Chapter 30: I'm Here

238 20 6
                                    

Steven's POV

"Ken...Steven...its ok hali kayo dito pasok kayo." Sabi ni Tita Veron.

Hindi ko akalain na mangyayari pa ito. Sa aming dalawa ni Ken, mas ako ang naiiyak. He had great second parents to raise him well and I don't have back then kaya importante para sa akin ang araw na ito.

Ang tanda na nila...at mukhang simple lang ang buhay nila if titingnan lang sa mga pananamit nila. Yung tatay namin...bulag na siya. Halata kasi wala itong salamin. Moreno na chinito pero halatang may itsura ito. Tsaka yung nanay namin...naluluha na ito pero puno ng lungkot ang mga mata niya. Simple lang siya at mesyo maputi lang kay tatay at maiksi na ang buhok. Maputi na ang mga buhok nila.

"We were looking for that old coffee house sa tapat ng Heroes Cemetery na dati naming pinupuntahan ni Allan before. Iba kasi ang timpla ng kape nila doon hanggang ngayon it was the same taste. Denise brought us there at mabuti na its still open. And we saw them there...nagkakape din sila and they are talking about a girl named "Mila" at "ang kambal na sila Ken and Steven" which Denise heard. Kaya kinausap sila ni Denise and when they talked about Mila, we were hundred percent sure na sila ang mga magulang ninyo."

"Nandito na ba sila?" Nanginginig ang boses na tanong ng tatay namin.

"Oo mahal...nandito na sila. Kamukhang kamukha mo silang dalawa parehas." Paiyak na sabi naman ng nanay.

Tumayo si tatay at inalalayan ito ng nanay.

"Mga anak" bigkas niya. "Ako ito ang tatay Fernando ninyo. Pasensya na kayo hindi na namin kayo kayang alagaan noon." Sabi niya habang kinakapkap ang mga mukha namin ni Ken. Hinawakan ko ang kamay ng tatay at hindi ko na napigilang umiyak at yakapin siya. Naiyak din si Ken at niyakap ang mga magulang namin.

Ng naka upo na kami lahat at medyo kumalma na, nagsimula ng mag kwento si nanay.

"Ang pangalan ko ay Cecilia Castillo. Kay tagal naming gustong magka anak ni Fernan kaso wala talagang nangyari. Hanggang dumating ang isang araw nalaman ko na lang na buntis ako. 42 na ako noon. Pagkatapos na pagkatapos ko kayong ipinanganak, nawalan ng trabaho ang tatay niyo at ng dahil sa mahal ng gamot sa diabetes niya, hindi na namin naisalba ang mga mata niya. Tuluyan na itong nabulag pagkatapos ng isang buwan. Pero nagpasalamat ito dahil nasilayan niya pa rin kayo."

"Ha??? Ano po? Sabay kaming pinanganak?"

"Oo kambal kayo."

Nagtinginan kami ni Ken at hindi makapaniwala.

"K-kelan kami ipinanganak nay?"

"Sigurado ako November 12, 1989 yun hinding hindi ko iyon makakalimutan. Wala na talaga kaming pambili ng gatas noon kaya mahirap man sa amin na ipa ampon kayo ay ginawa na lang namin. Kaso si Mila hindi na sinabi sa amin kung saan at sino basta na lang kami binigyan ng pera. Noong nakapag ipon na ako ng kaunti sa paglalaba, sabi ko hahanapin ko kayo. Kung saan saan na kami na padpad. Pero hindi kami sumuko. Umaasa kami na isang araw makikitankayo namin parehas." Sabi ng nanay.

"Hay si Mila talaga oh. Sabi niya ok ang mga papeles. Baka pinirehan lang kayo at  pati kami din. September 22, 1989 ang nakalagay na kaarawan ni Ken sa birth certificate niya eh."

"So I guess...I should stop calling you kuya now?" Sabi ni Ken. At natawa naman kami parehas.

"Denise? Salamat ha." Sabi ni Ken

"Nako wala yun. Ang saya ko na nahanap niyo na finally ang tunay niyong mga magulang."

"Thanks, Denise."

The CrossoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon