Ken & Ella: Japan

276 20 13
                                    

💕

KEN'S POV

Mga isang oras na ng nakalipad ang eroplano at eto tulog na tulog na agad si Ella. Ang cute naman maka kapit. Hay Ella kung alam mo lang. Sana wag kang bumitaw. Sana hindi ka magsawa.

Hinalikan ko ang ulo nito.

"Mahal na mahal kita" I whispered.

I then decided to dose off as well.

Nakagising ako before we landed and I woke Ella up.

"Nandito na tayo, mahal."

Pagkagising nito tiningnan ako nito na medyo may takot sa mata niya. Tinawanan ko na lang siya.

"Hali ka na!" Hinila ko ang kamay niya

"Ayoko! Hangga't hindi ko alam kung ano ang babayaran ko sayo hindi ako aalis dito."

"Huy! Haha Pasalamat ka mahal kita ah at ayaw kitang iwan dito."

Kiniliti ko ito hanggang sa binuhat ko siya.

"Ken!! Huy nakakahiya! Bitawan mo nga ako!"

Nagtitinginan na ang mga pasahero sa eroplano sa amin. Tama nga nakakahiya pero sometimes, you don't bother doing silly things with the one you love.

Namumula na ang pisngi nito.

"Mag rerelax ka or bubuhatin kita hanggang paglabas natin dito?"

"Oo na mag rerelax na"

Binaba ko naman ito at agad na hinalikan

"Ayan ok na bayad ka na"

"Yun lang?! Yung lang pala?!"

"Bakit ano ba iniisip mo?"

"Wala naman..."

"Uy may ibang iniisip...gusto ko rin yan pero sa susunod na mahal"

"Huy ano ka ba!"

Naglakad na kami palabas ng eroplano.

"We're here mahal! Japan!"

"Halaaaaaa ang ganda!!! Ang lamig!"

"Ok lang yayakapin na lang kita."

"Pupuntahan natin sina ate?"

"Hmmm....di muna. May importante tayong pupuntahan today. Pagod ka ba? Do you want to rest muna?"

"No. Naka tulog naman ako so I am fine"
Sagot niya habang nakatingin sa paligid

"Don't worry masasama mo rin family mo dito...one day...in one, perfect, day."

"Hala pano mo nalaman na gusto ko sila makasama dito?"

"Ah... wala...nakwento lang ni Rita dati."

"Hmm? Ganun?"

There is already a car waiting for us outside. What Ella didn't know is, I planned this day already with kuya and Rita's help. I am not sure how she will react but I bought with me a couple of hankys if ever this day becomes emotional.

The CrossoverWhere stories live. Discover now