chapter 4

630 31 0
                                    

Ashley POV

Nagising ako dahil sa boses na aking naririnig mula sa paligid. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko ang kaibigan kong si France kausap nito ang doktor. Nasa ospital ako base sa kulay ng pintura sa kisame at dingding nito.

"F-france.." mahina kong tawag sa kanya. Lumingon ito at lumapit sa akin. Nag-aalala itong nakatingin sa akin.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya, bumangon ako upang sumandal. Inalalayan niya akong makaupo.

"Bakit ako nandito? Anong nangyari?" bumuntong hininga ito bago sumagot.

"Hinimatay ka. Tinatawagan nila si Lance pero hindi raw ito makontak. Kaya ako ang tinawagan ng kahera nyo. Buti na lamang at naibigay ko ang number ko sa kanila nung huling punta ko sa bahay n'yo."

"Tinawagan mo ba si Lance?" tanong ko at tumango na lamang ito.

"Oo kaso gano'n pa rin hindi makontak. Ano ba yang asawa mo hindi na niya alam kung anong nangyayari sayo."

"Baka sobrang busy, hayaan mo na."

Lumapit ang doktor sa amin. At tumikhim ito. "Mrs Ford. Kailangan n'yo pong magdoble ingat." sabi niya na ikinakunot ng aking noo.

"Bakit dok ano po bang nangyayari? May sakit po ba si Ashley?" tanong ni France sa doktor. Ngumiti lamang ito at umiling.

"No she's fine. Totally fine. Infact i want to congratulate you because your pregnant." sabi niya na nakangiting nakatingin sa akin, parang bigla akong nabingi sa sinabi niya.

Buntis ako. Dinadala ko ang panganay namin ni Lance. Magiging masaya kaya si Lance kapag nalaman niya? Ofcourse magiging masaya siya. Matagal na niyang hinintay ito.

"Bes narinig mo ba yon? Magiging ninang na ako." sabi niya at pinunasan niya ang aking pisngi. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa sobrang saya.

Tumingin ako sa doktor at nakangiti ito sa akin. "Yes you're pregnant, six weeks to be exact, kaya kailangan mong mag-ingat dahil hindi na lamang ikaw ang may ari ng katawan mo. Kung maaari iwasan mo ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng stress. Dahil delikado para sa inyo, lalo na't mahina ang kapit ng bata."

Nagpasalamat ako kay dok at umalis na ito. Kami na lamang dalawa ni France ang naiwan sa kwarto.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon