chapter 14

619 27 0
                                    

Ashley POV

Sinulit namin ang ilang araw na bakasyon sa tagaytay. Naging masaya ako ngunit hindi ko maiwasang na maguilty kapag naiisip ko ang anak namin.

Naalala ko pa 'yong sagot niya sa tanong ko kahapon.

"Love gusto mo na bang magka-anak?" Tanong ko sa kanya habang nasa duyan kami at nakatanaw sa mga bituin.

"Oo naman. Alam mo naman na matagal ko ng gusto 'yon." Saad niya.

Pinaunan niya ako sa dibdib niya. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso.

"Hmm! P-paano kung malaman mo na may anak na tayo?" Kinakabahan kong tanong. Natatakot sa maari niyang sagot.

Tumingin siya sa akin at kumunot ang kanyang nuo. "Masaya ako syempre, pero imposible naman na may anak tayo dahil alam ko na hindi ka maglilihim sa akin kung sakali." Nakagat ko ang aking labi dahil sa sinabi niya.

Paano ko sasabihin sayo Lance ng hindi ka nasasaktan. Kasi kahit anong gawin ko alam kong masasaktan ka pa rin kahit hindi ko ginusto.

Napayuko ako at nakagat ko ang aking ibabang labi. Buo na ang desisyon ko. Ipakikilala ko na si Lance kay Elliot. Bahala na kung ano ang kalalabasan.

Ngayong araw ang balik namin sa maynila. Kaya ipinasya kong dalhin si Elliot sa pent house niya upang magkakilala na silang mag-ama.

"Are you hungry?" Tanong niya habang nagmamaneho ito.

Umiling ako at ngumiti dahil hindi naman talaga ako nagugutom. Kumain kasi kami kanina bago umalis.

"Hindi ako nagugutom."

"Are you sure? Pwede taong dumaan sandali sa drive thru."

Umiling ako ulit bilang sagot sa tanong niya.

"Love sa boutique mo na lang ako ideretso. Marami kasi akong naiwan na trabaho. Tapos uwi ka ng maaga kasi may surprise ako sayo."

Kahit kinakabahan ako at hindi ko maiwasan na ma excite na may halong takot sa magiging reaksyon nilang mag-ama. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Lance sa akin. Alam kong magagalit siya pero nangyari na at ipapaliwanag ko na lang ang lahat. Sana lang ay maintindihan niya ang dahilan ko.

"Surprise?" Tanong niyang habang nakataas ang kilay. Nagmamaneho ito at pasulyap sulyap sa akin.

"Yeah mamaya may ipapakilala ako sayo. Basta agahan mo umuwi at magluluto rin ako ng paborito mo."

"Okay. Basta hindi lalaki na pwede kang agawin sa akin okay lang." Natawa ako dahil sa sinabi niya kaya ngumiti na rin siya.

Lance POV

Matapos kong maihatid si Ash ay nagpasya na akong pumunta sa bahay na tinitirahan ni Jonas. Tinawagan niya ako kanina na dumaan sandali dahil may importante daw na sasabihin ito.

Nang makapasok ako sa loob ng kanilang village ay bilang may sumulpot sa harapan ko na isang bola kasunod nito ay ang isang batang lalaki na nadapa dahil sa paghabol sa bola.

Agad kong naipreno ang aking sasakyan at gulat na napatingin sa harapan. Napakurap kurap pa ako at kinabahan.

Nagmadali akong lumabas sa aking sasakyan upang tingnan ang bata kung okay lang ba ito.

"Hey buddy are you okay?" Tanong ko sa bata nang makalapit ako. Nakaupo ito sa kalsada at pinapagpagan ang sugat sa tuhod. Kung tama ang hinala ko ay nasa lima o anim na taon na ito.

Nasaan ba ang taga alaga nito. Pinapabayaan na naglalaro sa kalsada.

Nang tumingin ito ay bigla akong kinabahan. Para akong nanalamin dahil kamukha ko ang bata. Mas batang bersyon nga lang. Parang may kung anong sakit at tuwa ang naramdaman ko sa aking puso. Malakas ang kabog ng aking dibdib.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Where stories live. Discover now