Special Chapter: Ken & Ella

228 20 7
                                    

💕

Daniela's POV

"Sigurado ka? Hindi ka uuwi sa L.A?"
Tanong ko habang nagluluto ako ng almusal namin ni Ken.

"Bakit? Ayaw mo ba? Pinapauwi mo na ba ako?" Panguso niyang sabi habang pinulupot yung mga kamay niya sa bewang ko habang nilagay yung baba
niya sa kaliwang balikat ko.

"Nako nako wag nga ako Ken Angeles! Nagtatanong lang naman eh. Di pa rin kasi ako talaga makapaniwala. And I mean, don't you miss your job and your life in L.A? Si tita Veron at tito Allan nandun."

"Eh diba sabi ko sa kanila mag spend muna kami ni kuya ng time kay nanay at tatay dito. At tsaka kung gusto mo akong bumalik sa L.A....ehem remind lang kita ah... nandun si Denise."

"Eh bakit sinong nagsabi na magpapaiwan ako dito pag nagpa L.A ka? Sasama ako hoy." Malakas naman itong tumawa. Pati ako natawa rin sa sinabi ko.

"Hahaha oh kita mo na! Pinapaalis mo ako tas sasama ka rin pala."

"Hindi kita pinapaalis sabi eh nagtatanong lang po."

"Pero yan ang gusto ko sayo mahal. Kung saan ako, dun ka rin. Don't worry magbabakasyon tayo doon soon."

"Eh yun din naman kasi yung ginawa mo sakin eh. Ayan...nasanay tuloy ako na nadyan ka palagi sa tabi ko. Attachment is real haha."

"Kasi hindi naman tayo maghihiwalay eh. Hinding hindi mangyayari yun, mahal." Hinalikan ko namna ito habang nasa likod ko siya.

"So to answer tour question, yes. Sure ako na hindi muna ako uuwi sa L.A. Dito muna tayo mahal." Dagdag niya.

"Sige basta ikaw bahala. O kain na tayo."
Nilapag ko sa mesa yung niluto kong ulam at umupo na kami parehas.

"Siya nga pala kailan at saan yung next project niyo ni kuya?" Biglang tanong ni Ken.

"Next month pa ata mahal. Sa Davao yun eh. Alam mo naman...bagong kasal. Nag e-enjoy pa sila ni ate Ta sa honeymoon at bakasyon nila."

"Oo nga eh. Ang ganda ng pictures nila sa Japan noh? Mahal, kung papipiliin ka, saan mo gustong ikasal?"

Nagulat naman ako sa tanong ni Ken.

"Bakit mo naman biglang natanong yan?"

"Hindi ba pwede?" Binigyan niya lang ako ng isang nakaka-curious na ngiti.

"Hindi naman...nagulat lang ako. Alam mo, kahit saan ok lang sakin hindi naman ako choosy. Kahit nga dito na lang sa bahay eh o di kaya sa bahay ni Steven at ate na lang sa Carles hahaha ganda kaya doon"

"Na miss mo na ang ate mo no?"

"Oo naman alam mo naman na sobrang close kami eh. Kaso nandito ka naman eh kaya ok lang. Oh? Anong tinitingin mo dyan? Kumain ka na."

Ngumingiti itong naka tingin sa akin habang hawak ang kutsara at tinidor niya.

"Ella?"

"Mmm?"

"Love you"

Ken's POV

The CrossoverWhere stories live. Discover now