.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Où les histoires vivent. Découvrez maintenant