chapter 15

679 29 1
                                    

Ashley POV

"L-lance!?" Gulat kong saad ng makita ko si Lance na nakatayo sa sala habang matalim na nakatitig sa akin.

Hindi agad ako nakakilos dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin o gagawin.

"Ito ba ang surprise mo? Well congratulations Ashley dahil na surprise ako." Sarkastiko niyang sabi.

"L-lance! Love let me explain." Kinakabahan kong saad ng makahuma ako sa pagkagulat ko.

Lumapit ako sa kanya. Akmang hahawakan ko ang kanyang kamay ng iwaksi niya iyon.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib dahil sa ginawa niya pero alam ko na kulang ang nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman niya ngayon.

Nangilid ang aking luha at napayuko ako. Nakagat ko ang aking labi upang pigilan ang paghikbi.

"Why Ash? Why did you do this to me huh?" Mahinahon niyang sabi pero ramdam ko ang galit sa bawat salitang binibitawan niya. "Bakit Ash? Tang ina! Ano ang kasalanan ko sayo hah? Naging masama ba akong asawa sayo? Sinaktan ba kita!?" Galit niyang sigaw kaya umiiyak ako habang umiiling. Patuloy lang ang pagagos ng luha sa mga mata ko. "Yon naman pala eh. Bakit ganito? Do I deserve this? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito Ash?" Pahina ng pahina ang kanyang boses. Nagsusumamo ang kanyang mga tingin.

"I-I'm s-sorry! Sorry dahil hindi ko nasabi agad sayo. Please Lance hear me out first." Humagulgol kong sabi sa kanya.

Nanginginig siyang naka tingin sa akin. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya. Pero nanay ako at bilang nanay uunahin ko ang kaligtasan ng anak ko lalo na at pinagbantaan kami ni Helena noon.

"Okay. Pakikinggan ko ang paliwanag mo pero isa lang ang masasabi ko hindi pa rin magbabago ang desisyon ko."

Tumingin ako sa kanya. Galit at panghihinayang ang nakikita ko sa mga mata niya.

"N-natatandaan mo ba nung sinabi ko sayo na pinigilan ako ni Helena na makapasok sa concert venue nyo noon. Pumunta ako don para sabihin sayo na buntis ako na magkakaanak na tayo." hindi siya nagsalita at matalim lamang siyang nakatingin sa akin. Hinihintay ang mga susunod kong sasabihin. "Sinabi ko kay Helena na papasukin ako dahil sasabihin ko sayo na buntis ako. Pero nagalit siya at itinulak ako ng malakas." Pagpapatuloy ko habang umiiyak. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya. At dumilim lalo ang mukha niya. "Masama ang naging bagsak ko ng mga oras na iyon. Hanggang sa maramdaman kong sumakit ang puson ko at nakita ko na lamang na may dugo na dumaloy sa mga hita ko."

Napaupo siya habang ikinikwento ko ang mga nangyari. Napasabunot siya sa kanyang buhok dahil siguro sa prustrasyon.

"Natakot ako no'n dahil baka mawala ang bata.. Baka mawala ang anak natin, kasi sabi ng doctor na mahina ang kapit ni Elliot no'n.... T-tapos bago ako nawalan ng malay ay narinig ko ang sinabi niya na kung ayaw kong pati ang anak natin ay mawala sa akin ay umalis na raw ako at h'wag ng magpapakita pa."

Humahagulgol ako napaupo sa couch malapit sa kanya.

"Takot na takot ako no'n Lance. Ilang beses kong tinawag ang pangalan mo pero wala ka. Natakot ako para sa kaligtasan namin ni Elliot noon. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit mas pinili ko ang lumayo. Ang tanging naging kasalanan ko lang ay hindi ko agad sinabi sayo kasi alam kong ganito ang magiging reaksyon mo."

Nakita kong nagpunas siya ng luha sa mata. Naka tingin lamang ako sa kanya habang umiiyak.

Alam kong masakit pero nangyari na at kung hindi ko ginawa ang mga ginawa ko noon malamang ay wala kaming Elliot ngayon.

Sa isang banda ay hindi ko pinagsisihan ang lumayo kami kung kaligtasan naman ng anak namin ang nakataya.

Tumayo ito at nakapameywang na tumingin sa akin. humugot muna siya ng hangin bago nagsalita ulit.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum