chapter 21

725 31 13
                                    

Ashley POV

"Helena!" Bulong ko sa pangalan niya habang nakatutok ang baril sa amin. Matalim ang titig na ibinibigay niya sa amin. Lalo na sa akin.

"Anong akala nyo papayag ako na maging masaya kayo habang ako ay miserable." Tumawa ito ng malakas na para bang nababaliw.

"Helena ibaba mo ang baril." Ani ni Lance sa mahinahon na salita. Inilagay niya ako sa kanyang likod na para bang pinoprotektahan.

Mabuti na lamang at wala sa conference hall ang anak namin dahil kasama ito ni France at ng mga bodyguard niya.

Nakatitig lamang ako kay Helena lalo na sa mga mata niya. Puro galit ang mababasa mo dito.

"Helena pag-usapan natin ito. Hindi mo kailangang gawin 'yan." Pangungumbinsi naman ni kuya Francis sa kanya. Nakalapit na pala ito sa gilid niya.

"H'wag kang lalapit. Kapag lumapit ka ipuputok ko ito!." Galit na sigaw niya dito.

Bumalik ang tingin nito sa akin at muling itinutok ang baril.

"Bakit ka pa bumalik hah?! Pinaalis na kita. Sa palagay mo papayag ako na makuha mo si Lance sa akin!" Ngumisi ito na parang natutuwa pa sa mga nangyayari.

"Helena please. Tama na! Ibaba mo na ang baril. Tama please." Pakiusap ni Lance sa kanya. Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha at ngumiti siya kay Lance

"Lance halika na. Umalis na tayo, nakapagpa book na ako ng ticket papuntang Canada. Alis na tayo, sumama ka na sa akin." Sabi niya kay Lance habang umiiyak. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya.

Alam kong biktima lamang siya. Biktima ng pag-ibig, at mali ang way niya sa pagpapakita ng pagmamahal. Hindi sakim ang pagmamahal at hindi ito mapang-angkin.

"S-sige sasama na ako. Ibigay mo na ang baril sa akin." Sagot ni Lance sa kanya.

Napansin kong may dumating na mga pulis at hindi iyon napansin ni Helena. Mga nakatutok na rin ang baril nila dito.

Nang sabihin ni Lance iyon ay bigla ulit itong tumawa. Mas malakas kaysa sa kanina.

"Anong palagay mo sa akin uto-uto. Hindi mo na ako maiisahan Lance." tumalim ulit ang mata nito at hinawakan ng maigi ang baril. "Kailangang mamatay ni Ashley para mapunta ka sa akin. H'wag kang mag-alala dahil mamahalin ko ang anak mo."

Kailangan may gawin ako. Hindi pwedeng magtago lang ako sa likod ni Lance. Kailangan makumbinsi ko siya dahil maaaring may mapahamak ng dahil sa amin.

Umalis ako sa likod ni Lance. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya.

Tinawag nila ako upang lumayo kay Helena, pero patuloy ako sa paglapit sa kanya. Nang medyo makalapit ako ay tumigil ako upang kausapin siya.

"Helena, I'm sorry kung ganito ang nangyari. Alam natin pareho na mahal natin si Lance pero hindi dapat ganito Helena. Kapag nagmamahal hindi ba dapat matuto tayong magparaya at maging masaya para sa kanila? Kung talagang mahal mo si Lance please tama na."

Habang sinasabi ko sa kanya ang mga katagang iyon ay patuloy lamang ang pagluha niya. Unti-unti rin bumaba ang kanyang kamay na may hawak ng baril.

"Mahal na mahal ko si Lance. Siya lang naman ang gusto ko eh. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Pero bakit gano'n hindi pa rin ako naging sapat? Bakit kahit matagal kang nawala ikaw pa rin ang mahal niya? Bakit hindi niya ako magawang mahalin? Ano ba ang meron ka hah!? Siya lang ang meron ako at inagaw mo pa!!"Sigaw niya.

Nagulat ako dahil bigla niyang ipinutok ang baril na hawak niya. Kasunod noon ang sigawan ng mga tao sa paligid at sunod-sunod na putok ng baril. Pangalan ko na lamang ang huli kong narinig na tinawag nila bago ako nawalan ng malay.


Married to the rockstar (Lance Evan Ford) LBB Book Series 1 Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang