chapter 13

630 29 0
                                    

Ashley POV

"Dude baka kailangan nyo ng mga bodyguards. Lalo na kung makalabas si Helena dahil bailable ang kaso na isinampa nyo sa kanya. Maaari niyang ulitin ang pananakit niya kay Ash." sabi Aaron.

Tumango si Lance at tumingin sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi. "H'wag kang mag-alala, kukuha ako ng mga bodyguards mo para mabantayan ka." hindi ako sumagot yumakap lang ako sa kanya.

Natatakot ako sa maaaring gawin ni Helena. Kaya iniisip ko kung ano pa ang maaari niyang gawin. Sa nakita kong galit niya ay parang hindi mo gugustuhin na makita pa siya. Nagawa na niya akong saktan, madali na lang sa kanya ang manakit ulit o mas worst ay ang pumatay.

Hindi niya pwedeng makita ang anak ko dahil baka gawan niya ito ng masama. At iyon ang hindi ko mapapayagan.

Nang lumabas ang mga kalalakihan ay naiwan kami ni France.

"Bes baka mamayang gabi na kami aalis papuntang tagaytay. Ikaw na muna ang bahala kay Elliot. Pag uwi namin magkikita na silang mag-ama."

"Oo ano ka ba. Nabanggit ko nga din kay kuya Francis kaya pansamantala siyang mag stay sa bahay. At kumuha na siya ng bodyguard para kay Elliot.

"Salamat sa inyo. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala kayo."

Lumapit si France sa akin at niyakap ako.

"Ano ka ba. Hindi na kayo iba sa amin. Kapatid na ang turing namin ni kuya sayo. At alam mo naman na mahal na mahal namin si Elliot lalo na ni kuya."

Napaka swerte ko talaga dahil may mga kaibigan akong tulad nila.

Nakalabas na rin ako ng ospital ng hapon na iyon. Hindi naman ganon kalala at wala naman major fracture sa ulo ko.

Nang gumabi ay nagpasya na kami ni Lance na umalis patungo ng tagaytay.

Hindi naman malayo ito kaya halos inabot lamang kami ng dalawang oras at nakarating din kami.

Namiss ko ang lugar na ito. Ilang years din akong hindi umuwi rito.

Nagtataka ako na napatingin sa labas ng bintana. Alam na alam ko ang lugar na tinatahak namin ngayon, kaya napatingin ako sa kanya.

"Lance."

"Easy kalang d'yan wife. Makikita mo na 'yung surprise ko." Sabi niya nang tumingin ako sa kanya. Kinuha niya ang aking kamay at pinagsalikop niya ang mga kamay namin habang nagmamaneho siya. Hinalikan niya ang likod ng aking palad. Kaya napangiti ako.

Ilang minuto pa ang aming binyahe at nakarating na kami. Huminto kami sa harap ng isang malaking bahay.

Tatlong palapag ito at halos salamin ang dingding. Pinag halong puti itim at gray ang kulay nito sa labas.

Nagtataka akong tumingin sa kanya, nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin.

"L-lance."

"Halika pasok tayo sa loob." Hinawakan niya ang aking kamay at inalalayan niya ako makapasok sa loob.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Namumuo na rin ang luha sa aking mata. Dahil may ideya na ako sa sinasabi niyang sorpresa.

Nang makapasok kami ay bumungad sa akin ang malaking larawan namin ni Lance. Kuha iyon nung araw ng kasal namin. Tuluyan ng tumulo ang luha sa aking mata.

"Surprise! What can you say?" sabi niya habang nakatingin sa akin na may ngiti sa labi. Nakataas ang mga kamay niya na parang itinuturo ang buong bahay. "Ito ang una kong napundar. Tinupad ko ang pangako ko sayo. Kahit hindi ko alam kung babalik ka pa ba o hindi na ay ginawa ko pa rin."

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Место, где живут истории. Откройте их для себя