chapter 12

637 30 0
                                    

Ashley POV

"Are you doing something important next week?" tanong niya sa akin habang nakayakap.

Nakahiga kami ngayon sa kama sa kwarto ng penthouse niya, nakaunan ang ulo ko sa braso niya at nakayakap naman ako sa kanya.

"Hmm. Wala naman. Katatapos lang ng fashion show ko kaya free ako next week. Why?"

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo habang sinusuklay ang aking buhok ng kanyang daliri.

"Nag file ako ng leave, gusto ko sana magbakasyon tayo sa tagaytay. May surprise din ako sayo."

Napangiti ako, si Lance na ata ang nakilalang kong pinaka malambing at thoughtful na lalaki.

Paano ko ba nagawang iwanan ang isang tulad niya. Ngayon isa isang bumabalik ang sakit na pinagdaanan ko. Hindi ko naman mararanasan iyon kung nagtiwala ako sa kanya. Kung mas pinili ko na manatili sa tabi niya. Ako rin ang may kasalanan dahil ako ang naging mahina.

Namiss ko yong ganito lang. 'Yong panahon na may simpleng buhay pa kami. 'Yong panahon na tahimik lang ang buhay na mayroon kami sa tagaytay. 'Yong makasama lang namin ang isa't-isa ay kompleto na kami.

"Hey! Why are you crying?" nag-aalala niyang tanong. Pinunasan niya ang luha ko sa aking mata.

Umiling ako at ngumiti. Nagi-guilty ako dahil hindi ko masabi sa kanya ang tungkol kay Elliot.

Plano ko sana na sabihin sa kanya ng dahan-dahan. At mukhang magandang pagkakataon ang bakasyon na hinihingi niya para masabi ko sa kanya.

"Wala masaya lang ako na kasama na kita. Nung una natakot ako dahil baka hindi mo na ako mahal. Baka may ibang laman na ang puso mo.."

Kinurot niya ng mahina ang aking ilong. "Silly, you know what? I never stop loving you."

Niyakap niya ako ng mahigpit  at hinalikan pa ulit sa nuo.

"Ash tandaan mo na kayang kong mawala ang lahat, ipagpalit ang lahat ng meron ako basta makasama ka lang. Ikaw ang pinaka mahalaga sa buhay ko."

Hindi ko na napigilan pa ang hindi humagulhol. Bakit ba hindi ako nakinig kay France noon. Bakit ba hinayaan kong manguna ang takot sa puso ko.

Kung hindi lang ako naging tanga noon ay hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Sana nakilala siya ni Elliot. Sana masaya ang anak namin ngayon.

"Im sorry Lance, sorry." umiiyak kong sabi. Humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin.

"Hush love, tapos na yon. Isarado na natin ang masasakit na nangyari noon. Magsimula ulit tayo ngayon."

Tumango ako. Tama magsisimula ulit kami. At gagawa ako ng paraan upang masabi ko sa kanya ang lahat at upang magkita na sila ni Elliot.

"Sige payag ako sa bakasyon. Ibibilin ko bukas kay France lahat ng iiwanan ko. At pagbalik natin ako naman ang may surprise sayo."

Tumaas ang kilay niya at natawa ako dahil sa reaksyon niya.

Mula ng magkasama ulit kami ni Lance ay walang gabi na hindi niya ako laging inaangkin. Gusto daw niya na makabuo na kami. Kung alam lang niya na may xerox copy na siya. At soon masasabi ko rin.

MAAGA akong pumasok sa boutique para maibilin ko kay France ang shop at si Elliot. Sinabi kasi ni Lance na baka mga four to five days kami sa tagaytay.

"Anong plano mo?" tanong ni France habang nag-aayos ako ng mga gamit sa mesa ko.

"Pag-uwi namin galing sa bakasyon pagtatagpuin ko na silang mag-ama."

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Where stories live. Discover now