Chapter 16 - Intentions

5.3K 222 59
                                    

Deanna Wong.

"Do you know anyone who would want to hurt Peter or to see him dead?  Enemies or nakainitan sa mga projects kaya?" I asked my parents.

Nasa bahay na uli kami at kasalukuyang nasa kusina having our lunch.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala sa natuklasan.  Dad's friend, the chief of police, has promised us that he will look more into the case of Peter. They will prioritize his case daw.

"Wala akong alam at wala rin naman syang nababanggit sa akin. Sa trabaho man o sa personal life nya, he was doing fine.  As far as I know, okay naman lahat ng projects na hawak nya." Dad said.

"Same with me. I have no idea." Mom replied.

I nodded my head and think again.

"Bakit nila ginawa yun sa kapatid mo?  Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na namatay si Peter dahil sa ibang tao. Sobrang sakit malaman na ganoon ang sinapit nya." malungkot na sabi uli ni Mom.

"I know Mom but some people do stupid and risky things if they don't like you." sagot ko.

"Pagbabayaran nila ito." matigas na sabi ni Dad.

"How about you Dad?" I asked him.

"What do you mean how about me?" takang tanong din nya.

"Hmmm, same question din po. Do you know anyone who doesn't like you or who is envious of your success? Baka po kasi may mga taong galit din sa inyo tapos si Peter ang ginantihan." sagot ko.

Parang nabigla si Mom pagkarinig sa sinabi ko.

"Of course not!!!  I don't have any enemies. Walang problema sa mga businesses natin at sa mga kontratang hawak ko ngayon." mabilis na sabi nya.

"Okay, okay po Dad. I'm just asking. Mas maganda nga po na wala kayong alam na kaaway o kagalit. But Dad, let's not rule that possibility out. Lahat po ng anggulo ay titignan natin." sagot ko.

"Alright pero sure ako na hindi connected yan sa akin kundi kay Peter mismo." he said.

Bakit parang nagpa panic si Dad? He looks very uncomfortable eh tinatanong ko lang naman sya. Then he already concluded that it is indeed connected to Peter without any proof.

It was very unlikely of him to say that especially for a businessman like him.  He usually doesn't agree or  enter any transactions without establishing a fact first.

Tumingin ako kay Mom.

"Walang naikekwento sa akin ang kapatid mo na may kaaway sya o kagalit sa work nya. Busy na sya masyado because of his wedding preparations kaya hindi ko na sya masyadong nakakausap." she said.

Hmmm, wala ring nabanggit si Peter sa akin.  Pag may problema 'yon, lagi naman nyang sinasabi sa akin lalo na kung tungkol sa safety nya at nila Mom.

"Plus, wala rin akong kaaway.  Not that I am aware of anyway." she added.

"Sa office nila kaya? Pwede siguro tayong magtanong doon, baka may alam sila or may masabi sa atin na makakatulong." sabi ni Dad.

"Yes, Dad. That's the next place where we should ask questions." I replied.

"I will call their manager today and ask for an appointment." Dad said.

"Ahhh medyo maghintay po muna siguro tayo sa tawag ni Chief.  Baka kasi maalarma ang mga office mates ni Peter kung bigla na lang tayo pupunta at magtatanong doon.  Saka ako na po ang bahala." sagot ko.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now