chapter 2

655 34 0
                                    

Ashley POV

Six years ago

"Love magpakasal na tayo. Tutal naman ilang taon na tayong magnobyo." sabi ni Lance sa akin habang nakayakap siya sa aking likuran.

"Paano ang pangarap mo?" tanong ko sa kanya.

"Pwede ko naman abutin ang mga pangarap ko habang kasama kita." malambing niyang sabi. Pinaharap niya ako sa kanya at hinalikan sa labi.

Childhood sweetheart ko si Lance. Elementary ng una kaming magkita. Lagi akong nabubully ng mga panahon na iyon. At si Lance ang laging nand'yan para sa akin.

Hanggang dumating ang high school ay magkasama pa rin kami. Nung mamatay ang papa ko siya ang karamay ko at ang mga kaibigan namin.

Ulilang lubos na ako, namatay si mama sa panganganak dahil sa akin. Si papa naman ay nagkaroon ng karamdaman. Hindi rin ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil kailangan kong magtrabaho para sa aking sariling pangangailangan.

Ganon din si Lance, namatay ang mga magulang niya dahil sa aksidente. Elementary pa lamang siya noong mamatay ang mga ito. Mga tiyahin na lang niya ang nagpalaki sa kanya.

Dinamayan namin ni Lance ang isat-isa. Naging matalik kaming magkaibigan hanggang sumapit ako sa edad na six teen. Nagtapat si Lance nang pag-ibig sa akin. Matapos ang dalawang taon na panliligaw niya ay sinagot ko siya nung araw na debut ko.

Hindi ko agad siya sinagot dahil natakot ako na baka kapag hindi nagwork ang relasyon namin bilang magnobyo ay baka mawala siya sa akin. At iyon ang ayaw kong mangyariDahil hindi lamang nobyo ang mawawala sa akin pati na rin matalik na kaibigan.

Naging maayos ang dalawang taon na relasyon namin. At ngayon na bente anyos na ako ay kami pa rin ang magkasama at malayang nagmamahalan.

Pangarap ni Lance na maging isang vocalist sa banda. Pangarap niyang sumikat at makilala sa music industry. Pati ang mga kaibigan niyang sina Jonas, Kyle, Nico, at Aaron. Halos lahat ng kaibigan niya ay may kaya sa buhay. Si Lance lamang ang medyo tagilid ang buhay dahil maagang naulila.

Nakabuo na sila ng banda. Ito ay tinawag nilang L.B. Band o Love Blind Band.

Si Jonas ang kanilang song writer. Magaling itong gumawa ng kanta at tula. Lead guitarist din nila ito. Si Kyle ang kanilang drummer, si Nico naman ang base. Si Aaron ang pianist at si Lance ang vocalist.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon