chapter 16

714 32 1
                                    

Lance POV

Katutulog lang ni Elliot sa aking tabi nandito kami ngayon sa kwarto namin ni Ash. Dito na kami dumeretso sa bahay na binili ko para sa amin. Gusto ko kasing maging komportable si Elliot. I want the best for my son. At iyon ang lagi kong gagawin.

Hinaplos ko ang kanyang mukha at hinalikan siya sa nuo. Naalala ko pa ang mukha ni Ash kanina habang nagpapaalam sa anak namin.

Masakit din para sa akin ang magalit sa kanya pero hindi ko maiwasan. Nagmukha akong tanga. Maraming panahon na pwede niyang sabihin ang tungkol sa anak namin pero hindi niya ginawa.

Ilang years ang nasayang. Ni hindi ko man lang nakita ang itsura n'ya noong bagong panganak siya. Kung kelan siya natutong maglakad. Kung anong unang salita ang sinabi niya. Sobra ang panghihinayang ko. Hindi ko man lang naranasang magpalit ng diaper niya. Magpaligo sa kanya o mag timpla man lang ng bottle milk niya.

Ayaw ko man gawin ito pero galit ako at gusto ko muna kumalma ako upang maintindihan ko ang lahat. Nangingibabaw kasi ang pagkakitid ng utak ko kapag galit ako.

Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang kumot ni Elliot. Lumabas ako ng terrace upang sumagap ng hangin.

Hindi ko alam kung kay Ash ba ako nagagalit o sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya naprotektahan noon.

Nakaramdam ako ng kirot ng maalala ko ang sinabi ni Elliot kanina bago kami matulog.

"Papa hwag tayong tumagal na aalis ah. Wala kasi kasama si mama. Iiyak na naman siya."

"Bakit umiiyak ang mama mo?" Tanong ko habang naka yakap sa kanya.

"Kapag namimiss ka niya. Tinitingnan niya ang picture mo habang umiinom siya ng alak."

Naka ramdam ako ng awa kay Ash. Ang dami niyang pinagdaanan ng wala ako. Hindi ko lubos maisip na binuhay niya mag-isa ang anak namin.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Galit ako, galit na galit pero hindi para kay Ash, para sa sarili ko. Wala akong kwenta.

Napapikit ako ng maalala ang sinabi niyang dinugo siya ng saktan siya ni Helena.

Hindi ko mapapatawad si Helena. Sinira niya ang buhay namin. Sinira niya ang pamilya ko. Siya ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayari.

Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.

Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Ash. Gabi na, siguro ay hindi ito makatulog dahil wala si Elliot sa tabi niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot. Pero nagulat ako ng marinig ko ang boses niya.

"L-lance." Nanginginig ang boses niya at mukhang umiiyak.

Fuck mukhang lasing pa ata.

"Are you drunk? Where are you Ashley?" Tuluyan na itong humagulgol kaya napapikit ako at napahawak sa aking noo.

"I-i miss Elliot. I miss you too. Please gusto ko kayong makasama. Ang lungkot lungkot ko. H'wag ka ng magalit love please." Pagsusumamo niya.

"Ashley asan ka? Answer me wife." Tanong ko ulit dahil baka mamaya ay nasa labas ito at mukhang lasing na lasing na.

Kahit galit ako sa kanya ay hindi ko kayang makita na mapahamak at masaktan siya. Mahal na mahal ko si Ashley.

Hindi ko naman balak na matagal na mahiwalay sa kanya, hindi ko kaya. Magpapalamig lang ako ng ulo at ng galit ko.

Sasagot na sana ako ng marinig ang boses ni France.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon