Chapter 6: Mistake

315 26 12
                                    

Rita's POV

What the fudge. Hindi ko na nga nakikita si Paul si Steven naman yung bumungad sakin.

"A-ah? Yes naman! Diba noong graduation dinner mo? Tsaka he saved me from Paul so malaki utang na loob ko dyan." Sagot ko kay ate Mitch.

Nakita kong nagulat naman itong makita ako.

"H-hi Rita! Nice to see you again! Naku wala yun."

"Hindi wala yun noh. Malaking bagay kaya yun. Tsaka ok na sakin na nililigawan mo si Ella. At least sure ako na may boyfriend na siya, may bodyguard pa. That if, mapa oo mo siya."

I just played it cool. Kunwari nakalimutan ko na yung kagabi.

"Ay oo diba mahirap mapa oo si Daniela?" Dagdag ni Ate Mitch.

"Oo ate pero I think malapit ng bumigay yun. What do you think, Steven?"

"Hehe sana nga." Tipid niyang sabi.

Umiwas ito ng tingin sa akin.

"Sige Ta, ito yung plano ko..."

Nag e-explain lang si Ate Mitch at nakikinig naman ako dito pero notice ko rin na panay sulyap si Steven. Nag me-measure na sila ng walls. Pini-picturan din nila ang buong office.

"Uhm Mitch?"

"Oh Steven?"

"Bukas ko na dadalhin ang designs para mapag pilian mo na."

"Wow bilis ah. Ok very good!"

"Te Mitch labas lang muna ako ah? May tatawagan lang ako."

"Ok sige."

-----

Wala naman akong tatawagan actually. Gusto ko lang ng fresh air. Hindi pa rin kasi mawala ang ginawa ni Steven sakin. Pero sure akong di naman niya sinasadya yun. Dapat ba akong magalit?

I was about to call Ella when I suddenly heard Steven's voice.

"Rita?"

"Oh? Anong ginagawa mo dito?"

"Pwede ba kitang makausap?"

Eto na. Alam kong pag uusapan na namin ang nangyari kagabi.

"Tungkol kagabi?"

"Uhm...yes."

"Sige nga Steven. Kindly explain it to me. Bakit mo ba ginawa yun?"

"Hi-hindi ko nga rin alam eh. Sorry Rita ha? Nabigla din ako. Nag expect na nga ako na magalit ka or sasampalin mo ako kaso timing naman na pumasok si Daniela. So I understand if galit ka sa akin."

Napapa yuko siya habang nag e-explain. Hindi siya makatingin ng direcho sa akin ngayon pero kagabi lang ang lakas makatitig at halik ng direcho.

"Hindi mo alam? Nabigla? Ang vague ata,  Steven. May explanation ang lahat ng bagay no." Inarapan ko siya.

"Rita-"

"Its ok. You don't need to explain na. And I'm not mad at you. Nabigla rin lang ako."

There was an awkward silence. Bakit ba siya nahihirapan mag explain? Naguguluhan din ba siya sa ginawa niya?

"Pasok na ako" sabi ko sa kanya.

"Rita sandali-"

Hinawakan niya ang kamay ko.
At agad ko namang binawi yun. Baka makita pa ni ate Michelle.

"Ano pa ba?"

"I'm sorry."

Tinaasan ko siya ng kilay.

The CrossoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon