Chapter 31 - Hurts ⚠️ ⛔️

10.9K 295 147
                                    

Deanna Wong.

Michelle lied to me.

Iba ang version ng story nya sa sinasabi ni Jessica ngayon nung time na nagkita kita sila nila Peter sa party. Although I already sensed it when Michelle was telling me, that she's somewhat making it up.

Paano ko nasabi? Masyadong malikot ang mga mata nya habang nagkekwento sa akin. Kahit naman siguro iba ang tanungin natin, mukhang yung account ni Jessica ang mas kapani paniwala.

Siya na ang nagkusang umuwi para maiwasan ang gulo sa kanila ni Peter. She still tried to understand Peter's situation even if she was jealous of Michelle. Binigyan pa rin nya ito ng benefit of the doubt. That shows that she loves him so much.

Why did Michelle change the story? To get sympathy from me or she just despised Jessica that much? Hindi naman nya ito kilala para siraan at wala naman itong ginagawa sa kanya.

Tsk tsk.

After Jemas' explanations, ako naman ang nagsalita. Sinimulan ko ang kwento kay Jessica noong nasa Cebu pa kami nila Peter at Michelle.

At first, she's amused in our story. Hindi daw nya akalain na magkababata kaming tatlo. Tama daw sya sa hunch nya na dati ng magkakilala sina Peter and Michelle.

Nagtataka lang sya kung bakit hindi ko sinabi agad sa kanya na kilala ko din si Michelle.  Parehas nga naman naming nakita yung picture. Sinabi ko sa kanya na hindi ko siya nakilala sa picture. Kahit noong nagpunta sya sa lamay at libing ni Peter.

Medyo naguguluhan si Jessica sa istorya ko pero hindi naman sya nagtatanong kaya ipinagpatuloy ko lang ito.

I have to narrate to Jessica what happened before. Ang aksidenteng pagkalunod ni Michelle sa ilog at ang mga sumunod pang pangyayari. The pain we felt after losing Michelle. Ang alam ng lahat ay patay na ito.

Malungkot nyang hinawakan ang kamay ko at pinisil pisil ito. Sobrang traumatic naman daw pala ng naranasan namin ni Peter dahil sa nangyari kay Michelle.

Hindi ko maisingit na kaya nangyari ito ay dahil na rin sa pagpapapansin ni Michelle kay Peter noon.  Kusa syang lumusong sa malalim na tubig kahit hindi sya marunong lumangoy to get Peter's attention. That she really liked him but my lil bro did not feel the same.

Ikaw din naman, patay na patay kay Michelle noon, Wong.

Ipinaliwanag ko rin kung bakit hindi sinabi ni Peter sa akin na nagkita na sila ni Michelle, that she is still alive. Dahil na rin ito sa request ng huli, as they plan to surprise me nga sana.

Jema is just nodding her head. Naintindihan nya na ngayon.

"Nagkataon lang na dahil sa sinabi mong Michelle ang pangalan ng kasama ni Peter sa picture kaya ako nag imbestiga. Iisang tao pala sila. At dito ko rin nalaman na si Michelle ang huling kasama ni Peter nung araw na naaksidente sya." I explained.

That startled her. She looked at me, waiting for more.

"Ayun nga, nagkita kami, nagkakilala uli, nag usap hanggang sa pumunta na sya ng bahay. Tuwang tuwa sila Dad and Mom pagkakita sa kanya. Biruin mo, after all these years ay buhay pa pala sya." I said.

"Wow." sabi nya.

"Siya din yung kasama ko sa bahay nung time na tumawag ka sa akin. After I visited you in Laguna. Remember, medyo nagselos ka pa nga ata nun eh." kantyaw ko.

"Uy hindi ah. Feeling mo lang yun." sagot nya.

"Weehh. Amin din paminsan minsan." hirit ko pa.

MY BROTHER'S GIRLFRIEND Where stories live. Discover now