Chapter 19: The Waiting

277 29 14
                                    

A/N: [Pasensya na po sa delay. Na busy at medyo dinapuan ng katamaran hahaha Paki basa na lang ulit ng Chap18 para hindi maguluhan haha ✌️😘🙏]

***

Daniela's POV

"Aaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!"

Sumigaw ako at napasigaw din sa gulat si Steven. Mabilis akong humiwalay dito.

"Anong ginagawa mo?! Bakit ka naka yakap?!" Inis kong tanong kay Steven.

"Hala excuse me Ella, nakayakap ka rin kaya!"

"Jusko! Jusko! Anong nangyari sa inyo?!"

Tanong ni Aling Marites habang hinahabol ang hininga niya habang may bitbit pa ito na walis tingting. Nasa likod niya rin si Mang Maximo.

"Eh ito po kasi si Steven eh sabi ko kagabi wag lumapit pag ka gising ko niyayakap niya na ako."

"Haha you're funny Ella! Kitang kita ko kaya na nakayakap ka rin sa akin! Wag kang mag deny alam mo yan."

"Ay jusko kayong mga bata kayo! Akala ko kung ano na ang nangyari eh! Yakap lang pala eh! Asikasuhin niyo na nga ang mga sarili ninyo at mag almusal na tayo.  Oh bakit ka tawa ng tawa dyan, Maximo?!"

"Eh ganyan na ganyan din tayo dati eh! Haha!"

"Tumahimik ka dyan Maximo"

---

So he crossed over the borders I have made? And hindi lang pala siya. Pati ako?! Hays Ella ka!

Nagtinginan kami ni Steven habang naka upo pa rin sa hinihigaan namin-- tinitingnan niya ako habang nakangiti ito. Hindi ko rin maiwasan na tingnan siya. Ibang iba ang itsura niya kapag bagong gising...oo aaminin ko mas gwapo ito ngayon pero bigla akong may nakita at napa talikod sa kanya.

"Oh ano na naman, Ella?"

"Wa-wala"

"Bakit ka nakatalikod?"

"Hmmm....takpan mo kaya muna ng unan yung ano mo dyan."

"Yung ano?"

"Yung ano mo!"

"Yung ano nga?!"

"Yung alaga mong ibon dyan!"

"Huh? Haha! Ganyan talaga tuwing umaga! Gising sila at nag goo-good morning!"

"Eeee! Bastos!"
Hinagisan ko siya ng unan at mabilis na tumayo at pumuntang banyo. Tawa naman ito ng tawa.

Steven's POV

Nagising ako sa lamig ng hangin. Alam kong umaga na pero medyo madilim pa. Nung tumingin ako kay Ella, nagulat na lang ako na sobrang lapit na namin sa isa't isa. Kinuha ko yung extra na kumot sa gitna namin at pinatong ito sa kanya.

Kaso habang ginawa ko yun, gumalaw siya at napalapit na sa akin. Unti unti, ang kamay niya ay kinakapa ako na tila naghahanap ng unan. Hanggang sa nilagay niya na ang kamay niya sa dibdib ko at sinandal na rin ang ulo nito.

Wala akong ibang magawa kundi ang mapangiti. Wala akong choice. Atat yung kamay ko na yakapin din siya. Maginaw din kasi. Nakangiti akong matulog muli.
----

Nagulat ako sa sobrang lakas na sigaw ni Ella.

"Anong ginawa mo?! Bakit ka naka yakap?!"

Haha seryoso ba siya? Kung maka sigaw at magbintang naman to. Nako kung alam niya lang ang totoo.

The CrossoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon