Chapter 8 - Hanggang Kailan

5.4K 219 26
                                    

Deanna Wong.

We stayed like that for minutes. I'm hugging Jessica and it felt like home, her arms as my home. 

What?  Where is that coming from? Erase, erase.

Yung tibok ng puso ko sobrang bilis na naman. Parang nag uunahan makarating kung saan saan.  Baka nga naririnig na ni Jessica.

I just closed my eyes and savor this beautiful moment but I know that in reality, this is a nightmare.

A nightmare for everyone. For my family, for Jessica and specially for my little bro. 

Peter.

Why? A question that I think nobody will fathom the answer.

Focus, Wong.  You can't be emotional.  You don't show emotions at all. Stay strong.

Mga kataga ng boss ko kapag nasa battlefield kami. Pampalakas loob kahit gusto mo ng umatras at umiyak sa isang sulok.  Kahit yung puso mo ay durog na sa mga nakikita mo sa paligid.

Mga kasama mo na duguan, may mga tama o sugat at humihiyaw sa sakit. Humihingi ng tulong sayo pero wala kang magawa.  Masakit, sobrang sakit sa puso pag nasa ganung kalagayan ka na.

Mga taong napamahal na sayo at nakikita mong naghihirap pero nakikipaglaban pa rin. Walang sumusuko, laban lang.

But we don't lose focus, ever. Soldiers don't do that.  We are not cowards.  We will fight until our last breath.

About my little bro, I can't do anything to help him. I'm helpless. And I will take that with me until the end.

In the meantime, dapat akong maging strong. I will be strong for them. Kaya ko ito. This is what I'm expected of and I'm gonna do at this unfortunate incident. 

They need me more than ever.  Dad, Mom and Jessica.

Magkayakap pa kami ni Jessica, my future sister in-law, ng may tumawag sa cellphone nya.  Agad kaming naghiwalay at mabilis nyang kinuha sa bag ang kanyang cp.

I looked at her with so much sadness.  Ano na ang mangyayari sa kanya?  Kawawa naman sya, she has no idea.

"He.....hello. Peter?" she said.

Biglang lumiwanag ang mukha nya pagkakita sa caller ID.

Bago pa makapagsalita ang taong tumatawag sa kanya ay mabilis kong naagaw ang phone sa kamay nya.

"What the?" nagulat na sabi nya.

I put my finger sa labi ko, senyas na tumahimik muna sya.  Kahit naguguluhan ang mukha nya ay tumango na lang sya.

I turned my back on her and said hello to the person who called.

"Hello. Is this ma'am Jessica Galanza?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Yes, who are you?" sagot ko.

Okay, nagsinungaling ako pero kailangan din kasi. Hindi naman malalaman ng tao na hindi ako si Jessica.

"Ma'am, huwag po kayong mabibigla.  May nadisgrasya po kasi ngayon dito sa Commonwealth Highway. Yung driver po ay si Peter Wong. Bago po sya nawalan ng malay ay kayo po ang gusto nyang tawagan namin, Jessica Galanza. Katunayan ay cellphone po ni sir Peter itong gamit ko. By the way, I'm Oliver po from the rescue operations. I'm one of the respondents who came early sa accident area." mahabang sabi nya.

"Wait, he was conscious pa earlier?  Nasaan na po sya ngayon?" mabilis na tanong ko.

He was still alive when he gave the instruction to this man.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now