chapter 3

625 31 1
                                    

Ashley POV

"Love! Love!!!" sigaw ni Lance ng makapasok siya sa loob ng aming bahay.

Lumabas ako mula sa kusina upang salubungin siya. "Bakit anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Lumapit ito agad sa akin at niyakap ako ng mahigpit, binuhat pa niya ako. Mababakas sa mukha niya ang labis na kasiyahan.

"Love ang saya-saya namin. May kumuha sa aming manager at bibigyan niya kami ng break!" masaya niyang anunsyo habang buhat ako at niyayakap.

"Talaga? Masaya ako para sa inyo. Lalo na para sayo. Congrats love."

Ibinaba niya ako at ikinulong ang aking mukha sa kanyang palad. Hinalikan niya ako ng banayad sa aking labi.

"I love you i love you." sabi niya habang binibigyan niya ako ng ilang magagaan na halik sa labi.

"Mahal din kita love."

"Ikaw ang swerte ko. At ikaw din ang inspirasyon ko. Kaya dapat lagi ka lang nandyan para sa akin ah. Laging nasa tabi ko."

Tumango ako at ngumiti. "Pangako love, hindi ako mawawala sa tabi mo."

Mabilis lumipas ang araw linggo at buwan. Unti-unting nakilala ng mga tao ang banda nila. Tinutugtog na rin sa mga radyo ang ilang kanta nila.

Minsan din ay nage-guest na sila sa mga variety show. At sobrang proud ako sa kanya. Gusto kong ipagsigawan na asawa ko siya.

Nakilala ko din yung manager nila na kumuha sa kanila. Helena ang pangalan nito. Naalala ko pa noong una kaming magkita.

"So ikaw pala ang ibinabahay niya." sabi niya sa akin habang nakataas ang kilay.

Kumunot ang aking noo. Hindi ba nito alam na asawa ako at hindi ibinabahay lang.

"Excuse me!? Asawa ako at hindi ibinabahay lang." mariin kong sagot sa kanya. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na insultuhin ako dahil hindi niya ako kilala. Masama rin ang kutob ko sa kanya. Para kasi itong hindi gagawa ng mabuti.

"Sa ngayon asawa ka, pero darating ang oras na hindi na." saad niya na may ngisi sa kanyang labi.

"At hindi mangyayari iyon. Dahil kahit anong mangyari ay parati akong nasa tabi ng asawa ko." sabi ko na idiniin ko pa ang salitang 'asawa ko.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Where stories live. Discover now