epilogue

925 33 7
                                    

Ashley POV

"Ash bilisan mo, baka ma traffic tayo." Sigaw ni France sa akin mula sa labas ng aming kwarto.

Papunta kami ngayon sa come back concert ng LB band. Ilang buwan ang nakalipas matapos ang kasal namin ni Lance.

Sobrang excited ako dahil ngayon lamang ako makakapanood ng live concert nila. Dahil simula ng maging asawa ko siya ay hindi ako nabigyan ng pagkakataon upang mapanood sila.

"Nandyan na. Palabas na ako." Sagot ko sa kanya ng may pagmamadali.

Isang beses ko pang tiningnan ang aking sarili sa salamin bago nagpasyang lumabas.

Naabutan kong nagkukulitan ang magninang sa sala ng bahay.

"Let's go!" Aya ko sa kanila.

Sumakay kami ng van kasama ang mga bodyguards namin. Hindi na kami tinanggalan ng tagabantay ni Lance, mas mapapanatag daw kasi siya kapag may mga bodyguard kami lalo na kapag wala siya.

Simula kasi ng bumalik sila sa pagkanta ay halos hindi na ito napipirmi sa bahay. Madalas din ang out of town shows nila. At dahil ayaw niya na mamiss kami ay parati niya kaming isinasama lalo na kapag matagal ang magiging show niya sa isang lugar.

Nang makarating kami sa venue ng concert ay hindi na halos madaanan ang lugar dahil sa dami ng tao. Kahit nagkaroon si Lance ng matinding issue ay hindi siya iniwan ng mga taga suporta niya. Mukhang hinintay din ng lahat ang come back concert nila.

"Grabe ang dami ng tao. Biro mo ang dami pang gustong pumasok. Alam ko last week pa sold out ang ticket nila." Manghang saad ni France habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Mukhang hinintay talaga nila ang pagbabalik ng LB band."

Huminto ang sasakyan sa likod ng venue. Hindi kami pwedeng pumasok sa entrance dahil sa dami ng tao ay maaaring maipit kami lalo na si Elliot.

"Mama nandyan po ba si papa? Gusto ko na po kasing makita si papa. Namimiss ko na siya." Ani ni Elliot.

Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti ako sa kanya. Maka papa kasi si Elliot. Gusto niya ay parating kasama ang ama. Siguro gano'n talaga kapag hindi mo nakalakhian ang ama tulad niya.

Hindi ko siya masisisi kung bakit naging sabik siya sa ama. Minsan nagi guilty ako dahil kasalanan ko kung bakit sila ganyan. Kahit si Lance ay laging gustong kasama ang anak niya.

"Yes anak. Pupuntahan natin si papa. Manonood tayo ng concert niya."

Excited itong sumigaw ng yehey. Kaya natawa kaming dalawa ni France.

Inalalayan kami ng mga bodyguard na pumasok habang hawak-hawak ko ang kamay ni Elliot. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Mas matindi pa ang kaba ko ngayon na manonood lang kami concert kaysa sa maglalabas ako ng bagong collection ko. Hindi ko alam kung normal ba na ganito ang aking nararamdaman.

"Hey relax Ash. Bakit parang ikaw ang magcoconcert." Tumatawang saad ni France. Inikutan ko siya ng mata dahil sa inis.

Eh sa kinakabahan ako eh. Anong magagawa ko.

"Ganito ba talaga manood nito. Bakit ako kinakabahan?"

"Siguro kasi asawa ka niya. Kaya ikaw ang mas kinakabahan. Parang kay Elliot, diba kapag sasali siya sa mga activities sa school ikaw ang mas kinakabahan? Ganon siguro kapag mga mahal mo ang nalalagay sa alanganin." Napatingin ako kay France.

Matagal na kaming magkaibigan pero hindi ko alam na ganito siya kalalim na tao. Mabilis niyang nauunawaan ang lahat ng bagay.

May kanya-kanyang kwarto ang bawat miyembro ng banda. Habang naglalakad kami patungo sa kwarto nila Lance at nadadaanan namin ang mga ito. Nakita ko pa ang pagsulyap ni France sa kwarto ni Jonas.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Where stories live. Discover now