chapter 20

675 28 0
                                    

Ashley POV

Dumating ang araw ng press conference. Lahat ay pupunta, ang buong banda nila Lance, kami ni Elliot, si France at si kuya Francis na manager na nila. Hindi na nila kasi ito pinalitan pa kahit umaayaw na.

Sa isang hotel gaganapin ang press con kaya nasa isang kwarto kami ngayon habang hindi pa kami ipinapatawag. Ang kuya ni France na si kuya Francis ang nagaasikaso ng lahat dahil ito ang manager ng banda.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa press con. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mga tagahanga niya ang malalaman nila tungkol kay Lance. Maaari kasi silang magtanong ng mga bagay na kahit ayaw naming sagutin ay mapipilitan kami para sa ikatatahimik ng lahat.

Ayoko kasi na kami ang maging dahilan upang mabuwag o mawala ang banda sa music industry. Hiling ko na lang, na sana ay maintindihan nila ang lahat.

"Hey! Are you okay?" Tanong ni Lance sa akin habang pinipisil ang kamay ko. Nagalala na pala ako habang nag-iisip.

Tumingin ako sa kanya at nag-aalala niya akong tiningnan. "Don't worry too much. Kung mahal ako ng mga fans ko matatanggap nila ang pamilya ko."

Nginitian ko siya at tumingin din ako sa iba pa niyang kabanda. Si Nico ay abala sa pakikipaglaro kay Elliot habang nakasandal naman si Jonas sa couch at nakapikit. Si Aaron at Kyle ay abala sa pnonood ng tv.

"Hindi ko maiwasan na hindi magalala, paano kung hindi ka nila maintindihan, pati sila na walang kasalanan madadamay."

Bumuntong hininga ako at yumuko. Niyakap niya ako sa gilid at hinalikan sa noo. Sasagot na sana siya ng magsalita si Nico.

"Dapat nilang tanggapin ang mga maaaring pagbabago sa buhay namin. Hindi naman kami habang buhay na binata. Mag-aasawa din kami at bubuo ng sariling pamilya. At kung totoo namin na tagasuporta sila maiintindihan nila kami. Tao rin kami."

Seryoso itong nakatingin sa akin at ngumiti ng mapait. Bakit kaya ganyan si Nico. Matagal na siyang ganyan kung tumingin sa akin. Lalo na nung naging mag boyfriend kami ni Lance. Parang mayroon siyang gustong sabihin pero hindi niya masabi. Ang dami kasing laman ng mga tingin niya.

Umiwas siya ng tingin sa akin at ipinagpatuloy ang pakikipaglaro kay Elliot. Sa kanilang apat sa kanya malapit si Elliot. Parati itong pumapasyal sa bahay at nakikipaglaro dito. Parati rin na may laruan at madalas din niya itong hiramin para ipasyal.

"H'wag ka ng mag-alala Ash. Kung mawala ang mga supporters namin, eh di tumigil. May mga business naman kami kaya walang kaso iyon." Saad ni Kyle na tinanguan naman ng lahat. Kahit si Jonas na nakita ko kanina lang ay nakapikit, ngayon ay tumango din para sabihing okay lang ang lahat.

Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko dahil sa mga sinasabi nila. Maya-maya ay dumating ang secretary ni kuya Francis ay sinabing maghanda na kami dahil magsisimula na.

Sa function hall ng hotel ginanap ang press conference. Pinapasok na kami at flash ng camera at mga munting bulungan ang maririnig sa buong hall. Hindi namin isinama si Elliot sa loob, dahil baka ma trauma ito ng mga maaring marinig niya at hindi maganda iyon para sa kanya.

Pinaupo ako ni Lance katabi niya. Katabi niya sa kabilang side ng upuan si Jonas at si Kyle habang nasa kabilang side naman ako at katabi ko si Nico at si Aaron.

Unang ipinakilala ni kuya Francis ang buong banda. Nang ako na ang ipakilala niya ay tumayo ako at ngumiti sa mga tao.

Nang sabihin na pwede na silang magtanong ay sabay-sabay silang nagtaas ng kamay. Kaya si kuya Francis na ang pumili ng unang magtatanong.

Tumayo ito at lumapit sa microphone na nasa aming harapan. Nag pakilala muna ito bago nagtanong.

"Ang una kong tanong ay para kay Lance at miss Ashley. Totoo ba na mag-asawa kayo? Gaano ito katotoo?" Tanong ng babaeng reporter. Nagkatinginan kami ni Lance at ngumiti sa isa't-isa.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon