chapter 19

690 28 0
                                    

Ashley POV

"Ready na ang food! Kain na tayo!" Sigaw ko sa kanila nang maiayos na namin ang pagkain sa mesa.

Ginawa kong boodle fight ang pagkain namin sa mahabang mesa. Sabay-sabay silang dumulog sa hapag at masayang kumain.

Si Elliot ay nasa gitna namin ni Lance. Habang katabi ni Kyle si Nadine na hinihimayan pa ng sugpo. Si Lizzy naman ay nasa tabi ni Aaron habang inaasikaso nito ang pagkain. Si France naman ay napapagitnaan na Jonas at ni Nico.

Pa simple kong sinulyapan si France na abala sa paglalagay ng ulam sa tapat ni Jonas na hindi naman nito napapansin. Napailing na lang ako dahil doon.

"Why!?" Takang tanong ni Lance sa akin. Umiling lamang ako at ngumiti.

Nang matapos kaming kumain ay naligo na kaming mga babae sa pool habang nilalaro si Elliot. Kasama din namin naligo si Lizzy dahil ready ito at may dalang pamalit.

Ang mga lalaki naman ay nagkekwentuhan habang nagiinuman.

Hanggang antukin na si Elliot at pasamahan ko sa yaya nito upang makapaghinga na.

Lumapit ako kay Lance at tumabi sa kanya. Agad namang pumulupot ang braso siya sa aking beywang.

Habang nagkekwentuhan kami ay biglang lumapit si Nadine kay Kyle at yumakap sa braso nito.

"Kyle pagod na ako." Reklamo nito sa kanya.

"Sino ba may sabi sayong maligo ka ng maligo dyan? At saka bakit sila tinatawag mong kuya tapos ako hindi." Nakakunot noo nitong tanong kay Nadine.

"Bakit ko naman tatawagin ng kuya ang future husband ko?" Sagot ni Nadine kaya napaubo si Kyle dahil sa iniinom nitong beer. Sakto kasi na umiinom ito ng magsalita si Nadine. Sinamaan niya ng tingin si Nadine na ngumiti lamang sa kanya.

Lumapit si France at si Lizzy sa amin, inabutan sila ni Nico ng beer.

Nagtawanan naman kami dahil sa naging reaksyon ni Kyle sa sinasabi ni Nadine.

"Nadine nagpaalam ka ba sa kuya mo na sasama ka kay Kyle? Baka bukas nasa dyaryo na 'yang si Kyle at ipinapatay na ng kuya mo." Pagbibiro naman ni Lance. Kapatid ni Nadine ang isa sa bilyonaryo sa pilipinas na si Nathan jay Fernandez. At naging kaibigan nila ito noon ng kumakanta pa sila sa bar ni Hugo.

"Yeah. Nagpaalam ako." Sabi nito na akmang iinomin ang beer na hawak niya nang pigilan at agawin iyon ni Kyle sa kamay niya.

Sinamaan niya ito ng tingin pero parang wala naman pakialam si Kyle sa kanyang ginawa.

"Oo tumawag nga sa akin ang abnormal na yon. Binantaan pa ako." Pagrereklamo ni Kyle.

Tumawa lamang ang lahat dahil sa sinasabi niya.

"Ano ba ang nagustuhan mo sa mokong na yan Nadine?" Tanong ni Nico sa kanya. So may gusto nga pala talaga si Nadine kay Kyle. Well wala naman problema dahil mabait at responsableng lalaki si Kyle.

Sandali itong nag-isip at tumingin pa habang nakangiti kay Kyle. Napansin pa namin na namula ang leeg at tainga ni kyle dahil sa ginawa ni Nadine. Pakiramdam ko may feelings din si Kyle sa kanya. 'Yon nga lang ay bata pa ito at kaibigan pa ang kuya nito. Iyon siguro ang mga bagay na pumipigil kay Kyle para tuluyang mahalin si Nadine. Kyle is twenty five while Nadine is only nineteen. Kaya siguro nag-aalangan si Kyle kahit pa may pagtingin din siya.

"Hmm. Hindi ko alam. Kasi bigla ko na lang naramdaman. Isang araw gumising na lang ako na gusto kong makita at makasama si Kyle. Diba kapag nagmamahal ka wala naman iyon ekplenasyon. Basta mahal mo lang yong tao." Mahabang litanya nito.

Napangiti ako dahil kahit bata pa siya ay alam niya kung ano ang nararamdaman niya. At hanga ako sa kanya dahil matapang niyang naaamin iyon kay Kyle.

"I admired you Nadine. Naiinggit ako sayo kasi ang tapang mo aminin kay Kyle na mahal mo siya. Hindi katulad ko." Nagulat kami ng biglang magsalita si France.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil alam kong masakit para sa kanya ang magmahal ng walang katugon.

"Oo nga France, matagal na tayong magka kaibigan pero wala ka pang ipinakikilalang naging boyfriend mo." Tanong ni Aaron sa kanya.

Uminom muna ito ng alak bago humugot ng hangin sa dibdib.

"H'wag mong sabihin na tomboy ka at may gusto ka kay Ash." Pang-aasar ni Nico sa kanya. Inirapan nya lamang ito.

"Tama naman ang sinabi ni Nadine. Kapag nagmahal ka, mahal mo lang. Walang rason. I'm in love with someone since high school. Pero hindi kami o ako nabigyan ng pagkakataon na masabi sa kanya na mahal ko siya." lahat kami ay nakikinig lang sa sasabihin niya. Ramdam ko ang sakit sa bawat salita na binibitawan niya. Kahit ako na alam ko na ang nararamdaman niya ay nakinig pa rin. "Biro n'yo high school pa lang mahal ko na siya. At alam n'yo ba kung ano ang pinaka masakit na parte sa pagmamahal? Yon ay ang makita mong siyang nasasaktan dahil sa minamahal niya. Martir na kung martir, kaso wala eh nagmahal lang ako. Akala ko noon masakit ng malaman kong ikinasal na siya sa iba. Pero mas masakit pala ang makitang nasasaktan siya dahil lang nawala ang minamahal niya." Nagulat ako dahil diretso niyang tumingin kay Jonas. Kahit kami ay napatingin kay Jonas. Halos napasinghap ang lahat at hindi nakakilos o nakaimik man lang.

Tumayo si France. "Iwanan ko na muna kayo. Lasing na ata ako. Magpapahinga na ako." Ngumiti siya ng mapait at tuluyan ng umalis ito. Hindi nakatakas sa amin ang luhang pumatak sa mata ni France.

Tumingin si Lance sa akin. "May alam ka ba do'n?" Tanong niya at tumango na lamang ako. Hindi ko na muna susundan si France. Hahayaan ko muna na makapagpahinga siya.

Walang gustong magtanong kay Jonas. Tahimik lang ang lahat na umiinom at kumakain.

Hanggang sa maglakas loob akong magtanong. "Jonas. Baka its about.."

"Wala akong plano na palitan ang asawa ko. I love my wife very much, kaya kung ano man ang nararamdaman niya para sa akin tapusin na nya, dahil wala siyang mapapala."

Umalis ito at lumusong sa tubig upang maligo. Ako naman ay napayuko at nalungkot dahil sa sagot niya. Kawawa naman si France, wala pala talaga siyang pag-asa para kay Jonas.

"Hey! Don't worry kakausapin ko si Jonas. don't be upset. Matatanda na sila alam at alam na nila ang ginagawa nila."

Tumango ako at yumakap sa kanya. Hinalikan niya ako sa ulo. Sabagay sa isang banda ay naiintindihan ko si Jonas. Mahal niya ang asawa niya at hindi ko mapipilit na mahalin niya ang iba.

Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Lance sa aking beywang kaya napatingin ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa labi at agad ko itong tinugon. Pinagdikit niya ang aming noo ng maghiwalay ang aming mga labi.

"I love you wife."

"I love you too love."

Lahat sila ay pumunta na sa pool upang maligo. naiwan kami ni Lance sa upuan habang nag-uusap.

"Love sa monday na press conference natin. Kailangan kong gawin ito para matapos na ang issue about sa inyo ni Elliot." Tumango ako at sumandal sa dibdib niya.

Matagal na niya kaming inaaya sa interview na yan. Ayaw ko sana kaya lang naaapektuhan na si Elliot sa mga nababasa niya. Aminin ko na pati ako ay apektado na sa mga lumalabas na balita.

"Sure ka ba doon? Paano kung mawalan ka ng career dahil sa amin?" Tanong ko sa kanya.

Niyakap niya ako at hinalikan ng mabilis sa labi. "Silly. Sa tingin mo mas pipiliin ko pa yon kaysa sa inyo. Kahit nung una pa lang love kayo ang pipiliin ko kaysa sa kasikatan. Wala ng mas mahalaga pa sa inyo ni Elliot. Kayo ang buhay ko love." Napangiti ako sa sinasabi niya kaya hinalikan ko siya sa labi.

Naging masaya ang weekend namin. Yung iba nag stay pa sa bahay tulad ni France, Nico at Kyle. Habang ang iba naman ay mas pinili ang umuwi sa kani kanilang bahay.

Hanggang umalis si Jonas ay hindi sila nag-usap ni France. Alam kong nagsisisi siya dahil inopen pa niya ang naramdaman niya para dito pero maganda na rin iyon para maka move on na rin si France sa nararamdaman niya para kay Jonas. Baka kaya hindi siya makapag move on dahil hindi alam ni Jonas o hindi niya nasasabi ang nararamdaman niya para dito.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu