chapter 9

648 29 0
                                    

Ashley POV

Nagising ako dahil sa bagay na nakadagan sa akin. Masakit din ang aking katawan. Para akong nakipagbugbugan sa mga tambay sa kanto.

Paano ba naman hindi eh ilang beses akong nagising dahil ilang ulit akong gustong angkinin ni Lance. Wala itong kapaguran kaya pati ako ay sobrang pagod at masakit ang katawan.

Iginala ko sa buong kwarto ang aking paningin. Huminto ang aking mata sa larawan na nakasabit sa dingding ng kwarto.

Larawan ito ni Lance na hindi makikitaan ng kahit anong emosyon.

Napatingin ako sa taong tahimik na natutulog sa aking tabi. Tiningnan ko na kanyang mukha na halatang puyat at napagod sa mga ginawa namin kagabi.

Hinaplos ko ang kanyang mukha at hinalikan siya sa kanyang noo. Dahan dahan akong umalis sa kanyang tabi at nagbihis ng aking damit.

Nang akmang pipihitin ko na ang seradura ng pinto upang umalis ay bigla siyang nagsalita sa aking likuran. "Aalis ka na naman? Iiwanan mo na naman ako?" puno ng hinanakit niyang sabi.

Hindi ako makagalaw. Nagsimula na din manubig ang aking mata. Gusto kong bumalik sa kama at yakapin siya ng mahigpit upang mawala ang sakit na dinulot ko sa kanya.

Naramdaman kong tumayo ito at lumapit sa closet. Siguro ay kukuha ito ng masusuot niya dahil hubad pa rin ito nang bumangon ako.

Matapos niyang magsuot ay lumakad ulit ito sa aking likuran, at tantiya ko ay umupo sa kama. Ramdam ko ang init ng kanyang titig sa aking likod.

"Ano Ash wala ka man lang ba sasabihin? Hindi ka man lang ba magpapaliwanag?" pagsusumamo niya sa akin. Ramdam ko ang sakit sa bawat salita na kanyang sinasabi. At alam kong ako ng dahilan kung bakit siya nasasaktan. Dahil naging duwag ako at mahina.

Humarap ako sa kanya na patuloy na lumuluha. Nakayuko ako at nilalaro ang mga daliri sa kamay.

"What Ash. Fuck! Sabihin mo naman kung anong dahilan mo kung bakit ka umalis." sigaw niya sa akin. Nagulat pa ako dahil sa pagsigaw niya. Ngayon ko lamang siya nakita kung gaano kagalit at kafrustrate dahil hindi ako umiimik. Kahit gustong bumuka ng aking bibig ay walang lakas ito upang magsalita.

"Fuck ano!? Dahil ba hindi mo na ako mahal?" tanong niya at agad akong umiling. "Eh ano? Please naman love magsalita ka. Pakiusap magpaliwanag ka dahil malapit na akong mabaliw sa kakaisip kung ano ba ang naging kasalanan ko kung bakit mo ako nagawang iwanan." hindi na siya sumisigaw. Umiiyak na siya at nakaupo na din siya sa gilid ng kama habang nakasandal.

Lakas loob akong lumapit sa kanya at buong puso ko siyang niyakap.

"Im sorry Lance. Im so sorry dahil natakot ako. Sorry kung nasaktan kita. Alam ng diyos kung gaano kasakit ang naging desisyon ko. But I have no choice." umiiyak kong sabi.

Umangat ang kanyang mukha at tumingin sa akin. Ikinulong niya ang aking mukha sa kanyang mga palad.

"What do you mean?"

Umupo ako sa tabi niya paharap sa kanya. Pinunasan ko ang kanyang mukha na puno ng luha.

"Hwag mong iisipin na hindi na kita mahal kaya ako umalis. Mahal na mahal kita kaya ko iyon ginawa. At 'yong sinabi ko sayo dati na kahit mamatay ako ay ikaw lamang ang lalaking mamahalin ko." binigyan ko siya ng magaan na halik habang pareho kaming umiiyak.

"Why love, please tell me why?"

"Helena." sabi ko at bigla siyang natigilan. Kumunot ang kanyang noo.

"What about Helena? Anong kinalaman niya dito?" huminga ako ng malalim.

"Helena ask me to stay away from you. Tinakot niya ako na sisirain niya ang buhay mo, ang career mo at pati mga kabanda mo." umiiyak kong sabi. Nakita kong kumuyom ang kanyang kamao at nagtatagis ang kanyang bagang. "Nung una inisip kong ayaw kong masira ang buhay mo at ang pangarap mo. P-pero nagbago ang isip ko. Kaya nung araw ng concert mo ay pumunta ako pero hindi niya ako pinayagan. sinaktan niya ako at ipinakaladkad sa mga bodyguard na kasama niya." humagulgol na ako ng iyak. Nang maalala ko ang pagdaloy ng dugo sa aking hita.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Where stories live. Discover now