chapter 6

617 29 0
                                    

Lance POV

Bumaba ako at pumunta sa mini bar ng bahay na tinitirahan namin. Simula ng umalis siya hindi na ako tumira sa bahay na iyon.

Pero binili ko ang apartment na iyon. Hindi ko alam kung bakit binili ko pa ito. Siguro kasi may parte sa puso ko na umaasa na isang araw ay babalik siya sa bahay namin.

Hanggang ngayon nandoon parin lahat ng gamit namin. Wala akong kinuha. Ipinapalinis ko lamang iyon kapag madumi na.

Isang beses sa sobrang pangungulila ko sa kanya ay umuwi ako don at uminom ng uminom.

Umiyak lamang ako habang yakap ang unan niya. Im fucking missed my wife. At gago ako kung itatanggi ko na hindi ko na siya mahal. Mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila ng pag-iwan niya sa akin.

Nang umalis siya ay hinanap ko siya. Nag-hire pa ako ng imbestigador upang hanapin siya. Hanggang sa nalaman kong umalis ito ng bansa. May hinala na ako na ang magkapatid na France at Francis ang tumulong sa kanya. Dahil bigla rin umalis si France sa bansa. Siguro ay magkasama sila.

Pinuntahan ko noon si Francis upang tanungin. Alam kong may alam siya sa dahilan ni Ashley noon. Kung bakit ito biglang nagdesisyon na iwanan ako. Pero wala akong nakuhang sagot sa kanya.

Apat na taon ko siyang hinanap hanggang mapagod ako at hindi na umasa na babalik pa siya.

Hanggang isang araw ay nabalitaan ko kay Jonas na bumalik na si France dahil iisang village lamang sila nakatira.

Pinuntahan ko si France at kinumpronta ko ito. Umamin siya na siya ang kasama ng asawa ko ng mawala ito. Medyo nabawasan ang pag-aalala ko dahil kasama niya si France ng mga panahon na wala ako.

Itinanong ko kung bakit umalis si Ashley pero ayaw niyang magsalita. Hindi daw siya ang dapat magsabi no'n sa akin at magpaliwanag kung hindi ay ang asawa ko.

Tama naman siya, at matagal ko na rin alam na may sarili na siyang shop. Nakatapos din siya at naging isang sikat na fashion designer. Natupad niya ang pangarap niya ng hindi ako kasama.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya tinupad ang pangarap niya na wala. Hindi ko matanggap dahil nangako kami na magkasama naming tutuparin lahat. Hindi ba niya mahintay na mapag-aral ko siya. Nangako naman ako sa kanya. Kaya bakit niya ako iniwan.

Napagod akong alamin ang lahat ng tungkol sa kanya. Kaya tumigil na rin ako. Tinanggap ko na, na baka hindi na niya ako mahal.

Pero sa t'wing mapapanaginipan ako siya ay binabasa ko lamang ang sulat na iniwan niya sa akin nang umalis siya.

Paulit-ulit ko itong binabasa, lalo na 'yong nakasulat na sinabi niyang mahal niya ako. Kaya kahit mahirap ay tinanggap ko na lamang na baka hindi nga kami ang para sa isat-isa.

Uminom lang ako habang nag-iisip. Hanggang may tumapik ng aking likod.

"Hey! Are you okay?" tanong ni Kyle, tinanguan ko siya bilang sagot.

Problemado rin ito kasi may habol ng habol sa kanyang estudyante. Makulit pa sa dilang makulit. Natatawa na lang kami sa twing pagtataguan niya iyon.

At mukhang hindi napapansin ni Kyle na sa pag-iwas niya ay lalo siyang napapalapit kay nadine. Mukhang may puwang na sa puso niya ito.

Umupo ito sa tabi ko. At sa kabila naman ay si Jonas. Mas maswerte pa rin ako kay Jonas dahil buhay si Ashley, hindi katulad ng asawa niya namatay ang asawa nito. Kaya halos lahat ng kanta na isinusulat niya ngayon ay puro para sa namatay nitong asawa.

Halos isang taong mahigit din itong wasak. Naglay low din kami sa pagkanta dahil sa kanya. Dahil hindi namin siya mapilit at naiitindihan namin ang nararamdaman niya. Ako nga na iniwan lang halos mabaliw na iyon pa kayang hindi mo na makikita pa kahit kailan.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon