Chapter 41 - I Will

5.8K 250 142
                                    

Deanna Wong.

"Hmmmn."

Ang bigat ng pakiramdam ko pagmulat ng mata ko. Agad pa akong nasilaw sa sikat ng araw na sumalubong sa akin. Paano pumasok sa loob ng kuarto ko ang liwanag?

Medyo inangat ko ang aking ulo at doon ko nakita na nahawi pala ng kaunti ang kurtina dito kaya tumatama sa mata ko ang init ng araw mula sa labas.

Pumikit na lang ako uli pero hindi na rin ako nakatulog kaya nagpasya ng bumangon dahil kailangan kong mag toilet break na. Marahan akong gumalaw para hindi mapwersa ang kanang braso ko.

"Shit. Ugghhhh." sabi ko sabay hawak sa aking sintido.

Parang binibiyak ang aking ulo sa sakit pero pinilit ko pa ring tumayo. Pasuray suray akong pumunta sa loob ng banyo. Buti na lang at umabot ako doon dahil bigla akong nasuka.

"Gwark."

God. I am not drinking anymore.

Wala halos akong mailabas, puro tubig lang. Hindi nga pala ako masyadong nakakain kagabi. Tang ina, sakit sa sikmura tuloy. Hinintay kong masaid ito bago dahan dahan nagmumog sa lababo. Kinuha ko rin ang toothpaste para maglagay nito sa toothbrush.

Nakita ko sa malaking salamin ang aking hitsura. Parang akong binagyo ah. My hair is a mess and my eyes are puffy and red. May sipon na rin yata ako dahil panay ang singhot ko.

I am sick, literally.

After brushing my teeth and washing my face, nagtimpla na ako ng tubig sa tub. I need a long and warm bath to get rid of my headache and hangover. Habang hinihintay mapuno ito, bumalik ako sa kuarto para kumuha ng pagbihisan.

As I was taking the sling off, nagtaka ako sa suot kong white polo. Hindi ito ang alam kong damit ko kagabi. Bakit iba na ang damit na suot ko ngayon, pano nangyari yun? Magic?

Napapaisip ako habang kumukuha ng damit sa cabinet. Agad akong bumalik sa bathroom at hubo't hubad akong lumusong na sa bathtub.

"Ahhhhhh. Sarap." usal ko pagkalubog ng aking buong katawan sa tubig.

Tanging ulo ko lang ang nakalitaw ngayon. Parang minamasahe ang likod ko sa init ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Naaamoy ko pa ang distinct aroma ng bath salts na ginamit ko.

A blend of ylang ylang, natural vanilla and salts to relax both my body and mind. Grabe napaka soothing and calming nito.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinatong ang aking ulo sa dulo ng bathtub. Habang nasa ganito akong posisyon ay binalikan ko ang mga nangyari kagabi.

We were having dinner. Me, Dad and Jessica.

Jessica!!! Napangiti ako ng wala sa oras.

Then me and Dad started talking that ended into an argument.

Bakit ganun si Dad? Until now he's been comparing me with Peter. Why? Wala na yung kapatid ko, bakit hanggang ngayon ay iniisip pa nya na nagseselos ako dito? Alam ko ang dahilan nito, hindi pa rin nya tanggap ang naging relasyon namin ni Jessica noon. Ang tingin nya ay nagkasala kami ni Jessica kay Peter.

Nakakatawa ang sitwasyon.  Si Peter na nga ang nag cheat sa fiancée nya, siya pa ang lumalabas na victim sa mga magulang namin. 

It is so unfair.

Nalungkot naman ako dahil sa mga nabitawan kong salita sa kanya. I was a bit emotional last night kaya hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko, haist. Tapos nakainom pa kami parehas but I'm not using the alcohol as an excuse dahil alam ko ang mga ginawa ko. Nagbigay lang ito ng lakas loob sa akin para sumagot kay Dad.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now