chapter 18

714 31 0
                                    

Ashley POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock na nasa side table ng aming kama. Agad ko itong pinatay upang hindi magising si Lance.

Masyado pa kasing maaga para bumangon ito lalo na't gabi na ito nang makauwi dahil sa pagrerecord ng kanta.

Weekend ngayon kaya nakaplano na pupunta ang mga kaibigan namin ni Lance dito sa bahay. May pool party kaming in organize ni Lance.

Agad akong bumangon upang maligo at gawin ang aking daily routine. Kailangan kong magmadali dahil magluluto pa ako ng almusal namin at ng mga ihahanda kong pagkain sa mga bisita mamaya.

Hands on ako sa pagiging nanay at asawa. Ako lahat ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng mag-ama ko. Ayoko kasing iaasa sa ibang tao mas gusto ko na ako ang gagawa no'n para sa kanila.

Tanging isang kasama sa bahay at ang yaya ni Elliot ang kinuha namin na makakasama. Stay out si ate Marites, habang ang yaya ni Elliot ay stay in.

Nang matapos ako maligo at magbihis ay agad akong pumunta sa kusina upang magluto ng almusal.

Nagluto ako ng fried rice, egg, bacon at tinapa na paborito namin pareho ni Lance, at syempre hindi dapat mawala ang kamatis at patis na sawsawan ng aming tinapa. Pinaglutuan ko din si Elliot ng pancake dahil iyon ang paborito niyang almusal.

Habang abala ako sa pagluluto ay naramdaman kong may matitigas na braso na yumakap sa akin mula sa aking likuran. Amoy na amoy ko ang pinaghalong shower gel at pabango niya na gustong gusto kong amuyin.

Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Naramdaman ko ang kanyang labi na dumadampi sa aking leeg. Tumayo ang balahibo ko sa sensasyon na ibinibigay niya. Nakadagdag pa ang mainit niyang hininga sa aking batok.

"L-love nagluluto ako." Nauutal kong saad. Naramdaman kong ngumiti siya. Imbis kasi na sawayin ko siya sa normal na tono ng aking boses ay naging mahinang ungol ang lumabas sa bibig ko.

Patuloy lang siya sa paghalik sa aking leeg paikot sa aking batok. Humahaplos din ang kanyang kamay sa aking tiyan pababa sa aking kaselanan.

Kahit nakadamit pa ako ay ramdam n ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang palad na humahaplos sa aking katawan.

"L-lance."

"Hmm!"

"B-baka may pumasok dito..."

"Good morning mama and papa!"

Gulat kaming napahiwalay sa isa't-isa dahil sa malakas na pagbati ni Elliot  sa aming likuran. Hindi ko na rin naituloy pa ang aking sinsabi.

Naramdaman kong nag-iinit ang aking pisngi at alam kong namumula na ito. At nang mapatingin ako kay Lance ay nakangisi itong nakatingin sa akin.

Abnormal talaga ang lalaking ito. Ke aga-aga. Lumalandi

Matapos mag-almusal ay naging abala kami ni Lance sa paghahanda ng pagkain para sa pool party.

Nagluto kami sugpo, kare-kare na paborito niya. Mag-iihaw kami ng liempo, hotdog at manok.

Nailagay na rin ni Lance sa cooler ang mga drinks at dinala na niya ito sa pool area.

Habang abala kami ay sabay-sabay dumating ang mga ka banda ni Lance kasama ang isang cute na babae. Bata pa ito siguro ay nasa nineteen years old lang ito.

"Yow guys." Bati ni Nico sa amin.

"Ang aga nyo ata? At mukhang may kasama kayo." Saad ko sa kanila ng nakangiti.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Where stories live. Discover now