chapter 1

926 36 10
                                    

Ashley POV

"France dumating na ba 'yung ibang damit galing Paris?" Tanong ko sa best friend ko na siyang kasosyo ko rin sa negosyo. Mayroon kaming pinapatakbong fashion boutique dahil parehong kaming fashion designer.

Si France ang tanging nasandalan ko ng mga panahon na lubog na lubog ako. Siya ang nasa tabi ko ng mga panahon 'yon. Parang kapatid na ang turingan namin sa isat isa.

Kababata ko rin siya. Elementary kami nang lumipat ang pamilya n'ya sa tagaytay at doon kami naging magkaibigan.

'Belle robe' ang pangalan ng boutique na minamanage namin ni France. Sa pagtutulungan namin ng kaibigan ko naitaguyod namin ito.

"Oo bes dumating na. Ang gaganda talaga ng mga design mo." Manghang sabi niya. Napangiti ako dahil bukod kay Lance ay isa siya na naniwala na magaling ako.

Siya lang ang nakakaalam ng mga pinagdaanan ko mula nang umalis ako at iwanan si Lance. Alam niya ang lahat ng paghihirap ko bago ko narating ang kinalalagyan ko ngayon.

Ngumiti ako sa kanya at tumayo. "Sa opisina lang ako bes." Pagpapaalam ko sa kanya.

Dumeretso ako ng opisina ko, umupo sa swivel chair ng nakangiti. Hinaplos ko ang mesa ko at tumingin sa kabuuan ng opisina ko. Ilang buwan na simula ng makauwi kami galing Paris. Six years ang lumipas simula nang umalis ako ng walang nakakaalam kun'di ang pamilya ni France.

Sino ba ang mag-aakala na matutupad ko ang pangarap ko. Sana nakikita mo ako ngayon Lance. Sana kasama din kita sa tagumpay ko ngayon.

Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ako sa kanya. Hindi sapat na nakikita ko lamang siya. Gusto kong lapitan siya. Gusto kong ikwento sa kanya ang lahat ng pinagdaanan ko.

Miss na miss na kita Lance. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita love.

Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala sa aking mata. Humugot ako ng hangin upang mawala ang paninikip ng aking dibdib. Nang biglang tumunog ang telepono ko.

Nakakunot ang noo ko nang makita ko na galing sa school ng anak ko ang tawag kaya agad ko itong sinagot.

"Hello!"

"Hello mam can I speak to Mrs. Ashley Ford please?!" Sagot ng babae sa kabilang linya.

"Speaking!"

"Good morning mam, baka po may time kayo para pumunta sa school ngayon. May nangyari po kasi kay Lancelot." Sabi niya sa kabilang linya kaya agad akong napatayo dahil sa gulat.

"What!? What happened!? Sige pupunta na ako dyan." Natataranta kong sagot. Inayos ko agad ang gamit ko, kinuha ko ang bag at susi ng sasakyan.

"Hey what happened?!" Tanong ni France na halatang nag-aalala na rin.

"Si Lancelot!" Kinakabahan kong sabi sa kanya. Alam kong naintindihan na niya ang ibig kong sabihin.

"Sige na ako na ang bahala rito. Kumalma ka dahil magmamaneho ka pa." Tumango na lamang ako at nagmamadaling umalis.

Nang makarating ako sa eskwelahan ng anak ko ay agad akong tumakbo papunta sa principals office. Dahil naroon daw ang anak ko kaya dumeretso na agad ako doon.

Sakto naman na naghihintay sa akin sa labas ng opisina ang teacher ng anak ko at pinapasok na niya agad ako.

Pagpasok ko ay hinanap ko agad ang aking anak at nakita ko itong namumula ang mata na halatang kagagaling lang sa pag-iyak, may sugat at pasa sa may baba at pisngi.

Parang may kumurot sa aking puso, dahil sa itsura niya. Parang gusto kong pumatay ng tao sa mga oras na iyon. Pinakalma ko ang aking sarili at huminga ng malalim. Kailangan kong kumalma dahil baka hindi maganda ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Nang makita niya ako ay agad nangilid ang kanyang luha. Parang tinusok ang puso ko dahil doon.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon