chapter 8

664 33 2
                                    

Lance POV

Dumating ang araw ng fashion show. Hindi alam ni Helena na pupunta ang buong banda. Napapansin ko kasi na masyado na niyang pinakikialaman ang personal kong buhay. Lalo na pagdating kay Ashley. At hindi ko papayagan na makialam siya sa mga plano ko.

In the first place manager lamang namin siya at hindi ako natatakot mawalan ng career kung ang kapalit naman ay makasama si Ashley at mamuhay ng tahimik.

Wala ng ibang papantay sa sayang iyon kung sakaling piliin ni Ash na bumalik sa akin at mamuhay kami sa tagaytay. Lalo na at may ipinagawa na akong bahay sa lugar kung nasaan ang sweet haven naming dalawa.

Pinag-ipunan kong mabili ang malawak na lupain na iyon. At ng maging akin na ito ay pinatayuan ko ng bahay. 'Yong bahay na pangarap niya.

Sabay-sabay kaming dumating sa venue. Nakatakip pa ang aming mukha upang hindi kami makilala ng mga tao. Baka kasi maging issue pa ito.

Nang dumating kami ay sakto naman na mag-uumpisa na ang show.

Umupo kami sa gilid ng stage upang hindi gaanong mapansin ng mga tao.

Bago pa kami pumunta ay umorder muna ako ng bulaklak para sa kanya.

Maayos ang naging show. Proud ako sa mga gawa niya dahil mukhang pinaghirapan niya ito. At ang mas nakakaproud ay nalamang kong bago pa ito ilabas para sa fashion show ay sold out na ito at nabili na lahat. Malayo na rin ang narating niya.

Pero ang ngiti ko ay biglang nawala nang lumabas mula sa back stage ang babaeng aking sinasamba. Suot ang manipis na black nightwear at iyon lamang ang kanyang suot.

"Goddammit!" bulong kong sabi na may halong galit. Kumuyom ang aking kamao.

"Easy bro." bulong naman ni Kyle sa akin. Na natatawa pa sa naging reaksyon ko.

Tinanggal ko ang takip sa aking mukha at matalim ko siyang tiningnan.

Sino ang may sabi na ipakita mo sa mga tao ang dapat ay sa mga mata ko lang.

Nanggigigil ako sa galit at gusto ko nang suntukin at dukutin ang mga mata ng mga lalaking halos ay hubaran siya sa kakatingin. Fucking shit.

"H'wag n'yong tingnan!" inis kong sabi sa kanilang apat at tinawanan lamang nila ako.

Nagtama ang mata namin ni Ashley. Nakikita ko ang sakit, pangungulila at pagkasabik sa mga mata niya. Napansin ko rin na nangingilid na ang mga luha niya.

Dahil sa utos ko ay umalis na lamang ang apat at lumabas. Pero bago sila lumabas ay nagsalita pa si Nico.

"Tara na dahil umuusok na ang ilong ng isang iyan. Baka tayo ang tamaan."

Nang tumalikod sila ay saka ako tumayo at umalis sa loob. Kinausap ko si Kyle na makipag-usap sa staff niya. Gusto kong humingi ng appointment ngayon sa aking asawa. Syempre hindi niya maaaring malaman na ako ang ka-meeting niya.

She's been a bad girl. And she needs to be punish. Punishment na hindi niya makakalimutan.

Buti na lamang at nakausap ni Kyle 'yung Debbie na isa sa mga tauhan ni Ash. Sinabi niya na bukas na lamang pero hindi ako pumayag.

I need her now. At gagawin ko ang lahat upang pumunta siya. Sinabihan kong fifty million ang magiging contract kaya kailangan niyang makipagkita sa akin. Hindi rin ibinigay ni Kyle ang totoo kong pangalan. Babae rin ang sinabi ni Kyle na ka-meeting nito. I know its a desperate move, but I don't fucking care. Ang importante ay magkikita kami.

Sa penthouse na pagmamay-ari ko siya pinapupunta. Nauna akong umuwi upang magluto at maligo. I know Ash masyadong gutumin 'yon. Maswerte na nga lang siya at hindi tumataba kahit kain ng kain.

Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Donde viven las historias. Descúbrelo ahora