Chapter 17: Stranded

307 31 16
                                    

Steven's POV

Bigla akong nagulat sa sinabi ni Rita.
Ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Ri-Rita?"

Ngumiti ito at nagulat akong hinalikan niya ako sa noo at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Wag muna dito...at wag muna ngayon."
She whispered.

I smiled at her. Niyakap ko din ito at hinalikan ang ulo niya. Noon parang atat na atat akong makuha siya. Ngayon na we have all the time in the world, we are taking it slow...but it surely makes sense now. Its maybe because my heart is now sure that she is the one. And I hope she feels the same way too.

"Its ok Ta. I can wait."

Then all of the sudden...

"I love you."

Biglang tumigil ang mundo ko ng sinabi ni Rita yun. Hindi ako makapaniwala na sakanya pa manggaling. Ayaw niya kasing sinasabihan ko siya lalo na if magkasama sila ni Ella. Ang sarap pakinggan pag galing sa kanya. Bumilis na naman ang kabog ng puso ko.

"Your cheeks are turning red, Mr. Steven Chan." Sabi nito.

"Ha? Uhm...mahal din kita. Sobrang mahal kita Rita."

I gave her a soft smack on the lips.

Umalis na kami sa pool. We were holding each other's hand hanggang sa makarating na kami ng room namin. Magkatabi lang naman.

Naabutan naming naglalaro ng baraha si Ken at Ella sa labas ng room sa may table. Kumakain pa ng chichirya at may canned softdrinks pa.

"Luh di pa kayo natulog?"
Tanong ni Rita sa kanila.

"Hindi pa ate eh. Tinuturuan ko pa si Ken mag tong its."

"Haha jusko ka. Sige ligo lang ako."

Di ko namalayan na nakasunod pa rin ako kay Rita.

"Hoyy! Dun ka sa kabila!"

"Ayyyy!!! Nako sorry!"

Nagtawanan naman si Ken at Ella at natatawang sinara ni Rita ang pinto.

"Kuya may plano ka ha."
Pabirong sabi ni Ken.

"Hoy wala ah."

"Asussss!" Tukso nila.

"Dyan na nga kayo!"

Naglakad na ako sa kwarto namin at naligo sa banyo.

--------

Daniela's POV

Inalalayan ako ni Ken at nilagay niya ang tuwalya sa likod ko. Nagulat akong inakbayan niya ako habang naglalakad kami pabalik ng cottage.

"Oh giniginaw ka pa rin ba?"
He concerningly asked.

"I'm fine. Thank you. Sigurado ka bang ayaw mo nang mag swimming?"

"Tsss hayaan mo na ang dalawa na mag moment dun. Ayaw ko naman mag third wheel doon."

"Haha sa bagay."

"Alam mo Ella, lahat ng nangyari sa buhay ko puro unexpected. Unexpected parents, unexpected childhood, unexpected life...at unexpected girl to fall in love with."

"Nako ayan na naman po siya. Masyado kang pa fall Mr. Ken Angeles!"

"Bakit na fa-fall ka na ba?"

Napatigil naman ako at napatingin sa kanyang mga mata.

"Sino ba naman ang hindi mahuhulog sayo. Gwapo ka, mabait, matalino, family-oriented, may breeding. Lahat siguro ng babae magkakandarapa sayo."

"Pero isa lang naman ang gusto ko eh...kaya lang mukhang ayaw niya pang magpaligaw."

The CrossoverWhere stories live. Discover now