Chapter 9 - A Thousand Years

5.5K 233 101
                                    

Deanna Wong.

"Umuwi ka na, honey." she whispered.

Awwww, how sweet.

Kawawa naman si Jessica. Dahil sa pagdadalamhati nya, kung ano ano na ang nasasabi at nagagawa nya.

Jessica is just hallucinating, dreaming or delirious.  She doesn't know what she is doing. Yung subconscious nya yung gumagana right now.

Si Peter ang nasa isip nya when she kissed and touched me.  Napagkamalan na naman nya ako. 

I held both of her roaming hands and gently pushed her off me. 

Surprisingly, nahirapan ako sa bigat nya.  Dahil siguro tulog ito, patay ang katawan, dead weight, mga ganun yata. To push or balance an unconscious person is difficult nga.

"Peter?" tanong nya uli pagkalapat ng likod nya sa kama.

"Hey.  It's Deanna." I replied.

I waited if she will answer me or do something again.  Hindi naman na sya sumagot uli. Salamat naman at tahimik na ito. Tinignan ko uli sya at mukhang natutulog naman na.

Inayos ko na yung mga unan ko.  Yung isa sa ulunan ko at yung isa ay inilagay ko sa may gilid. 

Teka, mas safe yata kung sa pagitan namin ni Jessica ko ito ilagay?

Good idea, para hindi magdikit ang katawan namin.  Hihiga na sana ako kaso nagsalita na naman sya.

"Ate Deanna, ikaw ba yan?" she asked again.

Mukhang gising na naman.

"Sssshhhh, ako nga ito.  Sleep ka na uli. Sleep na tayo ha." sabi ko habang kinukumutan ko sya.

"Please, stay here with me." mahinang sabi nya while she hold my left arm.

Napatingin ako sa kamay nya na nakahawak sa akin. Pagtingin ko uli sa kanya, she was looking at me too.  Her eyes are showing too much emotions but I know what she needs the most.

Jessica wants someone to be with her. She doesn't want to be alone. She badly needs extra care and attention right now.

Mainit ang palad nya sa balat ko. Mukhang nilalagnat ang pakiramdam ko sa kanya. Nagbabad nga pala ito sa shower kanina. I touched her forehead and I was right, mainit na mainit ito.

"Jessica, I'm not going anywhere. Let's get some sleep. Kailangan mo ito para bumuti ang kalagayan mo when you wake up." I replied.

Madilim sa room namin pero I can see na nakapikit na uli sya.   Sanay ang mga mata ko sa dilim. One of my expertise, being a soldier.

"Thank you." she said without opening her eyes.

"I'm here lang. Sleep na tayo." sagot ko agad.

"Hmmm, hug please." sabi nya sabay harap na sa side ko.

Napaka affectionate naman ng girlfriend ni Peter. Is Jessica always like this to him?

Knowing Peter, he is not that showy sa feelings nya. May pagka brusko kasi ang utol ko na yun.  Kahinaan daw pag magpakita ka ng feelings. 

At hinding hindi rin daw dapat umiiyak ang mga lalake. Minus pogi points daw pag umiyak. 

Oo nga.  I've never seen Peter cry again after that incident in the river, years ago. Not even once, unless he cried while I was away.

Pero baka naman nagbago na sya dahil kay Jessica. I saw how happy he was when he met Jessica. Lalo na nung napasagot nya na ito. Kita ko sa mga mata nya na masayang masaya sya.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now